004: HAPUNAN

5.1K 150 3
                                    

Bumaba ako sa Kalesa na sinasakyan ko at bumungad sa akin ang malaking palasyo na kulay asul at puti.

Madami itong mga kawal at may mataas at malawak na hagdanan bago ka makapunta sa mismong tarangkahan

May mga batang nag ti-tinda naman ng kung ano ano sa gilid gilid ng hagdanan at halata ditong masaya sila sa ginagawa nila.

"Pag bati mahal na prinsessa Azalea. Nabalitaan naming ika'y nawalan ng alaala. Ako si Marcus, ang pinuno ng mga kawal dito sa Osea." Bati ng isang lalake na sa tingin ko ay kaedaran ko rin

Tumango ako dito at niyaya niya ako pataas, papunta sa loob.

Kung maganda sa labas ng palasyo, MAS MAGANDA SA LOOB NITO.

Dyamante, crystals at kung ano ano pa ang mga makikita mo dito sa loob.

Natanaw ko ang babaeng ginintuang buhok

"AZALEA!"

Ito ba yung Belle?

Belle Ziam Aqua

"Mabuti naman at maayos na ang iyong pakiramdam, aking apwe.. Halika't samahan mo ako patungo sa hapag" Masayang saad nito

Tumango na lang ako at sumunod sa kaniya

"Kumusta ka na ba?" simpleng tanong lang yan pero hindi ko siya sinagot

nanatili akong tahimik at tila nakaramdam din siya roon kaya napatahimik din siya

Maski ako ay hindi alam ang nararamdaman ko e

Napunta ako sa ibang katawan and the more shocking is sa ibang mundo din.

Haaah!

"Halika at tunguhin na natin ang hapag. Paniguradong tayo na lamang ang hinihintay doon."

Ang sabi nila Bia at Elise, si Belle daw ang pinaka close ko kuno sa kanilang lahat. Siya lang at wala nang iba.

Magaan naman ang pakiramdam ko dito kaya tumango na lang ako at sumunod sa kaniya

"Sobra akong nangulila sayo, aking apwe. Sa dalawang taon na yon ay wala akong ibang ginawa kung hindi nag pabalik-balik dito at sa akademya dahil inaabangan kitang magising at ngayon na gising ka na, labis talaga akong natutuwa." Nakangiting saad nito

"Ako rin" tanging saad ko

Narating namin ang hapagkainan at yumuko muna si Belle

"Pag bati ama naming hari at aming mga ina" bati nito at hinawakan ang bestida bago yumuko na tila isang prinsessa talaga.

Naguguluhan ako pero alam ko ang ibig sabihin nito.

Kailangan mong gumalang sa hari at mga reyna.

Hindi ako yumuko o ano. Nanatili akong nakatayo at patay malisyang nakatingin kay Belle.

"Hindi ka ba babati sa akin, Azalea?" Malamig na tanong ni Eman

"Pag bati, mahal na hari " Simpleng saad ko at hindi man lang yumuko

Hindi nila deserve ng pag galang mula sa akin dahil hangga't ako ang nabubuhay sa katawan ni Azalea, wala puwedeng manakit sa kaniya.

"Ang kapal naman nang mukha mong babae ka-"

"Suzan" Suway ng hari

"Maupo na kayong dalawa" Utos nito

Umupo kami at nagsimulang kumain

"Dito ka na ba ulit ti-tira?" Tanong ni Lace, ang kakambal ni Darwin

Oo, kilala ko na sila base sa itsura nila.

The Fragile Princess (PANDORA #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon