“WHAT?” Malakas kong sigaw nang ipaliwanag sa akin ng aking ina na ro'n muna daw ako titira sa mansyon namin sa probinsya. 'Ayoko ro'n! Hindi ako sinusunod ng mga katulong dahil utos daw ni Mommy ganto gan'yan'.
At isa pa mayro'ng lalaking ayaw na ayaw kong makita na trabahador ni Mommy do'n.
Matalim akong tumingin kay Mommy ngunit sinabayan n'ya ang titig ko nang mas matalim, hindi na ako nabigla dahil magkapareho kami ng ugali at siguradong talo lang ako sa huli.
“Huwag mo akong sinisigawan Klea. Wala ka nang magagawa, hanggat hindi ka nagbabago ro'n ka muna sa probinsya,” sabi n'ya. Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na sa kwarto upang iayos ang gamit na dadalhin ko.
—
Alas sais pa lang ng hapon ay tumayo na ako sa aking kama't naligo. Dinala ko ang maleta ko pagkatapos ay pinababa na sa katulong ang mga gamit ko. Sinabi pa nila, wala na raw si Mommy dahil maaga raw ang meeting nito.
Napairap na lang ako dahil alam ko namang sa bagong lalaki n'ya nanaman ito pumunta. Nilagay na nila sa likod ng kotse ang maleta ko habang ako nama'y dere-deretsong pumunta sa loob ng kotse habang abala sa pagce-cellphone.
Ilang oras ang nakalipas, hindi ko man lang napansing nakatulog na pala ako. Naramdaman ko lang ang marahang pagtapik sa balikat ko ni Mang Pedro—ang driver namin.
Akala ko ay tutulungan n'ya akong ilagay sa kwarto ang gamit ko ngunit pagkababa n'ya ng maleta at iba kong gamit ay iniwan n'ya na ako. Nagtagis ang bagang ko ngunit nilagay ko na lamang sa likod ko ang backpack na dala ko pagkatapos ay hinila ang maleta.
Wala akong makita kahit isang katulong kaya ako na mismo ang nagbitbit papunta sa kwarto ko. Kahit naman may katulong ay hindi ako tutulungan at hindi papansinin. Pawisan akong nakarating sa kwarto ko.
“Grabe! Hindi man lang ako tinulungan ng matandang 'yon,” sabi ko habang nilalabas sa bag ang mga damit ko at itinatabi sa closet na nandito sa kwarto.
Napabuga ako ng malakas nang matapos nako sa ginagawa ko. Niligpit ko na rin ang iba kong gamit na nagkalat sa kwarto, kahit maarte ako ayoko pa rin na marumi ang paligid ko. Ininat ko ang katawan ko pagkatapos ay nagtungo na sa banyo upang makaligo.
Pagkatapos ko maligo ay agad akong pumunta sa baba para kumain dahil alas nuwebe na ng umaga, hindi pa ako nagaalmusal.
Natigilan ako sa pagbaba ng hagdan nang makita ang aking dating kasintahan na si Isagani. Hindi ko maiwasang mapatingin sa bukol na nasa gitna ng mga hita n'ya. Nanonood ito ng basketball na nakawhite t-shirt at boxer lamang.
Hindi ko napansin na habang nakatitig ako sa bukol n'ya ay nakataas ang kilay na itong nakatingin sa akin.
“Anong tinitingin-tingin mo r'yan? Magluto ka na Klea, kung ayaw mong ikaw ang maging hapunan ko,” maawtoridad n'yang utos. Napamaywang naman ako habang matalim na nakatingin sakan'ya. 'What the fûck? Ako magluluto? Kainin n'ya na lang ako'.
“Sino ba ang amo sa atin huh?” Mataray kong sambit. “Tumayo ka na nga r'yan at ipagluto ako, at isa pa ikaw ang pinapasweldo kaya dapat pagsilbihan mo'ko.”
Nagulat ako nang hindi man lang ito nasindak sa pagtataray ko't dahan dahang lumapit sa akin habang nakangisi. “Hindi ikaw ang nagpapasweldo sa akin kaya wala kang karapatang utusan ako.”
“At isa pa. Pinadala ka ng Mommy mo rito para tumino, hindi para pagsilbihan,”Unti unti n'yang nilalapit ang muka n'ya sa muka ko, hanggang sa ilang dangkal na lamang ay magdidikit na ang labi namin. “Hala s'ya sige magluto ka na.”
Napaiwas na lang ako ng tingin sa kan'ya. “Hindi ako marunong magluto.”
“Ilang taon ka na Klea?” Seryosong tanong nya. Hindi ko pa rin magawang tumingin sa mga mata n'ya.
![](https://img.wattpad.com/cover/347841487-288-k82003.jpg)
YOU ARE READING
SMŪT COLLECTION
RomanceThis story may contain sensitive content, matured themes, and strong language that are not suitable for children or minor and sensitive readers. READ AT YOUR OWN RISK. You have been warned so don't blame me if something triggered you. PHOTO NOT MINE...