Habang abala sila sa pagkukwentuhan ay unti-unti na rin na gumalaw ang mga sasakyan at gumanda ang daloy ng trapiko. Makatapos ang halos isang oras na pagbyahe ay nakarating na rin sila sa subdivision kung saan sila parehas nakatira. Ihahatid pa sana ni Luigi si Cally sa bahay nito kaya lang ay bigla niyang napansin na ‘flat’ ang isang gulong ng sasakyan niya. Itinabi niya muna ang kotse sa gilid at sinabi na lang kay Cally na kung ayos lang ba na hanapan na lang siya bi Luigi ng tricycle para makauwi na ito at siya naman ay maiiwan doon para magpalit ng gulong pero tumanggi si Cally at sinabi nito na maglalakad na lang siya hanggang sa bahay dahil tatlong kanto na lang naman ang layo nila mula sa kalye kung saan siya nakatira.
Sumangayon si Luigi at agad na silang nagpaalam sa isa’t-isa, nagpasalamat na din si Cally sa paghatid sa kaniya.
Lumakad na si Cally pauwi.
Habang naglalakad, naisip niyang bigla ang mga nangyari. ‘Mabait naman pala si Luigi.’ sabi nito sa sa sarili niya. Hindi niya akalain na darating ang araw na masasabi niya ito dahil noon talaga ay hindi na nila gusto ang isa’t-isa dahil sa pagiging magkakompitensiya sa klase.
Nalulunod ang isip ni Cally sa pag-iisip kay Luigi at dahil doon ay hindi niya kaagad namalayan na ilang hakbang na lang pala at ayun na ang kanto kung saan siya kailangang lumiko, bumalik lang siya sa sarili nang may tricycle na dumaan at bumusina ito ng malakas. Nabigla si Cally pagkarinig sa umalingawngaw na busina. Inayos niya ang bag niyang nakasukbit sa balikat sabay liko niya sa kanto ng Amor Street.
Hindi pa man siya nakakaliko ng todo nang biglang…
"Aray!!!" Ingit ng dalawang boses sa magkasabay na tiyempo.
Muntik na matumba at mawala sa balanse si Cally dahil sa lakas ng pwersa ng nakabangga niya pero buti na lang at hinawakan siya nito sa kamay at hinatak paharap para hindi tuluyang matumba at bumagsak sa lapag, ang kaso lang ay napalakas din ang pagkakahila sa kaniya kung kaya naman ay napalapit siya maigi dito at napayakap bigla nang hindi niya sadya.
Nagulat si Cally sa nangyari at nang mapagtanto niya ang sitwasyon ay aagd siyang bumitiw sa pagkakayakap at humakbang na lang ng kaunti paatras. Napatingin si Cally sa mukha ng tao na nasa harapan niya na nang oras na ito ay nakatingin sa kaniya at tila gulat na gulat.
Hindi maintindihan ni Cally kung bakit, pero bigla niyang naramdaman na bumilis ang tibok ng puso niya at tila ba ay parang tumigil ang oras at nawala ang ingay sa paligid.
Nakatulala lang si Cally sa taong kaharap na nakatulala lang din sa kaniya. Magsasalita sana siya nang bigla namang dumampi ang patak ng tubig sa mukha niya. Napatingin siya sa taas at napapikit ng mabilis sabay minulat din muli ang ang kaniya mga mata. Doon lamang niya nakitang unti-unti na pa lang pumapatak ang ulan.
Ibinalik ni Cally ang tingin sa kaharap niya at sa ‘di niya rin malamang dahilan ay bigla niya itong itinulak sa kontroladong puwersa.
"Ano ba?!?! Bakit mo ba ‘ko hinatak?!" Mataray nitong tanong.
Napaandar pabalik ng kaunti si Paul pagkatulak sa kaniya ni Cally. Galing sa pagkakatulala, bumalik bigla sa kaniya na hindi niya nga pala gusto ang ugali nito.
"Sandali, bakit ka ba galit? Ikaw itong hindi nakatingin sa daan." Sagot ni Paul sa medyo naiinis na tono.
Mangangatwiran pa sana si Cally kaya lang ay lumakas ang ulan at minabuti na lang niya na umalis na.
"Bahala ka!" Malakas nitong sabi kay Paul sabay lakad at sadyang binangga nito na puno ng puwersa ang balikat niya kay Paul."Aba talagang…" Naiinis na sabi ni Paul sa sarili pagkabangga sa kaniya ni Cally. May sasabihin pa sana siya dito ngunit nakita niya na tumatakbo na ito ng mabilis palayo.
Inis na umuwi si Cally at pagdating niya ay napansin ito ng ate niyang si Gene ngunit hindi na nito masyadong inusisa pa kung bakit at nagsabi ng mauuna ng matulog dahil pagod siya at masakit ang ulo.
Pumasok si Cally sa kuwarto niya para kumuha ng pamalit na damit at ng tuwalya. Palabas na sana ulit siya papunta sa banyo nang mapansin niya ang isang puting sobre na nasa ibabaw ng kama niya. Naisip nitong baka si Gene ang naglagay doon. Kinuha niya ang sobre at tiningnan ang nakasulat sa labas.
‘Cally’ ang nakalagay.
"Parang pamilyar ‘tong sulat na ‘to." Banggit niya sa sarili.
Agad niya itong binuksan para malaman kung kanino ito galing at kung para saan ang sulat.
"Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwal sa Panginoon. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila’y tatakbo at hindi mapapagod, sila’y lalakad at hindi manghihina."
Isaias 40:31
Sana ay isang araw magtiwala kang muli sa Panginoon at sa mga magagandang bagay."
Natigilan si Cally at napaisip ng mabuti.
BINABASA MO ANG
Ang Anghel Ko na Mala-Kupido
Teen FictionSi Paul ay isang anghel na tapat at magaling na tagapana. Ang tungkulin niya na paibigin ang mga tao sa lupa na nakatadhana sa isa't-isa ay biglang nahinto nang siya ay makagawa ng isang kasalanang labag sa batas ng Diyos. Ang kapalit? Kinakailangan...