Chapter 3: I hate you!
Kristelle's POV
"He said that? At sa harap pa talaga ni Justin?" Si Ash. Napabuntong hininga ako.
"Well, he did! Ang kapal ng mukha!" Sabi ko pa.
"Ang lakas siguro ng tama nun sayo. Eh ano namang reaction ni Justin?" Tanong pa ni Jelly.
"Nag uusok na yun for sure." Natatawa pang sabi ni Trish.
"Well, ayon kinulit ako ng kinulit kung totoo nga ba yun eh kasi wala naman akong ikinuwento sakanya kaya ayun sinabi ko yung totoo. Lahat lahat. Including that James." Sabi ko pa.
"Speaking of James. Tignan mo" sabi ni Trish at tinuro pa yung nasa likuran ko.
Napalingon ako at nakita ko siyang papalapit na naman sakin.
"Kryst." Tawag nito sa pangalan ko.
"Stop calling me, James. What do you want? I told you I don't wanna talk."
Nakita ko sa mga mata niya yung pagkalungkot pero who knows if part lang yun ng drama niya?
"Please. Let me explain." Sabi pa nito.
Napabuntong hininga ako. Umayos ako ng upo at naparoll eyes. "Then talk." Sabi ko at tinaasan siya ng kilay.
Napalingon siya sa dami ng tao. Ito gusto niya diba? Let everyone here his story.
"Ahm. Let's talk in private, please." Sabi pa nito na mukhang nagmamakaawa pa.
Umiling ako. " if you want to talk then, talk James. I want everyone to hear your side. Kaya don't waste my time, talk." Sabi ko at nagcross arms pa.
"Magsalita ka na kasi pre" napatingin pa ako sa nagsalita. Sino pa nga ba? Tsk.
Lumapit ito at ayan na naman siya sa pag akbay niya sakin. Kung wala lang ibang tao siniko ko na to eh.
"Shut up!" Napatawa naman tong mokong ng sabihin yun ni James. Mukhang natutuwa tong mokong na to sa pagpipikon kay James. Well, natutuwa rin naman ako.
"Teka nga, bat ka ba sumasawsaw sa usapan ng tao?"
Napatingin ako kay Luca at nakita siyang napangisi. Creepy.
"Well, look around pre. Dami ng nakatingin oh, ngayon ka pa ba mahihiya? My girlfriend already told you she doesn't want to talk but pinilit mo eh kaya ano pang hinihintay mo? Magsalita ka na at nang makalakad na kami, napakainit dito oh, ang dami pa namang tao. Tiyak sisikat ka kaagad bukas. Ayaw mo yun?"
First time kong mamangha sa nasabi niya. Well, on point naman talaga siya.
"C'mon babe, please lets not talk here." Sabi pa nito. I rolled my eyes.
"Bat ba kasi ayaw mo dito nalang pag usapan, James? And please stop calling me that, we're not in a relationship na, move on. Besides, am I the one who used someone in order to get money to sustain his tuition that he cannot even provide to himself?" Napasinghap ang lahat sa naisabi ko.
Nakita ko tuloy na namutla pa siya. James is one of the hearthrobs here and now? Mukhang mawawala na siya ng title.
"Kaya pala ganun siya?"
"Akala ko pa naman mayaman siya?"
"Oh my gosh! What a revelation!"
Napabuntong hininga ako. " look I do not want to say it especially here infront ng maraming tao. Actually, I'm thinking of keeping it only to myself and the people who are close to me kaso pinipilit mo ko eh, it's not my fault, James."
"Look, I am not using you Kryst. I love you!" Sambit pa nito pero natawa lang ako at napailing.
"Love? Do you even know that word, James? Kasi sa pagkakaila ko sayo, you don't believe in love pero infairness ah nakuha mo yung tiwala ko."
"C'mon Kryst, please hear me out. I love you." Napatawa ulit ako pero mas malakas ang tawa ng mokong na katabi ko.
"Pre hindi mo siya minahal, ginamit mo lang sya." Natatawa pang sabi ng mokong.
"Teka nga, sino ka ba sa tingin mo? Kabago bago mo palang dito, ang yabang mo na ah!" Sambit ni James at tinuro turo pa si Luca.
"Atleast hindi ko siya ginamit para magastusan sarili kong tuition noh" sabi naman ng mokong kaya hindi na ako nagtaka ng biglang lapitan ni James si Luca.
Ayon naalarma ang lahat at pinigilan si James sa paglapit kay Luca. Akmang susuntukin na sana ni James si Luca ng naunahan siya ni Luca. I can say he's good at this ha. May maibubuga pala ang mokong.
"Tangina mong gago ka, ang yabang mo" sabi pa ni James pero tinawanan lang siya ni Luca.
"Ikaw ang gago." Sabi naman ni Luca at tinignan ako. "Dahil sinaktan mo tong babaeng to" hindi ko alam pero bat biglang bumilis yung tibok ng puso ko?
Hindi ko alam ang sunod na nangyari basta nakita ko nalang yung sarili kong hawak hawak na ni Luca yung kamay ko habang naglalakad kami palayo.
———-
"Okay ka lang?" Tanong nito sakin at naparoll eyes pa ako.
"Kelan ba ako hindi naging okay?" Sabi ko naman.
I don't know but I'm feeling okay right now. Hindi ko maipagkakailang naging mahinahon ako habang kasama siya. He protected me earlier tho.
"Wag ka na magmaangan pa. I know it sucks. Bat mo ba kasi pinatulan ang isang yun?" Sabi pa niya.
Tumingin ako sa langit. Napangiti ako ng pagmasdan kung gaano kaaliwalas ang langit. Parang kailan lang lagi lang ako nakatingin dito.
"It was not my first time." Naramdaman ko yung tingin niya sa akin. "I was being betrayed by my ex's before with the same reason." I felt him look at me intently. "Ang sabi nila, love will make you feel the happiness in your life pero bat hindi ko maramdaman?" Tumingin ako sakanya. "Bat ganun?" Tanong ko sakanya.
He smiled at me. "Hindi mo kasalanan na paglaruan ka nila. Sila ang tanga at hindi nila nakita kung gaano ka kahalaga."
Napaiwas ako ng tingin.
"Hindi mo kasalanan na may mga tao sa mundo na ayaw kang mahalin, desisyon nila yun kaya sila ang may kasalanan nun at hindi ikaw."
Napatingin ulit ako sakanya.
"You're one of the strongest person I know."
Nakatitig lang ako sakanya.
"I did not even see you cry with that guy kahit sinaktan ka niya. Minahal mo nga ba talaga yung lalaking yun? Mukha pa ngang siya ang napaglaruan eh dahil wala kang ka reaksyon reaksyon"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"I hate you."
YOU ARE READING
The Forbidden Love
Teen FictionGusto ko siya... teka- mali. Mahal ko siya. Yun ang totoo. Mahal niya din naman ako. Pero bat ganun? Bat parang ayaw ng mundo na magkaroon kami ng happily forever after? I am Marie Kristelle Scott and this is the story of my forbidden love.