02

13 2 0
                                    

"Ilan po kayo?" Tanong nung babaeng nassa counter.

"Tatlo lang po" sabi ni kuya at nilabas na ang pambayad tsaka inabot dun sa babae.

"Okay po, pahintay nalang po aayusin lang yung table n'yo" Nag thank you si kuya at umupo kami sa waiting area, tinignan ko yung mesa habang nilalagyan ng parang gas para umapoy kaya mas lalo akong na excite nung nakita kong nilagay na yung mga karne sa mesa namin.

"Ma'am, sir, okay na po yung table n'yo, table 13 po" tumayo na kami at pumunta sa table na sinabi nung kuya.

"Ako na po magluluto manang" akmang kukunin na ni manang yung tong ng biglang kunin ito ni kuya. "Hindi n'yo naman po ito trabaho"

"Naku iho sanay lang akong pinagluluto kayo" ngumiti ito.

"Kuya, gusto ko ma try mag luto" umiling 'to bilang pag tanggi pero makulit ako. "Please" nag puppy eyes ako dito at bumigay din, sabi na gagana eh.

"palibhasa alam mo kung pa'no gamitin 'yang charms mo samin eh" umiling iling ito bago binigay sakin yung tong. Nilagay ko na yung mga karne at binuksan naman ni kuya yung apoy habang si manang ay naka ngiting pinapanood kami habang kami ay nag tatalo pa'no ang gagawin dito.

"Aray!" napasigaw ako nung biglang natalsikan ako ng mantika sa braso kaya nagpanic si kuya habang si manang ay inabutan ito ng tissue, pinunasan ni kuya yung parte na natalsikan sakin habang ako ay maluha luha dahil sa dito.

"Sabi ng ako na magluluto eh ang kulit kasi" sabi ni kuya habng pinapahidan ng kung ano yung natalsikan sakin dahil namumula ito.

"Jusko, ako nalang magluluto mga bata talaga kayo" kinuha na ni manang ang tong at s'ya na ang nag luto kaya wala na kaming nagawa ni kuya. Nagkwentuhan lang kami habang si manang ay nagluluto at binibigyan kami ng pagkain, salitan sila ni kuya para makakain si manang at ako naman ay buhay prinsesa lang puro nguya lang. 

"Anong gusto mo bunso? bibilhan ka ni kuya" nung natapos kami ay pumunta kaming mall at nag libot para daw makapag pasyal kami lalo na si manang, lagi kasi s'yang nasabahay 'pag day off naman n'ya ay nagbabantay s'ya ng apo n'ya.

"kala ko ba ayun na yung treat mo sakin kuya?"

"Sinong nagsabi na ayun lang?" He wink at me at na cringe naman ako dahil dun at pinakita kong nasusuka kong expresyon dahil dun ay natawa s'ya pati narin si manang.

"Tigilan mo nga 'yan kuya, hindi mo 'yan ikina pogi" iling iling na sabi ko sakanya.

"Pogi naman talaga ako ah, dba manang?" tumango lang ito habang iing iling dahil sa kakulitan namin dalawa.

"Syempre kwento mo 'yan, bida ka d'yan" 

"Bibilanhan pa naman sana kita nung converse na gusto mo kaso ganyan ka" nag acting pa itong parang umiiyak kaya napa irap ako pero yung converse na gustong gusto ko bibilin n'ya sakin? okay bibigay muna tayo ngayon para dun.

"Joke lang kuya ano ka ba parang 'di naman mabiro eh" binatukan n'ya ko at biglang tumakbo. "Aray!"  hinabol ko s'ya kahit may nababangga ako kaya't nag sosorry ako buti nalang at pinapalagpas nila ito, pero sa haba ng binti n'ya ay hindi ko na s'ya inabot at bumalik nalang kay manang.

"Kayong bata kayo apaka gaslaw n'yo" sinermonan ako ni manang habang pinupunasan yung pawis ko, nakita namin na pumasok si kuya sa converse kaya napangiti ako kasi bibilhan n'ya parin ako

"Bibilhan parin pala ko" bulong ko, nakangiti akong pumasok dito at nakita kong hawak n'ya na yung gustong gusto kong sapatos habang may ngisi sa muka.

"Thank you kuya! you're the best" i kiss kuya on the chicks dahil sobrang tuwa ko.

The Painful RealityWhere stories live. Discover now