12 years later.........
"Good bye po ma'am"
"Good bye" bati ko sa isa sa estudyante ko.
Oo teacher na ako!. Natupad ko na rin ang isa sa mga pangarap ko!.
"Uy pat let's go na!" Si Mixy at si Xandra naka reunite ko na rin! Sa loob ba naman ng senior high di ko akalain parehas parehas ang university na mapapasukan namin.
Nasa cafe kami ngayon negosyo ni mixy of course dito ako nakatambay lagi pag exam tsaka end of quarter stress pag compute ng grades grabe. Pero worth it naman ang babait kaya ng mga estudyante ko.
Si Xandra naman may sarili ng salon. Successful na rin siya last year nga lang nakipag break up si Joshua. Pero may afam na siya agad grabe talaga tong babaeng toh.
"You know what guys?"
"Hm?"
"I'm pregnant!!!!!"
"Ano totoo?" Hindi kami makapaniwala ni mixy.
"Luh akala ko sugar daddy mo lang siya"
"Excuse me pwede niya akong iwan anytime mas mayaman na nga ako kesa sakanya eh"
"Uy Ikaw pat? Wala ka bang balak hanapin si Ethan mo?" Tanong ni Xandra.
"Oo nga" pag sasang ayon ni mixy.
"Hmmm... Kung talagang kami talaga para sa isa't isa eh di gagawa si tadhana ng paraan para ipagkita kaming dalawa diba?"
"Truth pero baka may kaagaw kana ha! O baka naunahan kana" sambit ni mixy.
"Grabe ka naman kay pat"
"Kung yun nga eh kailangan kong tanggapin"
"Luh grabe words of wisdom ilang taon kana ulit? 109 year's old?"
"Haha nakakatawa"
"Hoy humanap kana pat it's time for your happiness naman noh. Tsaka baka maging matandang dalaga ka"
"Oo Basta! I'll go with the flow bahala kayo"
Diktadoras.
Kumuha ako ng coffee tsaka humigop.
Hmm.. matagal tagal narin possibleng nagbago na talaga ang feelings niya sakin.
Lumingon ako sa bintana ng may mahagip akong pamilyar na mukha. Hindi na ako nagdalawang isip pa lumabas ako at sinundan to.
"Ethan!" Sigaw ko. Ngunit hindi ito lumingon. Tumigil ako sa paghahabol baka hindi nga siya yun. Baka na malik mata lang ako.
Napaupo ako sa may daan dahil napagod rin ako.
Yumuko ako at napa isip.
Is it time na ba para humanap ako? But no matter what happens i choose to wait pa rin eh. Maybe it's time i should listen to them na. Maybe ito na yung time to let go to the past. Tiningnan ko ang sing sing hanggang ngayon wala pa ring kupas ang ala ala mo pero baka nag hihintay nalang ako sa wala.
Ng makapagpahinga bumalik ulit ako sa coffee shop at linunod ang sarili sa laptop.
Pagkatapos ko ay umuwi na ako para makapagpahinga. Sabado na bukas bibisitahin ko sila papa at para maka hingi na rin ng sign kung.. basta tungkol kay Ethan.
Humiga ako sa kama at hinintay ang sarili kong makatulog.
Morning na. Nag ayos agad ako para maagang maka punta sa sementeryo. Nag sindi ako ng kandila at linapag ang bulaklak na dala ko sa lapida nila ni papa. Tig isa.
YOU ARE READING
Is TOMORROW still like this? (COMPLETED)
Romance"Will You Read Till the End?" follows high school student Patricia as she navigates the complexities of life. Throughout her journey, she witnesses love, pain, tragedy, and regret, shaping her understanding of the world and herself. (Tagalog/English...