PROLOGUE

15 4 27
                                    

DISCLAIMER: Ang lahat po ng ito ay galing lamang sa aking imahinasyon kasama na rin ang pangalan ng mga characters.

"Goodmorning po ma'am, pinapasabi lang po ni Sir Steve na need n'yo raw pong pumunta ngayon sa office, may meeting po kayo. 10 am pa naman po." Bungad sa'kin ng assistant ko na si Aya.



7 am naman siya tumawag so i have 3 hours to prepare. Nagluto lang ako ng fried rice, egg and bacon para lang naman sa dalawang tao. Kasama ko kasi yung best friend ko na si Faye. We're living together dahil mas kilala namin ang bawat isa sa amin.



Pagkatapos kumain ay hindi na ako nag abalang gisingin siya, dahil nagmamadali na rin akong maligo at mag toothbrush. Itetext ko nalang siguro yung bruha na yon dahil hang over pa. Uminom ba naman ang gaga.


Nagpapatugtog ako at biglang may tumawag. "Hi love, goodmorning!"  Okay, literal na goodmorning nga talaga. " Wait lang love ah, nagpeprepare lang ako. May need kasi akong puntahan na meeting, I'll see you later love!" Pagkasabi ko nun ay ibinaba ko na ang tawag dahil nga nagmamadali ako.


Nagsuot lang naman ako ng kulay beige na formal polo, highwaisted black pants and black heels para matchy matchy!. Dahil nga meeting naman ang pinunta ko rito sa company.


To: Faye

Hoy gaga kumain kana diyan ha, ipinagluto na kita mahal na seniorita! Mahal talaga ang bayad sa akin dahil ako na ang nag aalaga sa'yo. Bwiset ka.


Text ko kay Faye baka kasi makalimutan ko na naman mamaya sa sobrang daming gagawin.


"Goodmorning po ma'am, nasa office niya po si Sir Steve ngayon." Sabi sa akin ni Iya.Tumango lang ako sa kaniya at pumunta nalang sa office ni Sir Steve.



Pagkapasok ko ay nakatingin kaagad si Sir Steve sa akin. Akala mo naman ay may ginawa akong masama, tarantado 'to ah.



" 10 minutes early Ms. Alcantara" bungad niya sa'kin. Buti nga maaga kaysa naman late 'no.



" I have a project for you Ms. Alcantara, bigating client ito. Kaya sana ay maging maayos ang magawa mo, gusto ka raw mameet ng client na ito"  pagpapaliwanag niya sa'kin, Lord sana naman magandang ano 'to ha, nag iipon kasi ako.


"Oh... Okay Sir, Noted po!" Masayang pagbati ko. Ibinigay na rin sa akin ni Sir yung number ng Client, baka raw tumawag or mag text sa akin.


Gumawa lang ako saglit ng mga pending works rito sa office ko. Hindi naman masyadong marami dahil nga nakatapos na rin ako ng iba.


Nagulat ako dahil ilang minuto lang ay may nagtext na kaagad sa'kin na unknown number


Unknown number:

Hi Ms. Alcantara,  i want to meet you, Let's  talk about the big project:)  Sa coffee shop nalang tomorrow, 8 am.See you


Agad naman ako akong nagreply dahil nakakahiya naman kung iseseen ko lang diba. Baka sabihin snob ako, duh hindi naman. Medyo lang. Charet!



To: Client

Sure, no worries:)



Pinalitan ko na rin ng name dahil baka akalain ko na naman kung sino. Minsan shunga pa naman ako.


Nagulat na naman ako dahil may nag text na naman, Hays, client na naman ba ito?!



From: Mi Amor

Hi love, lunch tayo? I'll pick you up later hehe, love you!


Client nga! Client ko 'to habang buhay. Para namang sira 'to! Nagtatrabaho yung tao tapos biglang magtetext nang ganiyan. Kung malapit lang sana 'to baka nakiss ko na. Charot, malandi ka.



Nagreply na rin kaagad ako, alangan namang magpatumpik tumpik pa ako 'no! Sayang effort ano!


To: Mi amor

Sure love, text lang me mamaya ha. I love you more!



Syempre with gan'yan kasi malandi ang beshy mo. Ilang taon na kami pero kinikilig pa rin ako. Naknampota lakas talaga.



Nagretouch lang ako kasi baka mamaya nasa labas na ang aking boyfriend, parang tanga naman kasi 'to. Bigla biglang mag aaya kita mo namang hindi ako ready. Landi girl!


Nasa isang restaurant lang kami malapit rito sa aming company, nagkecrave kasi ako sa bulalo. Yummers! Mukha tuloy akong gutom na gutom pagkadating sa restaurant.


"Eto na po ma'am, thankyou po!" Nakangiting nagseserve yung waiter sa amin. Binigyan ko lang siya ng isang maliit na ngiti dahil gutom na gutom na ako.


Binigyan kaagad ako ni Felix ng bulalo sa maliit na mangkok para makakain ako. Kahit wala pa akong sinasabi ay kikilos na kaagad siya. We've been together for 7 years, since grade 11ay boyfriend ko na siya. Alam na alam niya na talaga ang mga gusto ko.


" How's your day love?" Tanong ng boyfriend ko dahil masyado kaming tahimik.


Busy kasi ako kumain, kapag pagkain na ang kaharap ko wala na akong sinasanto! Charot!


"Ayos naman, love. How about you?" Sagot ko sa kaniyang tanong. Para tuloy kaming ilang buwan palang magkasintahan dahil sa mga tanungan. Hindi naman kami nauumay 'no, duh!


"Eto namiss ka kaagad" kung umiinom lang siguro ako ng tubig ay naibuga ko na sa kaniya. Ang landi! Hanep.

"Kasama mo pa naman ako, miss agad. Hay nako! I miss you too!" Tangina namumula kaagad yung pisngi ko pagkasabing pagkasabi ko.

Pagkapos namin ay lumabas na rin kami sa restaurant. Ihahatid daw ako ni Felix sa condo namin ni Faye eh, magtatalks a lot daw kaming dalawa habang nasa kotse. Joke, landian talaga.


Parang lumamig bigla yung katawan ko at hindi na makagalaw dahil nakita ko ang pamilya ko. Si mama, papa at Cielo.Kasama yung bunsong kapatid ko ay papasok sila sa restaurant.


"A... Anak! Sa wakas nakita kana ulit namin!" Humahagulhol ang babae na biglang yumakap sa akin. Hindi ko siya niyakap pabalik dahil hindi ko alam ang gagawin ko, nanlalamig ako.


Si papa at Cielo naman ay nakatingin lang sa amin ni mama. Ilang taon rin kaming hindi nagkita, alam rin naman nila ang dahilan kung bakit ayoko na ulit makipag usap sa kahit na sino sa kanila. I already cut ties with them. Malaki rin ang pasasalamat ko sa kanila dahil binuhay nila ako sa mundo pero parang pinatay na rin nila ako sa mga pinanggawa nila sa akin. Hinding hindi ko makakalimutan lahat, kapag nakikita ko sila ay bumabalik lahat ng sakit and trauma.


" Mawalang galang na po, iuuwi ko na po si Tiana. Hindi pa po siya ready makipag usap sa inyo." Malamig na sambit ni Felix sa aking mga magulang.


Tama naman siya, hindi pa talaga ako handa. Nabuksan ulit yung sugat na matagal ko nang kinalimutan pero nakita ko na naman sila. Bumalik lahat e, ansakit pa rin talaga.


Desire of Destiny Where stories live. Discover now