"'Yan ang napapala ng isang lalakeng bastos! Kung ako ang binastos no'n baka binangasan ko na!" V mumbled.
Tuluyan nang napaalis palabas ng resort ang bastos na lalake kaya kaniya-kaniyang balik na rin ang mga tao sa kani-kanilang ginagawa. Habang ako naman ay hindi makapagsalita, hindi inaakala ang mga pangyayari.
"Sino kaya sa akala mo ang nagsumbong?" I whispered to V, without the thought that one of our co-waitresses might hear it.
I was more than aware that it was not me. Kahit gustong-gusto ko ng sabuyan ng mainit na sabaw ang walang kuwentang lalakeng 'yon ay hindi ko ginawa dahil ayokong gumawa ng eksena. Don't tell me he harassed an another woman other than me? Grabeng pagkabastos naman niya kung gano'n! He deserved to be thrown away from this place!
"Hindi na kailangan ng magsusumbong," one of our co-waitresses interfered. V and I shifted our eyes on her, curious on what will she reveal.
"Kita niyo 'yan?" she asked while pointing something. Our eyes followed her fingers pointing the CCTV cameras in each corner of the dining hall.
"Walang maitatago rito sa loob ng resort. Maraming nagkakalat niyan sa labas. Maliban nalang sa lodging room," aniya.
I was relieved that my new workplace prioritizes the safety and security of both customers and staff without depriving our privacy. Bihira nalang makakita ng ganitong uri ng pamamalakad kung saan parehong pinoprotektahan ang mga karapatan ng empleyado at kliyente. Ang iba nga ay sila pa mismo ang maglalapastangan sa empleyado nila o hinahayaan lang nilang bastusin ang kanilang empleyado ng mga kliyente nila sa katakutang mawalan ng kita.
There are some who made rules and regulations just for show, without really implementing it to actions.
My first day in Allegro's didn't flow as smooth as limes but it went well. Natapos akong kumain saktong alas otso, oras na ng labas ni Lala. I dialled Lala's number to check her up. Akala ko pa naman magiging madalas na ang pagkikita namin dahil nasa iisang lugar nalang kami. Hindi pa rin pala dahil masyadong busy sa puwesto ko.
"Palabas na ako, 'nak," aniya sa kabilang linya.
"Agad-agad? Lala, hintayin mo ako. Ipagpara kita ng sasakyan—,"
"Huwag na, Scarlet. Kaya ko na. Pag-iigihan mo ang pagtatrabaho mo riyan." Sumimangot ako sa habilin niya. Pinag-igihan ko naman nang mabuti ang trabaho ko kahit nakakapagod. Ayaw ko lang naman siyang mas lalong nahihirapan.
"La, huwag mong kalimutang inumin ang gamot mo," paalala ko bago pinatay ang tawag.
Dalawang oras nalang, out na naming tatlo ni V at Patrick. Nangangawit na ang paa ko kakatayo ngunit ininda ko 'yon dahil malapit na naman ang labas namin. Kaunting tiis nalang. Hinihintay nalang namin kung kailan matatapos kumain ang mga customers ngayong oras.
Pagkatapos nilang kumain ay nagmamadali kong niligpit ang mga pinagkainan nila at hinatid sa sink ng kitchen para mahugasan ng dishwasher. Kung may mas pagod man sa amin, siguro ang mga dishwasher namin dahil walang humpay at walang katapusan ang mga hugasin sa kusina. Tinutulungan din sila ni V at Patrick sa pagliligpit ng mga leftovers. Bumalik ako mula sa kusina bitbit ang isang basahan para ipampunas ng mesa.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Summer (Summertime Saga Series #1)
RomanceSummertime Saga Series #1 Once upon a summer, Scarlet, an incoming fresh year college student, extremely believed that summer is just summer. Just like any other normal days, summer has nothing specials to offer. Spending times with loved ones, a mo...