009: ASAWA

3.9K 130 2
                                    

Hapon na nung nakarating kami sa Light Academy. Magpapadala raw ng sulat si Wendel kay ama at gusto niyang ipahanap doon ang driver nung Diondo kasi sigurado kaming may alam yun kasi bakit naman niya kami ibaba sa may gubat diba?

Paniguradong kasabwat yon o kaya tinakot ngunit kahit ganoon ay kailangan pa rin siyang mahanap sapagkat muntik na kaming mawalan ng buhay kanina!

Si Belle ang nag drive ng diondo sapagkat tamad si Darwin at mas gustong makipag kulitan kasama si Lei.

Nasa labas kami ng akademya ngayon at papasok pa lang ng sinalubong kami ng isang matandang lalake

"Maestro" saad ni Belle

"Magandang hapon sainyo mga Aqua, lalong lalo na sayo Prinsessa Azalea" nakangiting saad nitong maestro na ito

"Magandang hapon din po" sabay sabay na bati namin

"Halina't pumasok na. Doon pa rin ang dormitoryo niyo. Ituturo ko lamang kay Azalea ang kaniya" Saad nito

Tumango naman ang tatlo

"Sige mauna na kami.. Azalea. Mamayang hapunan susunduin kanamin papunta sa canteen nila dito" Saad ni Belle

"Sige, mauuna na kami, ha, Azalea?" Saad ni Belle

"Mamayang hapunan, sumabay ka sa amin sa kantina." Dugtong nito

Tumango na lamang ako at umalis na sila

Napatingin ako kay Maestro at nag salubong ang mata namin sapagkat nakatingin din siya sa akin.

Ilang segundo ako nitong tinignan at pansin kong lumungkot ang mga mata niya ngunit nawala rin iyon.

"Halika na" saad nito

Pagkapasok namin ay maiingay na studyante agad ang bumungad at napatigil sila ng pumasok kami

"Siya ba yung bago?"

"Sino siya?"

"Pre, tignan mo"

"Ang ganda niya"

"Mukha siyang galing sa mayaman na pamilya"

"Narinig ko na ang pangalan niya ay Azalea.."

"Siya ba yung tinagong anak ni Haring Eman?"

Sari saring komento ang narinig ko

"Huwag mo nalamang silang pansinin" tumango ako kay Maestro

Habang naglalakad kami ay nakita kong nakaupo sa isang upuan naka paligid sa puno ang mga royalties

Habang naglalakad kami ay nahagip ng mata ko ang mga royalties na nasa may isang puno, nakaupo. (Hindi totally na sa puno sila nakaupo. May puno ron tapos may nakapalibot na upuan at don sila nakaupo.)

Sila Ivy.

Kinakawayan nila ako at ngumiti

Tahimik namang nakamasid si Noah sa gilid

"Ehem" saad ni Maestro

"Bakit po?" tanong ko

"Dito ang dormetoryo nang mga babae. Sa ikatlong palapag ka at ang kwarto mo ay ang pang 401" saad nito

"Sige po, salamat" saad ko. Yumuko muna ako bago pumasok

-

"Halika na"

Dumeretso kami sa canteen at nagtaas ng kamay si Darwin

Dun kami umupo. Kumpleto kaming magkakapatid sa isang upuan

Evan, Dwayne, Wendel, Ken, Darwin, Belle, Lei, Violet at ang pinaka maganda sa lahat, ako.

May pagkain na rin dun at masaya kaming kumain

The Fragile Princess (PANDORA #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon