01

16 2 0
                                    

"Shane! gising na!" kanina pa may kumakatok sa pinto para bang sisirain na 'to, hindi ko 'to pinansin dahil sa sobrang antok ko at nagtakip nalang ng unang sa aking tenga para mabawasan kaunti ang ingay.

"5 minutes pa kuya!" sumigaw ako para marinig n'ya ako, nakarinig ako ng lakad paalis kaya bumalik na 'ko sa pagkakatulog.



"hindi ka pa gigising ah"

"Arghh! Ang lamig kuya! mama!" biglang may bumuhoss na tubig sa muka ko kaya bigla akong napabangon at sinamaan ng tingin yung nasa harap ko at binato ng unang malalapit sakin.

"HAHAHAHHAHAHAH- aray AHHAHAHAHAHAHA" halos mamatay na s'ya kakatawa habang nakahawak sa kanyang tiyan na s'yang humiga pa habang pumapadyad ang mga paa.

"Pa'no ka nakapasok dito?!" binabato ko pa rin s'ya ng unan hanggang sa maubos na ito at tumayo na rin s'ya habang tumatawa parin.

"HAHAHAHA mahal na prinsesa baka nakakalimutan mong may pasok ka" i rolled my eyes at tsaka s'ya umalis.

"para namang bata" bulong ko na alam kong maririnig n'ya.

"May sinasabi ka?!" sigaw n'ya na s'ya paring naghahabol ng hininga dahil sa pagtawa n'ya

"blah blah blah" i rolled my eyes kahit na hindi n'ya ko nakikita. I clean my bed and change the pillowcase dahil nabasa ito sa pagbuhos ng tubig ng magaling kong kuya, pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis.

"Shane kain na daw!" sumigaw na naman ang magaling 'kong kuya at sumilip ng may ngisi sa muka.

"oo na susunod ako, bwisit ka talaga!" pinandilatan ko s'ya ng mata kaya umalis na agad s'ya. Pagkatapos kong mag ayos ay kunuha ko na ang gamit ko at bumaba, naamoy ko yung niluluto ni manang na sinigang kaya dali dali akong pumunta sa kusina at naghanda ng mga plato para saming lahat.

"Good morning Shane anak" lumabas si manang na may hawak na mangkok na may sinigang na favorite ko.

"Good morning manang, ang sarap n'yan ah" ngumiti s'ya at nilapag na yung mangkok sa mesa.

"Oh sya kumain ka na d'yan at tatawagin ko lang mama't papa mo" u

"Sige po manang, thank you po!" tinignan ko s'ya hanggang sa mawala na s'ya sa paningin ko at nagsimula ng kumain.

"Sarap n'yan ah" napasigaw ako at napaso noong may bumulong sakin. Tinignan ko ng masama si kuya at tumawa na na naman s'ya habang nagsasalin ng tubig at inabot sakin. Nakita kong nakasunod sakanya si mama't papa at napailing nalang dahil sa ginawa ng magaling kong kuya.

"sirang sira na umaga ko" inirapan ko s'ya habang nakanguso kasi ramdam ko parin yung paso sa dila ko. Umupo na sila at kanya kanya ng kuha ng ulam at kanin.

"Manang tara na sabay ka na samin kumain" tinawag ni kuya si manang na nagsasalin ng tubig namin.

"Naku iho pagkatapos n'yo nalang"

"Tara na mang, minsan lang naman makumpleto sumabay kana" nag puppy eyes ako at mukang bumigay naman dahil dun si manang at umupo narin.

"Dasal muna tayo" pinigilan ako ni kuya sumubo kaya simimangot ako pero sumunod nalang kasi nakakahiya naman habang nagdadasal sila ay ngumunguya ako. Si kuya na ang nagdasal, pagkatapos ay kanya kanya na kaming mundo sa pagkain habang si papa ay nakaharap sa laptop n'ya habang kumakain at si mama naman ay may kinakausap sa phone. Sanay na kami na ganyan sila kaya si manang at kuya nalang ang kinakausap ko habang kumakain.

"Shane, kamusta grades mo?" natapos na pala makipag usap si mama sa cellphone.

"Okay naman po matataas po lahat ng exam ko" tumango lang ito at tumingin naman kay kuya.

The Painful RealityWhere stories live. Discover now