10

1.6K 34 6
                                    

WARNING!!!

Nakarating kami ng 2:55 in the morning. Grabe antok na antok nako. Hindi kona ginising pa sila mama dahil maya-maya naman ay gigising narin sila. Pinahiram ko ng t-shirt at pants ni kuya si Matthew syaka ko sya pinag linis ng katawan sa c.r

After nyang magpalit ay inaya kona syang matulog sa kwarto ko dahil maliit lang ito ay balak kong sa kabilang bahay nalang matulog. Pero ang loko hinila ako kaya napahiga ako sa gilid nya. Yakap yakap nya ko kaya hindi ako maka-alis.

"Hoy! Sa kabila ako matutulog ano ba! bitawan mona 'ko." Bulong ko sa kanya pero ang loko wala ng kibo.

Kaya wala akong nagawa kung di ang matulog nalang sa tabi nya. Mag eexplain nalang ako kila mama paggising tch!

Nagising ako ng maramdamang may nakatitig sakin.
Dali dali akong bumangon at hinila hanggang dib-dib ang kumot. Sisigaw na sana ako ng maalala ko na dito ko nga pala sya pinatulog kagabi.

"G-good Morning..." Naiilang kong bati sa kanya dahil sa kakaiba nyang titig. Ngumisi naman sya at nabigla ako ng dumukwang sya sakin syaka mabilis na diplisan ng halik ang labi ko. Sisigawan kona sana sya kaso bigla syang tumakbo palabas ng kwarto ko.

Pervert talaga! bwisit. Bakit smack lang?? charott!

Naalala kong hindi pa pala ako nakakapag-alis ng muta goshh baka may muta ako sa mata. Tapos hindi pako nakakapag tootbrush!? tapos k'niss pa nyako!

Dali-dali akong kumuha ng damit sa aparador at sinulyapan ko ang orasan sa itaas ng bedside ko. Nanlaki ang mata ko ng makitang 9:55am na ng umaga! sheytt!

Pagkatapos kong makakuha ng pamalit ay dumiretsyo nako sa banyo. Tinawag pako ng kapatid ko pero diko sila pinansin. Hindi korin sinulyapan pa si Matthew dahil ramdam kona nakatitig sya sakin.

Binilisan ko ang paliligo ko para. Makaalis na kaagad kami. Nagpatuyo nako ng buhok bago ako lumabas ng banyo. Muntikan pakong madulas sa gulat ko ng makita si matthew na nakasandal sa ding-ding namin sa tabi kaliwa katabi ng ref.

"A-anong ginagawa mo dyan?" Naiilang kong tanong sakanya "Waiting to you." Maikli nyang sagot. "uh...K-kumain kana ba?" Tanong ko.

"No... Sabay na tayo." Saad nya at naglakad palapit sa lamesa syaka umupo. Nag handa na ako ng pinggan, baso, kutsyara at yung ulam. Skinless at eatlog, syaka malunggay soup ang hinain ko sa harap nya. Nag lagay din ako ng kanin sa bandehado. Pag tingin ko sa kanya ay nakatitig lang sya sakin. "ah... Gusto mo kape?"
Tumango sya kaya dali-dali akong tumalikod para mag timpla ng kape.

Pagkatapos ko sa pagtitimpla ng kape ay nilapag kona sa harapan nya. Syaka ako umupo sa harap nya. "Kumain kana, After nito aalis na tayo." Sabi ko sa kanya at nagsimula nang kumain.

"You know? your parents are so adorable, they said that I'm fit to be your boyfriend" Biglang salita nito. Dahilan para mabulunan ako sa kinakain ko. Agad naman nya akong inabutan ng tubig. "Careful baby." he said.

"N-nakausap mo sila?" Tanong ko dito. Tumango-tango naman sya "Yhea...Kanina before they leave."

May balak pa yata silang ibugaw ako kay matthew!

“Ahh, P-pag pasensyahan mona sila. Ganun lang talaga sila magbiro hehe” Akward kong sabi sabay kumpas pa ng dalawang kamay.

Ngumisi sya sakin at unti-unting dumukwang. Ako naman ay hindi nakagalaw sa kina uupuan dahil sa biglaang kilos nya “Gust–” Hindi natuloy ang sasabihin nya ng may pumasok sa kusina.

Kiel

“Hatid na kita sa terminal. Pag-aal–” Napatigil sya sa pag sasalita ng makita nya si matthew. Pansin ko naman ang pag seryoso ng muka nilang dalawa habang nag susukatan ng tingin sa isat isa. Ako naman ay hindi mapakali sa kinauupuan kaya agad akong tumayo dahilan para maputol ang masasamang tingin nila sa isa't isa.

The Duscano Brother ObsessionWhere stories live. Discover now