Nabingi ako sa narinig. Nakatulalang nakaharap sa kaniya. Wala sa sariling nakatayo sa harapan niya. I was out of words. How was this possible? I pinched myself multiple times to wake myself up from this terrible nightmare. But hearing my Lala's clear and soft voice was enough for me to be aware that I was not having a nightmare at all.
Si J-jackson?
A-anak ng amo ko?!
No wonder he was always around here! No wonder he was always around here even though he was not an employee! 'Yon pala anak siya ng amo namin!
Nagbakasyon lang, naging bobo ka na, Scarlet! Paanong hindi mo man lang naisip 'yon?! Paanong hindi man lang sumagi sa isipan mo na baka may koneks'yon siya sa resort dahil palagi siyang nandito?!
"Scarlet, apo. Siya si Sir Jackson mo. Siya ang in-charge ng resort ngayon dahil nasa ibang bansa ang mga magulang niya."
Hindi ko na halos naiintindihan ang mga pinagsasabi ni Lala dahil sa nararamdamang sobrang kahihiyan. Gusto ko lang namang magtrabaho nang matiwasay! Bakit naman ganito, Lord? Mukhang pinaparusahan mo talaga ako!
I want the land to open up and swallow me right here, right now. Everything I did to him and everything he did for me flashed back in my mind. And it was too much for me to handle! I could feel the temperature of my face rose up.
Nakakahiya! Hiyang-hiya na ako!
Alam kong ipinanganak at lumaki akong may makapal na mukha ngunit sobra naman yatang ipamukha sa 'kin 'yon!
Embarrassment crawled up more throughout my veins and scattered through my system. Hindi ako makatitig sa kaniya nang diretso. Para akong tuod na walang buhay na nakatayo sa harapan niya na daig pa ang naputulan ng dila dahil hindi makapagsalita. Wala akong mahanap na tamang salita para makipag-usap sa kaniya!
Ilang minuto ang nakalipas nang naagaw ang atensiyon namin nang biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. I hurriedly grabbed it with shaking hands and answered it in a low stuttering voice. Naikuyom ko ang kamao dahil do'n.
"H-hello?"
"Uy, si V 'to! Hinahanap ka na ni Ma'am Havannah. Nasaan ka raw? Bakit wala ka rito?" sunod-sunod na tanong niya sa kabilang linya.
"Okay okay. Papunta na ako! May inaasikaso lang ako sandali!"
I was saved by the bell. Nagmamadali kong ibinalik ang cellphone sa bulsa at tumingin kay Lala na bakas sa mukha ang kasiyahan dahil naipakilala na niya ako sa anak ng amo niya. They looked close at each other earlier.
Lala, hindi po nakakatuwa.
"La, babalik na po ako. Hinahanap na nila ako. Iniinom mo ba ang gamot mo?"
"Ano ka ba, apo? Kanina ko pa nainom. Huwag mo akong masyadong alalahanin at bumalik ka na lang doon," aniya.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Summer (Summertime Saga Series #1)
RomanceSummertime Saga Series #1 Once upon a summer, Scarlet, an incoming fresh year college student, extremely believed that summer is just summer. Just like any other normal days, summer has nothing specials to offer. Spending times with loved ones, a mo...