Chapter 5: Isaw

2 0 0
                                    

Chapter 5: Isaw

Kristelle's POV

Naglalakad ako sa hallway habang hawak hawak ang project na ginawa ko. Ipapasa ko pa kasi to sa strict na prof namin sa faculty. Ilang araw ko din to bago natapos, hindi pa naman deadline pero ayoko ng nalelate ako.

"Good morning, ma'am! Here's my project po." Sabi ko at inilahad sakanya ang project na gawa ko.

"Thank you, Ms. Scott." Sabi nito at lumabas na naman ako ng faculty.

Saktong paglabas ay may umakbay sakin.

Sino pa nga ba?

"Tara canteen." Aya nito sakin. Napailing nalang ako at nagpatianod sakanya.

After nung gabing yun kung kailan nalaman ko kung bakit ang FC niya sakin ay medyo naging okay ang trato ko sakanya.

"Ano gusto mo? Bibili na ako." Nakaupo na ako kasama sina Trish.

Napatingin ako sakanya. "Chocolate cake nalang" sabi ko at tumango tango naman ito.

"Sa akin din, Luca. Chocolate din saka burger" sabat naman ni Trish.

"Burger lang sakin, Luca." Si Jelly.

Silang dalawa ni Anna ang bumili dahil hindi raw makapili si Anna kaya mas mabuti pa daw siya nalang ang umorder. Naiwan kaming tatlo sa table namin.

"Nabalitaan mo ba nangyari kay James?" Napatingin ako kay Trish.

Bakit?

"Ha?"

Napailing ito. "He was out of their group. Ken announced it earlier." Napatigil ako.

James was one of the band at isa rin siya soccer player. Ken is the leader kaya kaya nitong paalisin kung sino man ang gusto niya. Ken is one of the hearthrobs here, obviously.

"I even saw him walking in the corridor alone." Dagdag pa ni Jelly.

"I did not know that." Mahinang saad ko.

Is that my fault?

"I also heard na mukhang matatanggal na siya sa school. He can't even pay a single cent!" Saad pa ni Trish.

Umiwas ako ng tingin.

Dahil doon ay hindi ako pinatahimik ng isip ko. Hindi ko tuloy alam kung bat ako andito sa dean's office.

"Hey Kry, andito ka pala? Maupo ka. What can I do for you?" Napatingin ako kay Dean. She's ate Kendra, my cousin. Yes. They own this university.

I sighed. "I heard about James" sabi ko.

Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata niya.

"Are you okay?" Sabi nito. Tumango ako at nginitian ito.

"I'm fine, ate." Sabi ko at binigyan ito ng ngiti. Tumikhim ako. "I just want you to do me a favor"

———-

"Tara isaw?" Si Luca.

Kumunot ang kilay ko. "What's isaw?"

Natawa ito at napailing nalang din ako. Happiness niya talaga ang asarin ako.

"Tara na nga at ng makatikim ka na" sabi nito at nagulat man pero wala na akong magagawa....he held my hand.

Andito tuloy kami sa labas ng school. May mga nagtitinda sa tabi tabi. Lumapit kami doon. I haven't done this before. Hindi pa ako nakakain ng ganito.

"Ilan isaw ate?" Napatingin ako sakanya habang kumukuha nung isaw.

"Bente po anim" sabi naman nung babaeng nagtitinda.

Nagulat ako ng biglang hipan nito ang isaw at agad inilapit sa bibig ko. Nakatingin lang ako dun. Tinawanan na naman ako ng loko.

"Say 'ahh'." Naparoll eyes lang ako at agad kinain iyon. Medyo nag aalinlangan man ay wala na akong nagawa. Alangan naman hindi ko kainin diba? Baka anong sabihin nung ate na nagtitinda samin.

Pero infairness ah! Ang sarap!

"Ang sarap diba?" Natutuwa pa nitong saad.

Umiling nalang ako at kinuha na yun at ako na ang kumain.

———-
Gabi na ng makauwi ako. Hinatid pa ako ng mokong at baka daw may masamang mangyari sa akin.

"Hindi mo ba ko papasukin?" Natatawang sabi ng mokong. Napairap nalang ako.

"Do I have to?" Sabi ko naman pagtataray sakanya. Ginulo nito ang buhok ko at natawa.

"Just kidding" sabi nito at napamulsa. "Go on, pumasok ka na at uuwi na ako." Dagdag pa nito.

Ngumiti ako at tinanguan ito.

"Ingat ka" sabi ko at tuluyan nang pumasok sa loob.

———-

Ilang araw ang nakalipas at wala namang nagbago at mga kaganapan. Mas naging close lang kami ni Luca.

"I heard may unknown person daw na nagbabayad sa tuition ni James kaya hindi siya pinaalis" ani Trish.

"Sino kaya noh? Baka isa sa mga nagkakandarapa sakanya noon?" Si Jelly naman.

"Anong kaganapan?" Si Luca na kakarating lang. Nasa cafeteria kasi kami at hindi pumasok ang prof namin. Hindi na ako nagtaka ng akbayan nito ako.

"Well, may sponsor daw ex nyan" sabi naman ni Anna at tinuro ako.

Naparoll eyes nalang ako.

"Eh may tumutulong pa pala sa gagong yun?" Sabi naman ni Luca. Humigop ako sa kabibili kong frappe.

"Narinig ko pa na may kinikita raw tong babae. Mukhang bago niya" sabi naman ni Jelly.

"Talaga?" Si Trish na parang hindi makapaniwala. Natawa naman kami sa reaction nito. Hindi naman talaga maipagkakaila na gwapo naman talaga si James. He has this charisma na hindi mo matanggihan. He has this features na mas nagpapaguwapo sakanya. Dagdag mo pa ang body fit nito.

"Ang guwapo naman kasi." Hagikhik pa ni Anna. Napatingin tuloy kami sakanya.

"Oh bakit? Totoo naman ha?" Defensive nito.

"Mas guwapo naman ako doon." Sabat naman ng mokong. Well, hindi naman talaga maipagkakaila yun. Guwapo si James pero umiigting talaga ang kaguwapohan ng mokong. He has this clean features, brown almond eyes, may mataas din itong ilong, has a perfect eyebrows, dagdag mo pa ang kissable at rosy lips nito. Hindi rin maipagkakailang matangkad ito at mukhang nasa 6'1 ang taas niya. Body fit din ito na mukhang araw araw nagji-gym.

"Oo nalang." Sabi ni anna.

Natawa naman kami nang umirap ang mokong. Ang lalaking tao pero umiirap.

Hindi na pumasok ang prof namin para sa last subject kaya nagkaroon kami ng early dismissal. Kanya kanya tuloy ang paglalakad ng mga estudyante sa may hallway. Hindi na rin ako nagtaka ng makitang napapatingin sila sakin habang naglalakad ako sa gitna ng hallway.

But what made me stop is the guy at the end of the hallway....waiting.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Forbidden Love  Where stories live. Discover now