03

10 1 0
                                    

"Sino yung N na nasa story mo ah? may boyfriend ka na?"

"Kuya naman eh kita naman sa caption na hindi ko pa s'ya kilala ta's sasabihin mo na may boyfriend na ko" iling iling ko habang tumatawa.

"pag nakilala mo ah ipakilala mo sakin, mag uusap lang kami, usap lalaki sa lalaki lang"

"kuya naman eh" hinampas ko ito pero nakailag s'ya kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.

"pero ngayon 'wag ka muna mag boyfriend, kayang kaya ka alagaan ni kuya" ngiti nito at kinurot ang tunki ng ilong ko.

"sus 'pag nagka gf ka baka hindi mo na nga ko pansinin eh" nag pout ako na para bang nagtatampo dito.

"hindi mangyayari yun, hindi ka kakalimutan ni kuya, ikaw parin ang baby ni kuya kahit magkaanak pa kami ng sampu tsaka wala naman akong balak pa mag gf"

"wala ka bang nagugustuhan kuya?" biglang nagbago ang muka nito at nawala ang ngiti para bang sobrang seryoso ng tanong ko.

"iniiba mo usapan bunso ah, pinag uusapan natin dito yung pag b-boyfriend mo"

"kuya naman eh" kinurot n'ya ang dalawang pisngi ko at biglang tumakbo palayo.

"GOOD MORNING mahal na prinsesa" i didn't bother to look kasi alam ko na naman sino yung nagsalita.

"Good morning kuya" hinalikan ako nito sa pisngi at kumuha din ng ititimpla n'yang kape.

"Ang aga magising ah, natulog ka ba?" i just nod kahit na hindi ako nakatulog dahil late na naman kami natapos ni kuya mag kwentuhan nang kung ano anong bagay.

"sus, hindi naman kita papagalitan eh"

"whatever" umirap ako sa hangin at kumain na.

"Kailan nga pala recognition mo?"

"Ngayon kuya"

"Ha?! ba't 'di mo naman agad sinabi, teka tatawagan ko lang boss k-" napatigil s'ya ng marinig n'ya 'kong tumawa.

"Kuya joke lang HAHAHAHA-ahhhh" napasigaw ako ng bigla akong binuhat ni kuya na parang sako at naglakad papunta sa pintuan. Pinaghahahampas ko s'ya sa likod n'ya pero parang wala lang sakanya at tuloy tuloy lumabas ng bahay.

"ayan joke ka pa d'yan ka ngayon d'yan ka sa labas HAHAHAHHAHA" nilapag n'ya 'ko sa garden at dali dali tumakbo at sinara yung pinto.

"Kuya!!!!" tumakbo ako papunta sa pinto pero hindi ko na naabutan. "Kuya joke lang naman kasi eh"

"Joke mo muka mo!" narinig kong sigaw n'ya sa loob.

naglakad lakad ako pabalik balik habang nag-iisip ng gagawin para buksan n'ya yung pinto, nakita ko yung yero at kumuha ng bato para ipang bato dito at gumawa ng malakas na ingay.

"Arayyyyyy!!" humiga ako at nagkunwaring masakit paa. Biglang bumukas ang pinto wala pang ilang segundo at nakita ko si kuya kasama si manang na mukang nag panic din dahil sa ginawa kong malakas na kalabog kaya medyo na guilty ako na nadamay si manang sa pinag-gagagawa ni kuya.

"Anong nangyari sa'yo Sheena??" kita ko sa muka ni kuya ang pag aalala ganun na din si manang.

"Dito masakit kuya, ouch" nagkunwari akong nasasaktan, sayang naman kung hindi ko itutuloy nandito na din naman dba?

"Anak anong nangyari sa'yo? tatawagin ko lang ang magulang mo" bigla akong nag panic dahil dito kaya bigla akong tumayo.

"Ano bunso ba't bigla kang napatayo? sa'n yung masakit? kaya mo ba maglakad?" ang daming tanong ni kuya pero tumakbo ako kay manang para pigilan s'yang tawagin sila mama.

The Painful RealityWhere stories live. Discover now