"Senyorito!"
Napalingon sa akin ang aking alaga, napadako naman ang aking tingin sa babaeng puro't hubad at walang malay. Napalunok ako sa aking nakita, walang pang itaas si senyorito lucas at napuno ng dugo ang sa gilid ng kanyang labi.
Kumuha ako ng kumot sa kanyang aparador at binigay sa kanya. Nag iwas ng tingin ang senyorito.
"A-anong gagawin ko sa kanya?"
"Hayaan mo lang siyang magising, pagkatapos ihatid mo siya sa bahay nila."
Umalis si senyorito at kinumutan ko ang hubad na babae, bahagya pang nakabukaka ang mga hita. Pinunasan ko ang kanyang katawan ng maligamgam na tubig. Pinagmasdan ko ang kanyang leeg, hindi naman siya nakagat. Bahagya lamang iyong namarkahan ng ngipin.
Naalala ko pa noong kabataan ko, palagi ko nalang nakikita si senyorito na may mga babae sa kwarto, pagkatapos ay pinapatay niya. Pero ang babaeng ito, kakaiba siya sa lahat. Wala na akong nakikitang ibang babae gabi gabi, kundi siya.
Sa napaka among mukha at magandang mga labi, matatangos na ilong. Paniguradong nabighani ang senyorito dito.
Nakita ko ang kanyang sugat sa tagiliran, wala na ang mga dugo no'n. Para iyong nilinis na ng tuluyan, pero nanduon pa rin ang pamamaga at mga parihabang sugat na galing sa mga pinagsabitan niyon.
Pagbaba ko dala ko ang basahan at pinagbihis na 'rin ang dalaga. Nakita ko ulit si senyorito, umiinom ng kopita. Palagi siyang tulala at hindi alam ang gagawin.
"Kamusta siya?" Tanong niya at salabas pa rin nakatingin habang nakapamulsa.
"Maayos na senyorito, mukhang nawawala na naman ang kanyang memorya."
Yumuko ako at tuloloy sa kusina, bahagya ko lamang siya tinignan at umigting ang panga.
Nakalipas ang isang oras nakita kong gumalaw ang mga kamay ng dalaga, naka pag bihis na siya at parang normal na nagising na lamang.
"Oh, lolang kuba?"
"Maghanda ka na at ipapahatid kita sa driver."
"Po?" Pumalibot ang tingin nito sa kwarto. Nilipat siya ni senyorito sa kabilang kwarto.. isa pa, ang kwato ni senyorito ang palagi nilang pinagsasaluhan twing gabi.
"Bakit po ako napunta rito? Naalala ko umiinom lang ako ng kapi.. tapos iyon lang." Napakamot ulo ito, seryoso ko siyang tinignan at lumabas. Sumunod naman siya pababa, at hindi ko na muli nakita si senyorito.
Kumaway ang dalaga ng umandar ang sasakyan.
Pagbalik ko sa loob ay naroon siya, nakatanaw sa paalis na dalaga. Umalon ang lalamunan niya, tanda na gusto niya pang inumin ang dugo ng dalaga.
Nasa taong 16 anyos ako noon, palagi akong pinaparatangan na engkanto at masamang nilalang. Mabuti nalang at tinulungan ako ni senyorito hanggang sa ako'y tumanda. Binigay ko ang tiwala ko sa kanya, at handa akong mamatay para paglingkuran siya. Nagagawa ko na 'rin manloko ng mga babae para lang sa sariling kapakanan niya.
Noong nasa bente anyos ako, palagi ako nagpapanggap na isang mahirap at magpapahatid sa bahay ng senyorito. Palaging uhaw sa dalaga ang aking alaga noon, isa siya sa mga nabuhay sa noong matagal na panahon. Sa bawat nakukuha kong mga dalaga ay pinapatay niya, nakapagtataka at hindi niya ginawa iyon sa dalaga.
Bumalik siya sa library, umupo siya at may binabasa. Binigay ko ang kopitang kailangan niya.
"Saan niyo po ba nakilala ang batang iyon?" Nasa harapan ako ng kanyang lamesa.
Unang kita ko sa dalagang iyon, noong isang taon pa ang nakakaraan. Hanggat sa hindi na kami umalis dito sa bayan.. para sundan lamang niya ang batang iyon.