PROLOUGE

38 2 1
                                    

TW (TRIGGER WARNING): CHILD - ABUSE, SELF - HARM, PHYSICAL ASSAULT, EMOTIONAL ABUSE, LOST OF LOVE ONCE, VIOLENCE etc.







-

"WALA KANG KWENTANG ANAK!"

"Ma tama na po"

i felt my body trembling, sinampal n'ya ulit ako at binato ng kung ano ano. Hindi ito yung unang nangyari 'to pero bakit ramdam ko parin yung sakit sa bawat bato nila sakin ng masasakit na salita na hindi ko naman alam kung bakit nila nasasabi 'yon sa kanilang mismong anak. Bakit gan'to nila 'ko tratuhin na para bang hayop lang yung pinagbunuhatan nila ng kamay. My mother get the nearest thing na mahahawakan n'ya and worst ay yung camera ko pa na pinagipunan ko ng ilang buwan, i tried to stop her pero huli na nabato n'ya na sa pader and then she left.

After she left ay kinuha ko yung camera at umiyak ng tahimik, ang sakit sobra sobra ang tagal kong pinagipunan 'to nag oovertime pa ko at tumatanggap ng kung ano anong trabaho kahit na alam kong magagalit sila 'pag late na 'ko nakakauwi pero bakit? bakit kailangan nilang gawin 'to? bakit sakin nila ibinubuntong lagi yung problema nila? ginagawa ko naman lahat binibigay ko sakanila sweldo ko kahit maliit lang, nag aaral akong mabuti, gumagawa ako ng gawain bahay kahit pagod na katawan ko.

"a-ano bang nagawa ko sa past life ko ba't ako pinapahirapan nang ganto? ma, pa masaya ba kayo na sinasaktan mo yung anak n'yo? s-sana kahit isang araw lang maranasan ko naman matrato ng tama oh" i wipe my tears kahit na alam kong hindi ito titigil kakabagsak. i look at the cutter in my desk and look at my wrist, may hindi pa gumagaling at puno na iyon ng sugat dahil sa pag lalaslas ko.

I fix my self and wear jacket bago lumabas gamit ang bintana sa kwarto ko. I go to the place na matatawag kong tahimik at payapa, yung lugar na lagi kong pinupuntan 'pag masaya o malungkot ako, yung lugar kung saan kami tumatambay dati ng kuya ko.

"Kuya isama mo na ko d'yan oh please, hirap na hirap na ko dito Kuya ko. Kuya bakit mo 'ko iniwan? Kuya ako parin sinisisi nila sa pagkawala mo, siguro masaya d'yan 'no? pumunta ka kasi agad d'yan eh hindi mo man lang ako sinama" My tears start to fall nung maramdaman kong may yumakap sakin, yung kuya ko niyayakap ako.

"Kainis ka naman kuya eh kung bahay ka sana edi hindi nila ginagawa sakin 'to, na miss ko na yung dating tayo nila mama at papa, naiinggit nga sila satin kasi sobrang saya ng pamilya natin parang walang mga problema, ang saya saya pa nila mama at papa nun kuya" Then the flashback hits me i smile while my tears is falling. Hindi na natin mababalik yung isang bagay ng 'pag may nawala na dito, parang sa puzzle lang 'pag nawala yung isang piraso hindi na magandang tignan o kaya sa paso 'pag nabasag na hindi na mababalik sa dati nitong ganda kahit pa ipilit natin kahit pa ayusin mo 'yan may nawawala parin.

Humiga ako sa damuhan and i look at the sky and try to reach the star kahit alam kong hindi ko naman ito maabot, sobrang ganda nilang tignan para bang ang saya saya nilang nandun lang at may kakasama. "Malapit na 'kong maging isa sainy- Ahhhhh!!"

Napatayo ako nung may biglang may naramdaman akong kaluskos medyo malapit sakin, i look around and saw something na parang malaking anino, hindi ito aso pero impossible namang lion ito. Sa kalagitnaan ng aking pag iisip ay biglang may lumabas na... "Hala kuya 'wag po, 'wag n'yo po ako patayin, hindi pa ko nakakapag ipon ng pera para sa magulang ko, hindi ko pa napapakain aso ko 'wag po, yung camera ko nalang po kunin n'yo paayos n'yo nalang po may magagandang kuha naman po ako dito pwede n'yo rin po ibenta 'wag n'yo lang po ak-"

I heard a chuckle, lumabas yung tao at naglakad papalapit sakin habang ako ay paatras ng paatras. I saw a tall figure at habang papalapit ay nakikita ko yung muka n'ya, ang pogi hehe joke baka mamatay tao 'to pero bakit ang pogi naman n'ya kung mamatay tao s'ya? habang nag iisip ay 'di ko namalayan na nasa tapat ko na s'ya at may inaabot sakin. I look at him na parang sinusuri ko buong pagkatao n'ya pero muka naman itong mabait na tao.

The Painful RealityWhere stories live. Discover now