chapter 2

0 0 0
                                    

Chapter 2

︵‿︵‿

"Anong ginawa mo?!"

Gulat na saad ng lalaking nasa apatnapong gulang ang edad .

Ang ama ng dalaga.

"Hindi ....hindi ako! Hindi ako ang pumatay sa kanya....h-hindi"

Paliwanag ng dalaga na sinasabayan ng mga pag iling habang patuloy sa pag luha.

Hindi makapaniwala ang ama ni Athena sa nakita at ayaw nyang paniwalaan na magagawa nga iyon ng kanyang anak.

Ngunit sa kahit anong anggulo tingnan.

Mula sa damit ng dalaga na puno ng dugo maging ang mga kamay nito na puno ng kalyo at dugo.....ang basag na salamin at ang walang buhay na katulong .

Ay walang duda na si Athena ang May gawa.

Biglang namatay ang ilaw.

Kasabay no-on ang pag bukas ng mga bintana sa kwarto ng dalaga na kanina pa kumakalampag.

Isang malamig na hangin ang pumasok sa kwarto .

Hindi na marinig ng lalaki ang hagolhol ng kanyang anak.

"A-athena?"

Kinakabahang tanong ng lalaki.

Ngunit di sya nakakilos sa sunod na pangyayari.

Naramdaman nya ang malakas na pwersa ng kamay na sumasakal sa kanyang leeg at dahan dahan syang ini-anggat sa ere.

Madilim man ang paligid ngunit aninag nya ang anak .

Hindi nya matukoy kung anak nya nga ba talaga ito o ibang tao.

"Izvia. Izvia ang pangalan ko"

Tila nag bago ang boses nito na parang sinasapian ng demonyo.

Na alala ng lalaki ang asawa na yumao.

“a-thena lab--anan mo---"

Nahihirapang saad ng ama sa anak.

Tila lumuwag ang pag kakahawak sa leeg ng dalaga at bumalik sa ulirat.

Sumisigaw ito na tila nag mamaka awa

"Paaaaa! Ayaw ko! Ayaw koooo "

Pa ulit ulit na sigaw nito na tila nahihirapan at sinusubukang kuntrolin ang sarili.

Ngunit agad nawala iyon ng biglang bumalik sa pag kakahigpit ang paghawak sa leeg ng lalaki at humalakhak ang dalaga nang isang mala demonyong tawa.

"Hindi mo ako mapipigilan! Hindiiiiii!!!!!!"

Sigaw ng dalaga at tila isang magaan na bagay na inihagis ang lalaki .

Tumama ang katawan ng lalaki sa pader at nahulog sa kama.

Nawalan ito ng malay dahil sa impak ng pag ka bagok ng ulo nito sa pader.

Nag patuloy naman sa pag halakhak ang ang dalaga at lumabas sa kwartong iyon.

Na aninag nya ang babaeng kinasusuklaman at sumira ng tahanan nila simula ng pakasalan ito ng kanyang ama.
Kita rito ang takot sa mga mata ng babae habang naka titig sa dalaga at tumakbo ito pababa ng kusina.

"Oliviaaaaaaa"

Mala demonyong sigaw ng dalaga sa panggalan ng babae.

At humahalakhak ito habang bumababa rin ng hagdan.

"Takbo Olivia! Tumakbo kaaaaa HAHAHAHAH"

Mala demonyong tawa ng dalaga

Habang patuloy na nag tatakbo ang babae.

At nag sisigaw

"Demonyo ka Athena! Demonyo ka!"

Sigaw nito habang tumatakbo papalayo.

Nadapa pa ito.
Sinusubukan nyang buksan ang pinto ngunit sa taranta ay nahirapan syang buksan ito.

Tila Naka lumutan nya pano pihitin ang pintuan.

Nakita nya ang rebulto ng dalaga na bumababa.
Tila napapa libutan ito ng usok na itim at namumula ang mga mata nito.

Nakangiti ito na tila sabik na sabik na kumitil ng buhay.

Nang palapit na ito sa kanya ay tsaka nya napihit ang pintuan at agad syang nag tumatakbo sa labas di alintana ang malakas na ulan.

Sa pag mamadali nya ay nadapa pa sya sa putikan.

Napa iyak sya sa takot ng makita ulit ang rebulto ng dalaga na papalapit sa kanya.

Agad syang tumayo at na iwan pa ang tsinelas nya dahil sa takot .

Survive Athena Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon