Keziah's POV
It's been three days since we came here to the vacation house owned by the Lee family. And I could say that their home became a little lively since we had a heart-to-heart talk with Tita.
The first time we came here, the house wasn't just creepy. It was also gloomy.
Magkahalong gulat at saya naman ang nakapinta sa mga mukha ng mga tao rito noong napansin nilang unti-unting sumisigla si Tita, napansin din namin na totoo na 'yong mga ngiti at tawa niya.
But we were all surprised noong nakita namin na ipinakabit ng mag-asawa ang portrait ni Eunwoo sa sala.
Parehas kaming naglalakad ni MJ palabas ng bahay dahil do'n daw kami mag-aagahan sa garden. Oh 'di ba, ang taray! Breakfast at the garden kami.
We were having a normal conversation, oo may normal pa kaming pinag-uusapan na magkapatid, when my sight landed on my left noong naglalakad kami sa sala.
"What the hell?" literal akong napakapit sa kapatid ko at napaatras pa noong nakita ko ang portrait ni Eunwoo.
"Iba talaga 'pag gwapo ang nakita ng mga mata mo, sist. Kahit 'di kana nga mag-agahan ngayon, alam kong busog kana sa nakita mo."
Pinitik ko ang noo ni MJ, "Kahit kailan talaga sobrang pasmado ng bibig mo! Nagulat lang kaya ako kasi nakakabit na 'yan diyan, noong dumating kaya tayo wala pa 'yan 'no."
"Oh sige sist, kunwari naniniwala ako sa mga sinabi mo. Kunwari 'di mo palusot 'yon at may kaunting katotohanan sa mga sinabi mo."
Tinulak niya ako, "Magkukunwari pa 'to na 'di niya crush ang bestie ko. Sus!"
Akmang hahampasin ko na sana siya kaso bigla itong tumakbo palabas ng bahay habang tumatawa.
Mabulunan sana siya ng mismong laway niya katatawa.
Susunod na sana ako kay MJ pero muli akong napatitig sa picture nito.
Yeah, I admit that I have a crush on him. Because why not? Crush lang naman 'yon at wala namang mawawala parehas sa amin. Sayang lang talaga kasi hindi ako nagkaroon ng chance na makita siya in person.
Maybe I'm a flirty person, slight lang, but how do I wish I met him before he bid his goodbye.
Oh well, maybe I met him in person, 'di ko lang sure. Kasi wala akong matandaan talaga.
Kung ano ang nararamdaman ko noong nabanggit siya sa panaginip ko at sa narinig ko mula kay MJ kung ano ang ikinamatay niya, ay gano'n din ang nararamdaman ko habang nakatitig ako sa portrait niya.
Something's wrong and weird.
Ewan.
Heto na naman ako sa may parang mali, ano ba 'tong sinasabi ng gut feeling ko at hindi ko ma-explain-explain nang maayos?
"Baka may pwede ka namang maitulong sa kung ano 'tong bumabagabag sa akin? Paki-explain nga kung ano 'to. Tatlong araw na ako nag-o-overthink, ano ba~"
Bago pa ako maloka nang tuluyan at maiyak sa kaiisip kung ano ba 'yon sa harap ng portrait ni Eunwoo, ay lumabas na ako ng bahay.
Pero bago pa ako tuluyan makalabas ay napatingin ako sa likod ko.
I heard someone calls my name.
But I'm the only one here at the living room.
I shrugged my shoulders before I made my way to the garden to have breakfast.
YOU ARE READING
Shannequin (Cha Eunwoo AU)
FanficReminders: • Few people can feel his presence but can't see him in his human shadow form. • It is rare to see him in his human shadow form. • He's unable to step into a bright room or place he's been locked and living in the darkness ever since. • P...