2

1.3K 30 5
                                    

Pagkababa ko ng bus ay nilibot ko ang paningin ko. Sabi kase ni aling sonya may susundo sakin hmm

"Kayo po ba si Jenmalyn Merced?" Tanong sakin ni kuyang men in black taray ah naka shades may pa ganern pa sya. Muka syang bangkay joke hehe

"ahh... ako nga po, kayo po ba susundo sakin" naka ngiti kong tanong. Kinuha nya ang mga gamit kong hawak at tumango.

Ayy taray di manlang ngumiti panget siguro ipin tsk

Paglagay nya sa compartment ng gamit ko ay binuksan nya yung pintuan sa passenger sit. Kaya dun pumasok nako pag sara nya ng pinto ay pumasok na sya sa driver sit at nag umpisa ng mag maneho. Isang mahabang katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan hindi rin naman kase ako madaldal. Mag sasalita lang ako kung kakausapin ako.

Ilang oras na kaming bumabyahe nag-aagaw na ang dilim at liwanag malayo paba?

"Uhm kuya malayo papo ba?" Nag aalangan kong tanong.

"Malapit napo." Maikling sagot nito sakin.

yan din sabi mo kanina malapit na tsk

Tumahimik nalang ako at inilabas ang cellphone ko. Binuksan ko ang fb ko nakita kong nag chat si ate.

Rachille:

Ano kamuxta dyan?

me:

wala pako sa bahay ng amo ko.
sent: 6:30pm

Rachille:

Twag ka dw if nandon kana ah.

me:

sige... nandyan na ba sila mama?
sent: 6:32pm

Rachille:

wala pa maya payun.


"Nandito na tayo." Tumingin ako sa labas at nandito kami sa harap ng malaking mansyon palasyo?

Lumabas na ako at kinuha kona rin kay kuyang men in black yung dalawang bag ko. Naglakad ako papasok sa magandang bahay sinalubong ako ng matandang babae.

"Mabuti at nakarating kana ija kanina pa kita hinihintay."

"Ah pasensya napo natagalan."

"Sundan moko ihahatid kita sa kwarto mo dun ka sa second plor"

"Ako ang mayordoma ng mansyon ako si lola dilya bukas mag sisimula ang trabaho mo. Gumising ka ng alas-3 ng umaga ang kusina ay andon maliwanag ba?" Striktang wika ni lola dilya.

Pumanik kami sa ika-lawang palapag sinusundan ko lang si lola dilya hanggang sa huminto sya sa tapat ng puting pinto na may gold na seradura.

"Ito ang kwarto mo. Ayon naman ang kwarto ko malaki ang mansyong 'to kaya wala ng maid's quarter... At pamilya tayo rito ija, mag pahinga kana dahil maaga pa ang gising bukas. Kung nagugutom ka bumaba ka sa kusina may pagkain don kung hindi ka makatulog uminom ka ng gatas lahat ng nasa ref sa kaliwa na may red sticker ay sa ating mga maid. Yung may blue sticker ay sa mga senyorito maliwanag ba?"

Tumango ako at ngumiti. Iniwan nya nako kaya pumasok nako sa loob ng kwarto ko napa ngaga naman ako sa laki at ganda ng kwarto.

Mas malaki pa sa bahay namin

Inilapag ko sa supang kulay puti yung dalawang bag ko ang ganda ng kwarto ako ba talaga gagamit nito? kala ko ang tutuluyan kong kwarto eh may doble deck kung san sama-sama ung mga maid o kaya naman maliit na kwarto lang. Pero ito kase ang laki ang ganda puti yung ding ding nya may ilaw sa magkabilang gilid ng pader may maliit na chandelir may aircon may sariling cr may coffe table at supa may veranda pa tapos may flat screen tv ang angas ah feeling ko buhay prinsessa ko dito haha charizz maid ako dito.

The Duscano Brother ObsessionWhere stories live. Discover now