"Maxxine.." saad nang kungsino
Luminga linga ako sa paligid para hanapin ang tumawag sa akin ngunit wala akong makitang kahit ano kundi dilim.
Madilim ang buong paligid at wala kang kahit anong makikita dito.
Ang inaapakan ko ay wari gawa sa Yelo na crystal sapagkat malamig ito at may mga disenyong Crystal.
"S–sino ka?" tanong ko
"Maxxine..."
"Sino ka ba!?"
"Ako ito Maxxine.. Ako ito.. Ako si Azalea"
Sinundan ko ang pinangagalingan ng boses at may naapakan akong kung ano
Nabasag ang Yelo na gawa sa Crystal at nalaglag ako dito
Dire-diretso ang pagbagsak ko sa isang malamig na semento
Ay Snow pala 'to
Medyo masakit sa likod pero keri ko pa naman!
Tinignan ko ang itaas kung saan ako nahulog pero masyado itong mataas at madilim kaya hindi ko rin makita.
"Maxxine" Ayan nanaman!
"Ano ba!? Hindi ka ba titigil!? Mag pakita ka!"
"Maxxine.."
Tumingin ako sa kaliwa't kanan ngunit wala pa rin siya
Tumingin din ako sa harap ko pero wala pa rin siya.
Pag lingon ko sa likod ay muntik na akong atakihin sa puso dahil may nakita akong babae sa hindi kalayuan
Malungkot itong nakatingin sa itaas at nakatayo lamang
Si Azalea ito.
Ngayon ko lang rin napansin na naka wangis Maxxine ako ngayon.
Nilapitan ko si Azalea para kausapin
"Alam kong marami kang tanong" Saad nito habang nakatingin sa itaas
"Pero hindi ko muna ito masasagot lahat, Maxxine."
"B–bakit?"
"Darating ang tamang panahon. At kapag dumating ang tamang panahon na iyon ay malalaman mo na ang lahat. Sa-sabihin ko sayo lahat. Pero sa ngayon, maging matiyaga ka muna. Isa-isa mong malalaman ang mga sikreto ko." Ani nito
"Nahirapan akong humanap ng kaluluwa na papalit sa akin sapagkat lahat sila ay hindi ito kakayanin. Napagdesisyonan ko na kumuha ng kaluluwa sa ibang mundo. Sa mundo niyong mga tao kahit alam kong bawal iyon."
"Nakikita ko ang aking hinaharap na maganda at matagumpay sa buhay dahil sa iyo Maxxine. Ngunit.." Malungkot niya akong tinignan
"Ngunit ano?"
"Alam kong may hangganan rin ito.." malungkot nitong ani
huh?
"Sa ngayon, ang aking sasabihin muna ay kung bakit ka andiyaan sa aking katawan, Maxxine."
"Ikaw ay namatay sa mundo niyo, saktong sakto sa pagkamatay ko sa mundo namin. Ikaw ang napili kong papalit sa akin. Ikaw ay na reincarnate sa katawan ko at ang tanging misyon mo lang dito ay tuparin ang mga kahilingan ko." Saad nito
"Ano bang pinagsasabi m–"
"Hindi ko kailanman nagampanan ang pagiging prinsessa" Malungkot na pahayag nito
BINABASA MO ANG
The Fragile Princess (PANDORA #1)
FantasyAzalea Tiffany Aqua the youngest daughter of King Emmanuel and the first daughter of Queen Margaret. Azalea is the most hated ang weakess princess of Pandora because she doesn't have any powers. Not until the girl named Maxxine die and reincarnate a...