Pagkagising ko agad akong nag ayos. Kape lang ininom ko tapos lumabas na ako sa bahay.
Naglakad na ako papunta sa bahay ni mixy.
"Tao po" sambit ko. Ang aga ko ata.
"Patricia" si mixy nagbukas ng pinto. "Ang aga mo" sambit niya.
"Haha ano wala na kasi akong gagawin sa bahay"
"Sige ok lang mamaya pa yun dadating mga snack time alam mo naman sa pagkain yung mga yun" biro ni mixy.
Inaya niya ako papasok sa loob. Nahihiya ako pero sa kwarto niya lang naman daw ako habang naghihintay.
"Ang ganda talaga niya" bulong ko habang nakatingin sa picture ni mixy.
"Huh?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang isang lalaking walang saplot na pangtaas.
"Hoy bastos magsuot ka nga ng damit may bisita ako" sambit ni mixy tsaka binatukan yung lalaki.
"Sorry sa kuya ko ha. Ganon talaga yun" sambit niya.
"Ok lang" grabe na sa lahi ba talaga nila to? Ang ganda ni mixy tapos ang gwapo ng kuya niya sheesh sanaol.
"Ehem may gwapo ba sa america? Ehem pa reto naman"
"Loko. Of course meron kaso hindi ko kilala eh" biro ko.
"Grabe kung ako pumunta doon siguro ang daming jowa ko na"
"Pag aaral muna ha" sambit ko na para bang magulang niya ako.
"Ok po mama" sagot niya. At sabay kaming tumawa.
Maya maya pa dumating na yung mga kaklase namin.
"Uyy si Patricia ba yan?"
"Ay hindi jasper" Singhal ni mixy.
"Ok po" sagot ni jasper ki mixy.
Bagay ah.
"kailan ka umuwi? Hanep iniwan mo naman kaming namo mobrelema sa presentation"
"Sorry biglaan kasi"
"Ok lang yun" sambit niya pa. Si jasper nag ka crush siya ki mixy dati kaso ewan ko kung may feelings pa rin siya ki mixy. Isa pala siya sa mga lover boys.
"Uyy si Patricia!" Sigaw ng mga lover boys hayst na miss ko to. Yung makukulit na tinuring kong anak.
"Patricia tingnan mo" sambit ni James tapos pinakita sakin ang picture nila nung recognition na may award at medal sila. Nakakaproud.
"Congrats!" Sambit ko.
"Salamat Mama!" Pabirong sambit nila.
"Eyy is that Patricia"
"Ay hindi Xandra" usal ni James. Kahit kailan talaga tong dalawang toh.
"I'm not talking to you" Singhal ni Xandra. "Patricia oh my god our model is back!" Sigaw niya.
Ang saya niya. Palibhasa ako ang pinanglalaban nila sa mga pageant competition tapos sila yung mag aayos sakin.
"I missed you all!" Sigaw ko.
"Na miss ka rin namin!" Sigaw nila.
Nakakamiss talaga. Nagsimula na rin kaming kumain habang nag kwekwentuhan. Ang dami kong na miss na moments grabe.
"Uyy si Nathan pumaparaan" hiyawan nila ng tumabi sakin si Nathan.
"Ano ba kayo" sambit ko.
"Yeiii" hiyawan pa nila.
"Taken na ko sorry" sambit ko.
"Ay may na hanap na pala sa america sanaol!" Sambit ni jhanna.
"Ayyy" hiyawan na naman nila.
YOU ARE READING
Is TOMORROW still like this? (COMPLETED)
Romance"Will You Read Till the End?" follows high school student Patricia as she navigates the complexities of life. Throughout her journey, she witnesses love, pain, tragedy, and regret, shaping her understanding of the world and herself. (Tagalog/English...