Chapter 13✰

329 3 0
                                    

Lumabas ako sa kwarto at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng pagkain dahil hanggang ngayon hindi pa kaya ng sikmura kong makita ang pagmumukha ni papa.

Pumunta nanaman ako sa kwarto tsaka li nock ko yung pinto. Umupo ako sa kama ng makita ko yung gamit ko na hindi pa naayos. Binuksan ko yung bag at nakita ko ang jacket na black. Jacket ni Ethan na pinahiram niya nung hinahatid niya ako pauwi.

Hindi ko maiwasang malungkot lalo na sa sitwasyon ko ngayon. Kinuha ko to at yinakap.

Ilang minuto pa linigpit ko ito at ilinagay sa aparador. Sakaling makita ko ulit siya isusuli ko yan.

Pumunta ulit ako sa may kama at tiningnan yung bag. Bakit ba ganito nangyari sa buhay ko? Bakit ba bumabalik lahat ng sakit na naranasan ko?.

Pumunta ako sa may bintana at unti unting naalala lahat ng nangyari nung bata pa ako.

"Bakit? Nakalimutan na ba yun ni mama? Wala lang ba yun sakanya?" Bulong ko sa hangin habang unti unting namuo ang luha sa mata ko.

Ganito nalang ba palagi? Hindi na ba talaga mababago?.

Ano kayang nangyari kung hindi ako pumunta ng america. Siguro ok pa kami ni mama. Siguro nasa kulungan pa siya. Siguro...... Hindi ko sila nakilala.

Kahit ano naman tingnan kong parte eh lagi nalang dapat may desisyon. At ayaw ko namang pagsisisihan lahat. Bakit ganoon?.

Lumabas ulit ako sa kwarto. Naglakad ako papuntang sala ng makita ko si mama inalagaan si papa.

"Anak-" Hindi ko na narinig sunod ni Mamang sasabihin ng deri deristo akong naglakad papalabas. Kailangan ko ba talaga tong pagdaanan 'ulit'? Kasi akala ko tapos na.

Gulong gulo ang isip ko habang naglalakad hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tuloy lang sa paglakad ang mga paa ko.

Napahinto ako ng dalhin ako ng paa ko sa sementeryo. Anong ginagawa ko dito?.

Naglakad ako papunta sa isang puntod.

"Lolo....." Bulong ko sa hangin habang nakatingin sa lapida na may pangalan niya.

"Lolo kung nandito ka lang sana...." Inunahan ako ng malakas na hikbi kaya hindi ko naipatuloy ang sasabihin ko. Napaluhod ako habang nakahawak sa puntod ni Lolo.

"Lolo tulungan mo po ako. Lolo hindi ko na po kaya. Paulit ulit nalang. Akala ko tapos na tapos pagbalik ko hindi pa pala. Lolo tulungan mo po ako please" sigaw ko habang lumakas ang hangin at binalot ako ng lamig na pakiramdam ko nasa tabi ko si Lolo pinakikingan ang mga problema ko.

Paulit ulit akong humingi ng tulong ki Lolo.

Pagkatapos ay nagsimula akong maglakad pauwi. Nagabihan ako sa sementeryo.

Si Lolo lang ang tumulong ki mama para mapalaki ako. Siya yung nagsumikap kaso sa kasawiang pala kinuha naman agad siya ni god.

"lamig" bulong ko sa hangin.

Ang layo ng sementeryo samin tapos nagawa ko ba naman lakarin kanina. Wala akong dalang pera. Kaya hindi ako makakasakay.

Maya maya pa nakarating na ako sa bahay. At sinalubong ako ni tita kasama silang dalawa.

Ngumiti ako ki tita. Pero agad ring naglakad papuntang kwarto.

"Patricia kumain ka na muna" sambit ni mama.

"Pagod ako" maikling sagot ko tsaka li nock ang pintuan ng kwarto ko.

Agad kong binagsak ang katawan ko sa kama. Pagod talaga ako kanina pa.

Sana naman may magbago bukas.

Hmm.... Sino yan? Text gabi na?.

Agad kong kinuha ang cellphone ko tsaka tiningnan ito notification lang pala. Hay.
Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko.

Is TOMORROW still like this? (COMPLETED)Where stories live. Discover now