9

1.2K 38 2
                                    

Enjoy Reading!

HINDI NAMAN siguro si Matthew yon. Ano namang gagawin nya dito may emergency sa company nila. Kaya for sure nanduon yun.

Nasa KFC kami ngayon kakain muna kami bago umuwi. "Bukas kana aalis. anong oras?" Tanong ni kiel. Oo nga pala bukas na alis ko.

Tumango ako sa kanya "1 Month mo ulit hindi makikita ang preatty face ko" Natatawa kong sabi sa kanya. Lumungkot naman ang mga mata nya.

"Hayst! Wag kana kaya tumuloy? ako nalang bahala sayo, May ipon na naman ako eh. Pag-aaralin kita jen." Seryoso nyang sabi habang naka yuko.

"Luh! Haha baliw, diba nga sabi mo ipambibili mo ng motor yan kaya ka nag-iipon?" Naka ngiti kong tanong sa kanya. Tinignan naman nya ko at hinawakan ang kamay ko.

"Handa akong i-give up yung pangarap ko para sayo. Kaya sabihin mo lang gagawin ko." Naka ngiti na sya. Napabuntong hininga naman ako at ako naman ngayon ang humawak sa kamay nya.

"Hindi na kailangan, Pero maraming salamat. Malaki naman ang sweldo ko for 1month don, kaya ibili mo nalang ng motor yung pera mo. Matagal munang gusto yan." At nginitian ko sya. Napabuntong hininga sya at tumango.

Ma swerte ako dahil nagkaroon ako ng kaibigang katulad nya. Kaso lang nalulungkot akong hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibalik sa pagmamahal na inaalay nya.

Sana natuturuan ang puso. Kung sino ang dapat mong mahalin. Mali naman yatang mag mahal ng apat.

***

Naka uwi nako ng bahay 10pm na kami naka-uwi ni kiel. Dahil medyo rush hour. Hanggang ngayon nasa isip ko parin yung lalaking nakita ko sa sine-han si matthew ba talaga yon o namamalik-mata lang ako?

Napabangon ako ng marinig kong nag ring ang phone ko na nasa ibabaw ng drawer. Kaya dali-dali ko itong tinignan at ang caller ay si matthew.

"Hello? Matthew?" Kunot noo kong tanong. Ang ingay sa kabilang linya. May malakas na tug-tog akong naririnig.

"Babe ko! hik who the hell the guy with you hik earlier! huh! " Lasing na sigaw nito sa kabilang linya.

"The hell! Matthew. Lasing ka? Nasan ka, Ikaw ba yung lalaking nasa sine-han kanina?" Sigaw ko din sa kabilang linya dahil baka hindi nya ako marinig sa sobrang lakas ng tug-tog. Kung nasaang lupalop man sya.

"Yhea! you're right! hik You! bad girl. Stay away from that whoever that bastard hik or else i might kill him with my own hands!" Sigaw nito pabalik.

"Matthew! listen that guy is my friend okay?! Nasan kabang hinayupak ka huh?! bakit ang ingay-ingay dyan?" Naiinis ko nang sigaw sa kabilang linya.

"Why? pupuntahan hik moko?" Parang batang tanong nito. Napahilot naman ako sa sintido ko. sumasakit ulo ko sa lalaking to!

"Oo! kaya please. Tell where are you?!" Sigaw ko dito.

"hik Red bar babe...are you come to pick me up hmm?" Malambing nitong sagot sa kabilang linya. Hindi kona masyadong naririnig ang ingay for sure nasa labas na sya ng bar.

Alam ko ang bar na yun dahil duon nag celebrate ng birthday yung classmates ko nung 1st years collage.

"hmm yep, wait me there okay? wag kang mag dri-drive. Papunta nako." Nag suot lang ako ng pants at white shirt dahil naka sando lang ako.
Dali-dali kong kinuha ang wallet at phone ko. Hindi na ako nakapag paalam dahil tulog na sila mama at papa. Halos liparin ko na yung daan samin makarating lang sa sakayan ng tryckle. Thanks god at naabutan kopa ying tryckle driver na kaka dating lang galing pasada. Nag pahatid ako sa Red bar 11:55 na ako nakaratin don. Nag-abot ako ng 300php dahil malayo-layo rin ito at tip narin kay manong.

The Duscano Brother ObsessionWhere stories live. Discover now