SB19

103 3 0
                                    

SB19 Ken as your boss
Dedicated to: Vernette Mandigma
✍🏻Scarlet Ajero Cruz
⚠️Sorry for typographical and grammatical errors

Papunta ako ngayon sa SUperiorSON para mag apply na secretary. Papasok na sana ako sa elevator ngunit may biglang tumulak saakin paalis sa pinto ng elevator. "ano ba! bastos ka ah! nakita mong papasok na ko sa elevator bigla kang manunulak! malelate na ko sa interview ko oh!" tuloy-tuloy kong saad at tumingin sa relo.

"Sorry miss, I don't have time to argue with you. I really have to go." saad ng lalaki at sumara na ang pinto ng elevator.

Kainis yung lalaking yon. Kung di lang talaga siya guwapo ha. Umakyat nalang ako sa hagdan patungo sa 5th floor. Kailangan ko na kasi talaga makapila doon dahil paniguradong marami na ang nakapilang aplikante doon.

Pagkarating ko sa 5th floor ay hindi na ako makahinga. Kaya nagpahinga muna ako sa may hagdan at uminom ng tubig. Mahaba din ang pila kaya hinintay ko munang mainterview ang mga nauna.

Nang umikli na ang pila ay tumayo na ako at pumila. Nang ako na ang sunod, bigla akong kinabahan, ganito ba talaga kapag mag-aaply ng trabaho?

"next!" saad ng lalaking nasa swivel chair. Kabado akong lumapit sa kaniyang lamesa. Laking gulat ko nang makilala kung sino ang lalaki. "Good Morning miss Vernette Mandigma. Please introduce yourself." saad nito at ngumisi. Lokong to, kung di ko lang talaga kailangan ng trabaho.

"G-good Morning po, I'm Vernette Mandigma. 20 years old. I live in Metro Manila." kabado kong saad at iniiwasang tumingin sa mga mata ni boss.

"Good morning too, I'm your new boss, I'm Ken Suson. The CEO of SUperiorSON." ano daw? My boss? So tanggap na ko?! "ah sir, tanggap na po ba ako?" tanong ko. "yes Vernette, you're hired. Now go get me a coffee." saad niya kaya napangiti ako. "noted sir" nakangiti kong saad at pumunta na sa kitchen para ipagtimpla si sir Ken ng kape.

--

As the days goes by. Maayos naman ang pakikitungo saakin ni sir Ken. Sa totoo lang ay nahuhulog na ako sakaniya. Sino ba namang hindi mahuhulog sa tulad niyang mabait, gwapo, matulungin, mapagmahal, maalahanin, marunong sumayaw, magaling magbasketball, at CEO! Saan ka pa? Wattpad character ka ba sir Ken?

Natigil ako sa pagkausap sa sarili ko nang marinig ko ang boses ni sir Ken mula sa aking likuran. "Vernette, get yourself ready we're going to an important meeting." saad nito habang inaayos ang kaniyang polo. "ok po sir" saad ko at tumungo na sa aking mini office.

Kinuha ko na ang aking mga gamit at pumunta sa office ni sir Ken. "sir ready na po ang sasakyan, tara na po at baka mahuli kayo sa meeting." saad ko at tumango naman ito. "ok susunod na ako" wala akong nagawa kundi mauna na sa parking lot.

Wala akong makausap dahil ayaw naman ako kausapin ni manong driver kaya sinuot ko nalang ang aking earphones at nakinig ng music. Habang nakikinig ako ng music ay may kumalabit saakin. Bukas na pala ang pinto ng kotse at nakita ko si sir Ken na sumesenyas na umusog ako para makaalis na kami.

--

Nakapagtataka dahil sa cafe gaganapin ang meeting. At ang mga ka-meet ni sir ay walang kasamang secretary.

Bago kami pumasok ni sir Ken sa cafe ay hinawakan niya muna ang aking kamay. Nagulat ako ng kaniya itong gawin, anong meron? "call me babe when their still around us ok?" bulong nito saakin at tumango na lamang ako bilang sagot.

Nang makarating kami sa kinaroroonan ng mga kausap ni sir Ken ay agad niyang hinatak ang aking bewang palapit sakaniya. "Hi son" saad ng lalaki. What?! Dad niya to?! Jusko Lord tulungan mo ko! Secretary lang ho ako hindi ho ako kasintahan.

SB19 Scenario's Where stories live. Discover now