Chapter 15✰

320 6 0
                                    

Tanghaling tapat na ako gumising.

Hay. Pumunta ako sa cr tsaka naligo na. Hindi sana ako sasama kila mama kaso pinilit ako ni tita. Naka t shirt akong puti tapos pantalon.

"Patricia ready kana?"

"Opo" sambit ko.

Naglakad kaming apat papunta sa kanto. Sila mama sumakay sa loob ng trycicle at ako katabi ko si papa sa may likod ng driver.

"Hawak ka anak"

Hindi ako sumagot at inirapan ko siya.

Pagdating namin sa tapat ng simbahan bumili muna si mama ng kandila at binigyan siya kami isa isa.

Pagkatapos ng misa pumunta ako sa may sindihan ng kandila at sumindi ako para kay Lolo.

"Kain na tayo" sambit ni tita tsaka inakbayan ako.

Naglalakad muna kami sa plaza. Mas ikinainip ko yun lalo na kapag nakikita ko ang mga pamilyang masaya.

Maya maya pa kumain na kami sa may Jollibee.

Pagkatapos ay naglalakad nanaman kami sa plaza.

"Anak natatandaan mo ba nung binilhan kita ng balloon" sambit ni papa.

"Oh ano naman?" Sagot ko.

"Ang saya mo nun anak. Sana ganoon ka saya palagi"

"Eh sa ayaw ko. Ikaw naman ang dahilan kung bakit hindi ako masaya"

"Anak sana mapatawad mo ako sa lahat ng naggawa ko sayo at sa mama mo"

"Kala mo maawa ako sayo. Oo matagal na yun pero dumudugo pa rin yung sugat sa puso ko"

Tumango siya.

"Alam mo ba kung gaano kahirap makita si mama umiiyak araw araw dahil sa pananakit mo? Hindi na nga ako makatulog dahil sa pag aalala"

"Oo marami akong naggawa anak. At hindi ko iyon itatanggi kung hindi kapa ready na magpatawad mag hihintay ako. Maghihintay ako hanggang magkaayos tayo. Mabuo ulit pamilya natin. Maghihintay ako anak"

Inirapan ko lang siya.

"Dami mong sinabe" usal ko tsaka pumunta kila tita.

"Oh Patricia uwi na tayo?"

Tumango ako.

"Oh Sige" sambit ni mama.

Pumunta kami sa may paradahan ng trycicle medyo malapit lang kasi yung plaza sa may bahay namin.

Nagsimula ng mag drive si manong at katabi ko nanaman siya, kapag dumadampi siya iniiwasan ko tsaka iniirapan ko siya.

Pinikit ko mata ko kasi antok na ako kanina pa. Maya maya pa nakarinig ako ng malakas na busina na nagmumula sa harapan.

Hindi ko na alam pero nung dinilat ko ang aking mga mata nakita kong punong puno ng dugo ang t shirt kong puti. Hindi ko na maramdaman ang katawan ko nanghina ako ng makita ko si papa nakahilata sa kalsada at duguan.

Tumakbo ako papunta sakanya kahit iika ika na ako. "Pa! Pa!" Sigaw ko tsaka sabay namang bumuhos luha ko. Nakita ko rin ang pagtakbo nila mama papunta sa deriksyon namin."Pa! Wag mo naman akong iwan ng ganto!" Sigaw ko."Pa?! " Sigaw kong paulit ulit habang akay akay ko siya sa aking kamay.

Maya maya pa dumating na ang ambulansya at agad naman akong sumakay. Hawak hawak ko ang kamay niya hanggang makaabot sa hospital. Saaming Lima si papa ang napuruhan.

Ilang oras ang dumaan at patuloy pa rin sila sa operasyon.

"Family?"

Tumango ako.

Is TOMORROW still like this? (COMPLETED)Where stories live. Discover now