Chapter 1 (SPG)

2.5K 141 33
                                    

"Goodbye teacher,"

Nagligpit ang bawat mga ka-klaseng nakikita ko. Malayo pa ang aking bahay at kung hindi ako mag mamadali aabutin ako ng dilim sa gabi. Isinabit ko ang aking lumang bag, hindi ko iyon kinakahiya dahil wala naman akong pambili ng bago.

Isa isa ko nakikita ang mga ka klase kong sumakay ng mga traysikel na pina susundo sa kanila. Malungkot akong ngumiti ng magpa alam sila sa akin. Mag isa na naman ako uuwi dahil si mila na aking kaibigan hindi pumasok. Nakita ko lamang ang grupo ng mga studyante na sina clara. Mayayaman sila sa kabilang bayan, may ari ng lupain. Tatlo sila at dalawang mga lalaki. Siguro isa duon ay boyfriend niya.

Bago pa nila ako makita agad na umalis ako, palagi nalang kasi nila ako inaaway. Hindi ko naman sila inaano. Mabuti nalang at mabilis ang aking lakad. Pero tumigil ako ng tingalain ko ang mansyon, Mayayaman talaga ang may ari ng lupain na 'to. Lalo na ang lumang mansyon na ito, pero maganda pa rin pagmasdan.

"Hoy!"

Agad na napaiktad ako ng may matandang kuba na sa likod ko. Nakatingin siya sa mukha ko bago sa katawan ko.

"Anong ginagawa mo na naman dito?"

Palagi kasi niya akong nakikitang natitigilan pag dumadaan dito. Lalo na at namamangha ako sa mansyon. Parang may bumubulong sa akin na pumasok.

"Tinitignan ko lang ho ulit," umismid ako. "Sige ho at tutulak na ako, malayo pa po ang lalakaran ko-ay!" Napatili ako at napatakip sa aking bag ng umulan. Pumasok ang matanda sa gate at nanatili iyon nakabukas.

"Pumasok ka na at mukhang ilang oras pa 'yan titigil."

"Okay lang ho, tutulak na lang ako. Baka po kasi gabihin ako sa daan-"

"Maraming mga nilalang na di kaaya aya sa daan pag umuulan hija, at siguro naman alam mo ang balita."

Bigla akong kinabahan, hindi malamang dahilan. Tumakbo ako papasok, sumunod pa ako sa kanya at binuksan ang puting pintuan. Lumikha iyon ng malakas na tunog, bigla nanayo ang balahibo ko. Mabuti at may ilaw, kaso ang dilim na ng paligid lalo na sa daaan ko. Hindi ko na maaninag ang tunay na kalsada.

"Hija, pumasok ka na."

Agad naman akong pumasok at yakap yakap ang katawan. Naulanan ako, at mukhang naaninag ang aking panloob dahil sa ulan. Natural na malamig kahut di to sa loob. Kumuha ng towel ang matandang lola at binigay sa akin. Palagi siyang pinagkakamalang engkanto dahil sa kuba niya at sa tanda  niya. Dahil palagi ko naman siya nakaka usap ni hindi ko na isip 'yon.

"Salamat ho, lola."

"O siya umupo ka na muna at mag titimpla ako ng mainit na kapi."

Tumango ako, pumalibot ang mga mata ko sa malaking bahay ng sala. Sa laki ng living room kakasya ang bahay namin dito. May mga malalaking ilaw pa sa taas, aba ang yaman naman talaga. Si lola ang taga pangalaga ng mansyon na 'to, pag may lakad ang may ari.

Wala pang nakakita sa may ari, kung babae ba o lalaki. Pero sabi sabi sa balita isa siyang mabait at tumutulong sa bayan. Habang pumapalibot ang aking mga mata, unti unti ko inaalis ang aking polo na longsleeve na uniform. Ayokong magkasakit, mahirap lamang ako pero ayokong magkasakit 'no.

Tatlong butones palang ang naalis ko ng may lalaking bumaba sa magarang hagdanan. Agad na napatakip ako sa aking katawan gamit ang towel.

"Luh, siya ba ang may ari?"

Suot suot niya ang puting damit na hapit na hapit sa kanyang katawan. Ang pang ibabang kasuotan naman niya ay isang jogging pants na kulay gray. Bagay na bagay sa kanya, ngayon ko lang nakita ang lalaki pero parang pamilyar siya. Nababaliw na ata ako, may dala siyang wine, kapi o juice sa kamay? Baka gatas.

Her BloodWhere stories live. Discover now