Kabanata 02

12 0 0
                                    

"CONGRATULATIONS, SCARLET!"


Binulabog ang aking tainga sa sobrang lakas ng mga boses na narinig ko kasabay nang pagsabog ng confetti. I was surprised for real. Sa sobrang pagkasorpresa ko ay naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Hindi ako makagalaw. Tears suddenly pooled my eyes as I wandered my eyes around the place.


It's already nighttime yet the place was lit up. I can clearly see the things around our surroundings. Pansin kong isa itong tagong cottage sa resort na pinagtatrabahuan ni Lala. The cottage is in the middle of dwarf coconut trees surrounding in it. May mga sari-saring makukulay na halaman din na nakapaligid dito. 


Malaki ang cottage. The decorations were simple yet eye-catching at the same time. Isang puting tela ang nagsilbing backdrop na may mga nakasabit na gold foil curtains at kung saan nakadikit ang nakatoga kong larawan. Beside my photo, letter balloons were aligned with the word "Happy Graduation!". Sa gitna ng cottage ay may parihabang mesa na may nakahandang iba't-ibang klaseng pagkain. Sa may bandang gilid naman ay may mga nakawrapped na mga regalo. 


Para ba sa'kin lahat ng 'to?


Lord, I am not dreaming right?


"Congratulations sa napakasipag kong part time worker!" masiglang bati ni Ma'am Olivia. I did not expect this. I did not expect that Ma'am Olivia would participate this kind of activity. Ang laki ng ngiti nitong lumapit sa 'kin at hinandugan ako ng isang mahigpit na yakap. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Nanatiling nakatikom ang aking bibig.


"I'm so proud of you!" she whispered in addition. 


"Ma'am..." Sa sobrang saya ko ay wala akong masabi. This is the first time I have experience something like this. Pangarap ko lang dati 'to e! Pangarap na hindi ko sinabi kahit kanino. I love surprises! So much! 


Tumingala ako para pigilan ang luhang kanina pa gustong tumulo ngunit hindi ko ito tuluyang napigilan nang sabay akong niyakap ni Hara at Xandra. Nauna pa talaga silang dumating dito ng hindi man lang nakabihis. I am really grateful for having them as my best friends. They were so unpredictable!


"We are so proud of you, our Scarlet!" they greeted in chorus.


"Thank you..." My heart was overflowing with happiness that I cannot even expressed through words. How can I? I was standing here speechless while crying! Hara wiped my tears and hugged me again. She even giggled. 


"You deserve all of this, my Scarlet..." she whispered.


"At sana iwas-iwasan mo na ang pakikipagflirtationship kung hindi ay isusumbong na talaga kita kay Lola Glor," she warned me while slightly pinching my glutes. Napangiwi ako sa banta niya. Paborito niya talagang panggigilan ang puwet ko. Samantalang hindi ko maiwasang hindi matawa sa binulong niya.


Sorry not sorry. Flirtationship is fun at my age. No commitments. No responsibilities. No headaches. Just having fun. 


"Gaga, wala pa akong nakitang handang makikipagcommit," sagot ko sa kaniya sa mahinang boses. 


Once Upon A Summer (Summertime Saga Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon