Nagising akong nasa bahay ko. Panaginip na naman ba iyon? Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan.
Si Lukas naman talaga ang nakita ko. Paanong namalikmata ako? Hindi ako nag kakamali.
Balisa ako at hindi mapakali. Si Lukas lang ang gumagawa sakin non, noon pa? At Hindi ako nagkakamali.
"Nay!" Tawag ko.
Nakita kong natural lang siya at nag huhugas. Para bang walang nangyari sakin, parang hindi ako nawala.
"Nawala ako 'nay! Kinuha ako ni Lukas."
"Lukas?" Tanong nito na parang walang pakialam sa akin, at sa sinasabi ko.
"Oo 'Nay." Mangiyak akong lumapit sa kaniya. "Ginagahasa niya ako-" sinampal ako ni nanay.
"Ginagahasa ka? Wag kang gumawa ng kwento, at sinong Lukas?"
"Iyong may ari ng mansyon N-Nay." Sinapo ko ang pisngi na kaniyang sinampal.
Nanlaki ang mga mata ni nanay, pero kalaunan naman naging tigre din ang mga mata at matalim na nakatitig sakin.
"Umayos ka Maria, ang may ari ng mansyon na iyon ay walang nakakakilala at nakakita, kaya umayos ka at baka pinagbibintangan mo ang taong wala namang ginawa." Naging kalmado siya.
"Ganon nalang ba iyon, Nay?" Tumulo ang luha ko, di ko mapigilan.
"Nay, Hindi panaginip iyon. Naramdaman ko, Nakita ko siya." Umiyak ako.
Tumalikod siya at nag patuloy sa pag huhugas.
"Wag na wag mo nang bangitin sakin iyang nangyari, Maria. Baka imahinasyon mo lang iyon."
Hindi ako nang imahinasyon, naramdaman ko iyon, Nakita ko siya pero bakit parang hindi naniniwala sa nanay? Bumalik ako sa loob sa kwarto at doon binuhos ang iyak ko, konti at naalala ko ang mga bagay na ginawa ni Lukas sakin, pero meroong parin na iilan sa aking alaala na hindi ko mapunto, hindi ako sigurado pa sa mga bagay bagay.
Parang naniniwala ang sarili ko, parang kinukumbinsi ako nito, na panaginip lang ang lahat at hindi totoo.
Kumain na kami nang tahimik ni nanay. Parang walang nangyari na nag sumbong ako, tahimik lang siya. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung totoo ba ang nangyari sakin, o hindi. Parang unti unti tinangap ng aking sarili na baka nga, imahinasyon ko lamang iyon.
Si inay ang aking sandigan, mula noon at ngayon, siya lang. Masarap sa pakiramdam na meroon kang isang ina, kaya ngumiti ako at hinawakan ang kaniyang kamay.
Wag ko na Lang siguro iyon alalahanin, baka nga talaga hindi totoo ang nangyaring iyon.
"Papasok ako bukas inay." Sabi ko. Maaliwalas na ang mukha.
"Iyon ang atupagin mo Maria Rosana." Sabi niya at sa pagkain nakatingin.
"Malapit na mag bagong taon, inay." Sabi ko nag hahanda narin dahil kasabay ng kaniyang kaarawan ang bagong taon.
"Oo, mag hahanda tayo ng kahit kaunti." Sabi niya sa malungkot na boses.
"Taon ng 1987 na." Saad ko.
Tumingala sakin si inay. Umubo siya bigla at inabutan ko ng tubig.
"Nay okay kalang ba?" Saad ko.
"Hindi, ayos lang ako."
Tumango ako.
Naging alerto pala ako. Simula nang maramdaman ko iyon sa lalaki na si Lukas, parati na ako umiiwas na dumaan doon sa mansyon nila, dahil ang pakiramdam ko nakatitig siya sakin, matagal.