Chapter Two

3 0 0
                                    

Keziah's POV

Napasigaw ako dahil sa pangyayari 'yon, ang malala pa ay nahulog ako sa inuupuan ko.

Kasalukuyan kaming bumabiyahe papunta sa vacation house ng kaibigan ng mga magulang namin ni MJ. Si Papa ang nagmamaneho at siyempre, si Mama ang nasa passenger's seat, habang kaming dalawa naman ni MJ ay nasa backseat.

"Ayan! Kung ano-ano kasi ang pinapanood niyo kaya kung ano-ano rin napapanaginipan niyo." panenermon ni Mama sa amin.

Nagtaka ako.

Panaginip?

So panaginip lang pala ang lahat ng 'yon? Laking pasasalamat ko dahil panaginip lang 'yon, pero parang totoo kasi.

Natulala ako sa pinagbagsakan ko, pinagpapawisan pa rin ako at ang bilis ng pintig ng puso.

"Bakit ka rin napasigaw?" takang tanong ko kay MJ.

"Don't tell me na parehas panaginip natin?" dagdag ko pa habang binubuksan ko ang takip ng tubig na binigay sa akin ni Mama.

"So, nahulog ka rin sa kanal sa panaginip mo gano'n?" muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko dahil sa sinabi niya.

Tangina talaga nito.

"Langya ka! Makasigaw ka kasi habang nananaginip sobrang wagas eh!"

"'Pag ikaw ba nahulog sa kanal, hindi ka sisigaw? Dapat bang matuwa ka, gano'n?"

Inirapan ko si MJ habang bumabalik ako sa kinauupuan ko, natawa na lang si Mama at Papa dahil sa sinabi niya.

May ilang minute na ang lumipas nang magising ako sa bangungot na 'yon, pero hanggang ngayon ang binabagabag pa rin ako ng panaginip na 'yon.

It looks real like it really happened.

"Parang 'di ka riyan mapakali Keziah ah, ano bang napanaginipan mo?"

Napaangat ang tingin ko dahil sa sinabi ni Papa, nagtagpo ang mga tingin namin sa rearview mirror.

"Naakisidente kasi kami ni MJ sa panaginip ko, nawalan daw kami ng preno tapos may sasakyan na bumangga sa amin."

"Buti na lang talaga panaginip lang 'yon, creepy." bulong ng kapatid ko.

"Ganito kasi 'yon, may birthday at welcome party kami no'n na pupuntahan ni MJ. Bestie niya 'yong celebrant tas feeling ko nga Ma mag-bestie rin kayo ng mga parents niya eh."

"Sinong bestie ko? Si Moonbin?"

Umiling ako at napaisip, ano nga ulit pangalan no'n?

"Cha Eunwoo," I paused.

"Yeah, Cha Eunwoo is the name of celebrant. 'Di ba magkaibigan kayo ng parents niya, Ma at Pa?"

"And he's one of your besties, right?"

We passed the welcome name of the place we entered, and I got the chance to know the name of this place.

"W-Why y'all became quite suddenly?"

MJ is staring at me in horror, may nasabi ba akong mali?

My Mom gave me a half smile, "Once we reach our destination, don't mention that name to your Tita and Tito, okay?"

Kahit naguguluhan ako, ay tumango pa rin ako.

Hindi na ako nagtanong dahil napansin kong iniiwasan nila ang topic na 'yon, pinili ko na lang na itikom ang bibig ko. Isinandal ko ang ulo ko sa windshield ng sasakyan at pinagmasdan ang labas.

Shannequin (Cha Eunwoo AU)Where stories live. Discover now