Chapter 4: Gusto kitang protektahan

2 0 0
                                    

Chapter 4: Gusto kitang protektahan

Kristelle's POV

"Hey, andyan sa labas yung boyfie mong hottie" Si Kianna. Napabalikwas ako ng sabihin niya yun. Tangina bat andito yung gagong yun?

"What is he even doing here?" Tanong ko.

"To see his girlfriend? Duhh! Magbihis ka nalang kaya because he's waiting sa baba noh. Duhh!"

Napabuntong hininga ako. Tangina naman, anong ginagawa niya dito? Malilintikan siya ni Justin eh.

Nagbihis nalang ako at nag ayos ng sarili ko bago ako bumaba. Nadatnan ko sila Justin at Luca sa baba na nag-uusap.

Agad lang ako umupo sa gitna nila.

"Bat ka andito?" Sabi ko at inabot yung pizza sa center table namin.

"Binibisita ka syempre. Baka kasi magsuicide ka at hindi ka pala mahal nung James na yun." Pang aasar pa niya. Inirapan ko nalang din siya.

"Ako? Magsusuicide? Duhh!!"sabi ko pero tinawanan lang ako ng loko.

"Yan dapat yan ang tama, beb." Sabi nito at natawa pa ng sinamaan ko na naman sya ng tingin. Ang FC talaga ng isang to eh noh?

"I'll rip him off." Napatingin ako kay Justin. Nakakuyom ang kamao nito.

"Sabihan mo ko kung kailan pre ha at nang tulungan kita." Sabi naman ng mokong. Napailing nalang ako. Teka bat parang ang close na ng dalawang toh? It was so unusual for Justin to be this close at mukhang okay lang sakanya si Luca. Well, magkasundo naman talaga sila especially when it comes to asarin ako.

———-

"Ang layo ng lipad ng utak natin ah?" Napairap naman ako at ininom ko yung dala kong alak. Nasa labas ako ng club na pinuntahan naming magbabarkada. Ang init sa loob at napakaingay kaya naisipan kong lumabas at dun nalang ipagpatuloy ang pag inom ko.

Actually, I don't know why am I here instead of dancing in the dance floor.

"Iniisip mo pa rin ba yun?" Napatingin ako sakanya nakataas ang kilay.

Tumawa ito. "James."

Napailing ako. Ang swerte naman niya at iisipin ko pa siya diba?

"Hindi naman." Sabi ko at tinungga yung alak.

Naramdaman ko itong umupo sa tabi ko. Hindi ko naman na pinag abalahan pa siyang tignan. Napako lang ang tingin ko sa unahan. May nagmemake out kasi at mukhang hindi pa kami nakita.

"Ginugulo ka pa rin ba nung James na yun?" Hindi ko nalang inalintana na kinuha niya ang bote at nagsalin ng alak doon.

Umiling ako. Hindi na naman. Mukhang nagising yata sa katotohanan.

"Mabuti naman." Napatingin ako sakanya.

Out of blue ay hindi ko napigilan ang bibig ko na magsalita. "Bakit?" Napatingin ito sakin at agad tinungga yung alak at mukhang hinihintay akong magsalita ulit.

"Bakit mo ko pinagtatanggol sakanya? Bakit out of blue ay pumasok ka sa buhay ko? Isa ka rin ba sa nangangailangan ng pera?" Sunod sunod kong tanong habang nakatingin sakanya at hindi inalintana ang mga titig nito sakin na parang hinihigop ako palapit sakanya.

Napabuntong hininga ito. Am I right? Ginagamit niya lang ba ako para magkapera siya?

"Our first met is not that day where we were outside the bar." Napataas ang kilay ko. Stalker ko ba to? "I first saw you nung umupo ka sa may swing." Kumunot ang noo ko. Swing? Inisip ko ng mabuti kung kailan ako umupo sa swing. Teka - the hell? "Yes. You were crying that time. Hindi ko alam pero bigla akong napatitig sayo at gusto kitang lapitan at icomfort. I really don't like the idea of girls crying." Dagdag pa nito.

Umiwas ako ng tingin. Nakakahiya! Ang kapal ng mukha kong pagmalditahan siya tapos nakita niya pala akong umiyak nun.

"I am so close with my mom. Mga babae din ang mga nakababata kong kapatid and maybe thats the reason why I don't like the idea of seeing girls crying especially when it's because of me." Napatingin ulit ako sakanya. Bago palang kaming magkakilala pero parang ang comfortable niyang pag usapan yung buhay niya.

Tumungga siya ng alak at saka tumingin sa langit. "Bat ka pala umiiyak nun?" Tanong pa nito.

Napaiwas ako ng tingin. Bat nga ba ako umiyak nun?

Ilang saglit na walang nagsalita samin ng binasag niya ang katahimikan.

"You don't have to say it if you're not comfortable talking about it pero yun ang rason kung bakit napaka FC ko sayo." Tumingin ito sakin. "Gusto kitang makilala. Gusto kitang....protektahan" napalunok ako ng sabihin niya ito.

Gusto niya kong... protektahan?

The Forbidden Love  Where stories live. Discover now