Chapter 1: Tabi Tayo
Kristelle's POV
"And what makes that sorry different from all your other sorrys before?"
"Anong mukha yan ate?" Napatingin tuloy ako sa kapatid kong lalaki na kalalabas lang ng kwarto nito. Sinamaan ko to ng tingin at binalik nalang sa pinapanood ko yung atensyon.
Umupo naman ito sa tabi ko at inakbayan ako. "Alam mo ate, bat ba ang hilig mong manood ng mga ganyang palabas? Hindi ka ba nagsasawang umiyak sa parehas na dahilan?"
Inalis ko yung pagkakaakbay niya at sinamaan na naman siya ng tingin.
"Wag ka ngang makialam, Kyle. Hindi ko nga pinapakielaman yung mga pinapanood mong akala mo hindi ko alam eh nanonood ka ng mga porn." sabi ko at napaubo naman ito.
"Normal lang kaya yun samin ate." Pagdadahilan pa niya pero binatukan ko ito.
"Ang sabihin mo addict ka na sa ganyan." Sabi ko at in-off na ang tv saka natatawang tumakbo papuntang kwarto ko dahil panigurado babatuhin na ko nun ng tsinelas niya.
Nagbihis nalang ako dahil may plano kaming magbabarkada na maghang out sa malapit lang naman na bar sa BGC. Hindi na ako nag abala pang maglagay ng maraming kolorete sa mukha.
Suot ko lang yung black skirt ko tapos isang white crop top na medyo sexy lang naman.
Wala naman sila mommy kaya okay lang na lumabas. Yun kasi yung napag usapan namin na kapag wala sila, magpaalam nalang at pwede na umalis pero kapag andiyan sila ay hindi raw pwede dahil dapat magbobonding daw kami. Eh palagi naman silang wala eh.
Pagbaba ay wala namang tao kaya dumiretso na ako sa kotse ko at minaneho iyon.
"Ang bilis ah." Natatawa pang sabi ni Jelly sakin. Nagkibit balikat lang ako at tumungga nung beer na kakasalin lang nila.
"May problema lang?" Sabi naman nitong si Trish. Umiling lang ako.
Problema? Wala naman akong problema eh. Kelan ba ko huling nagkaroon ng sakit sa ulo? I think last last month pa.
"May problema kayo ni James?" Si Anna. Umiling ulit ako at tinungo nalang ang dance floor at dun nagsasayaw.
James is my former boyfriend. Former. Ex. Nagbreak kami dahil nakipagbreak ako sakanya nung malaman kong pineperahan niya lang ako. Hindi ko naman siya masisisi, I'm born rich and I am pretty, intelligent, madiskarte sa buhay and many more kaya hindi ko na maipagkakailang ang daming lalaking nagkakandarapa sakin.
James is not my first boyfriend. He's actually the third one. And as usual all of the reasons of my break ups are the same... it was because I found out na pinagpeperahan lang nila ako. Using me to get what they want.
Lumabas nalang ako ng bar para magvape. Kelan ba nung huling beses bago ako nagbago at naging ganito? Ahuh! Syempre nung unang beses na nasaktan ako.
"Vape, huh." Napatingin ako sa lalaking kakalabas lang ng bar.
I stopped doing what I'm doing at tinignan ito mula ulo hanggang paa. He's not even rich naman kung tignan.
"Parang nakakasakit naman yang pag head to foot mo sakin miss." Sabi pa nito at napataas ang kilay ko.
"Ano bang pakialam mo?" Pagtataray ko sakanya. Yun pa naman ang pinakaayaw ko sa lahat... yung pinagsasabihan ako lalo na't hindi ko naman siya kilala.
Pero imbes na magalit ito ay tumawa pa. May saltik ba to sa utak?
"Alam mo, miss. Ang ganda mo pa naman sana kaso napaka rude mo" tinaasan ko siya ng kilay.
I smiled at him. "Alam kong maganda ako pero I don't need you to say I'm pretty dahil alam ko naman na yun." Sabi ko pa.
"Edi ikaw na maganda. Pero kahit anong ganda mo kung ganyan naman yung ugali mo, wala parin talaga eh."
Naparoll eyes ako. "I don't care." Sabi ko at nilagpasan ito.
—————
Nasa classroom na ako at hinihintay ang prof namin ng mukhang may kaguluhan sa labas. Hindi na ako nag atubiling tumingin.
"Krist" napatingin ako sa nagsalita. It was James. Bat nakapasok to sa room namin?
"What are you doing here?" Nakataas kilay kong tanong.
Lumapit ito sakin pero agad akong tumayo.
"Please, let's talk." Sabi pa nito ngunit umiling lang ako.
"For what?" Nakataas kilay kong tanong sakanya. Hindi naman namin kailangan pang mag usap eh. Rinig na rinig ko lahat at kitang kita ko sa mga mata ko yung eksenang yun eh. Bat kailangan pa naming mag usap? "Sasabihin mo ba sakin na hindi yun totoo? Kasi kung ganoon, ayoko ng makipag usap pa sayo, nakakasayang lang ng oras ko." Dugtong ko.
"Umalis ka na lang, James." Sabi pa ni Trish ngunit mukhang pinaglihi yata sa anumang bagay tong si James at ayaw talaga makinig.
Lumapit pa ito sakin at akmang hahawakan ako ng biglang may humawak sakanya.
"Sabi niya ayaw ka raw niya kausap pre" napatingin ako dun sa nagsalita at tumaas ang kilay ko ng makita yung lalaki sa bar kagabi.
What is he even doing here?
"Ano bang pakialam mo ha?" Sabi pa ni James at tinulak tulak na yung lalaki.
"owww" pambubuyo pa ng iba.
But what made me stop ay yung sinabi niya.
"Eh girlfriend ko yan eh" sabi nito.
Napanganga ang lahat at napataas kilay naman ako. Kelan ko naging boyfriend ang isang to? Taena naman.
Pero mukhang effective naman at unti unting naglakad palayo si James.
"Yan ba yung bagong boyfriend ni Kristelle?"
"Shet ang gwapo ha!"
Naparoll eyes nalang ako saka umupo na ulit sa upuan ko. Sinampak ko nalang yung earphone ko para wala nakong marinig pang another tsismis na naman ng buhay ko pero mukhang pinanganak na hindi makaintindi ang lalaking to.
"Tabi tayo." Sabi niya sabay saksak ng isang side ng earphone sa tenga niya.
YOU ARE READING
The Forbidden Love
Teen FictionGusto ko siya... teka- mali. Mahal ko siya. Yun ang totoo. Mahal niya din naman ako. Pero bat ganun? Bat parang ayaw ng mundo na magkaroon kami ng happily forever after? I am Marie Kristelle Scott and this is the story of my forbidden love.