Chapter 2: Boyfriend

2 0 0
                                    

Chapter 2: Boyfriend

Kristelle's POV

"Sino yun bes? Bat ang gwapooo naman niya!!" Napailing nalang ako sa sinabi ni Anna. Ang bilis kumalat ng balita na kesyo may bagong boyfriend na raw ako. Yan naman palagi ang paborito nilang pag usapan eh, yung buhay ko.

"Aba pinagtanggol ka pa dun kay James ah. Teka bat hiwalay na kayo nung James?" Tanong naman ni Trish.

"As usual" sabi ko at naupo sa paborito naming upuan sa cafeteria.

"Pinagperahan ka lang pala nung James na yun?" Napailing nalang ako. Hindi na ako magtataka.

"Hindi rin ako magtataka kung yan ang pakana ng lalaking yun."

"Mukhang iba tong lalaking to bes eh. Mukhang may ano sakanya eh." Sabat naman ni Jelly na kinikilig pa. Naparoll eyes nalang ako.

"Yan naman palagi yung sinasabi mo sa mga nagiging boyfriend ko eh"

"Oo nga naman noh? Pero kilala mo ba yun?"

Umiling ako.

"She met me yesterday night nung pinagsabihan ko siyang ang sama sa babae na masama ang ugali" biglang sabat at take note umakbay pa ito sakin. Ang FC ha!

Tinignan ko siya ng nakataas kilay. "Get your hands off me, Mister." Sabi ko dito.

"Sorry naman kasi miss pero pinagtitinginan po kasi tayo kaya kung ayaw mong pag usapan ka ulet ng ibang tao at lapitan ulit nung ex mo, I suggest magpanggap ka nalang." Napatingin ako sa nakapalibot sa amin. Naparoll eyes nalang ako at nginitian ito.

Kung hindi lang siya tama ay baka nasapak ko na siya eh. Bat ba to andito?

"Anong pangalan mo bebe boy?" Si Trish.

Napailing nalang ako. Pabebe na naman kasi ang mga to. Ganyan naman sila palagi eh.

"Luca" Sabi nito at walang hiya hiya pang inabot yung fries na inorder ko. Masasamaan talaga to sakin eh.

"Shet ang gwapo naman pati ng name mo. May kapatid ka ba?" Si Jelly.

"Meron pero napakasungit nga lang." sagot pa nito at naparoll eyes ako.

"Mana nga naman sayo" sabi ko naman.

Tumingin pa ito sakin at nagulat ako sa ginawa nito. Pinisil niya at kinurot ang pisngi ko! What the heck?

"Ang cute mo alam mo yun? Pasalamat ka ang cute mo" sabi nito pero nakatulala parin ako. Tangina!

————-

"San ka mamaya? Magbabar ulit kayo?" Pauwi na ako pero sunod parin ng sunod ang isang makulit na lalaking toh. San ba to pinaglihi at ayaw makaramdam na ayaw ko na andyan siya?

Tumigil ako at tinignan siya. Napatigil tuloy siya at napatingin din sa akin.

"Pwede bang wag kang masyadong FC? Ayoko ng FC eh." Straightforward kong sabi sakanya.

Pero napataas ang kilay ko ng tumawa ito imbes na magalit dahil napakastraightforward ko. Hindi ba siya nasaktan sa sinabe ko?

"Ano bang tinatawa tawa mo dyan? May nakakatawa ba sa sinabi ko ha?"

"Wala naman. Sadyang natutuwa lang ako sa pagkastraightforward mo. Hindi nga ako nagkamali ng rinig. Napaka-straightforward mo raw kasi na tao." Sabi pa nito na medyo natatawa parin.

I rolled my eyes at naglakad na palayo.

"Teka teka hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Magba-bar ulit kayo?" Kulet naman kasi ng isang toh eh.

The Forbidden Love  Where stories live. Discover now