1

1.7K 34 1
                                    

"Sigurado kana ba? aba eh malayo yon, maynila eh dyan nga lang sa sumapa hindi kana nakatagal." Malungkot na wika ni papa

"Pa naman naka tagal naman po ako ng 1bwan don eh, syaka antagal napo nun gusto ko pong sumubok ulit, syaka gusto kopo kayong tulungan ni mama, malaki po sahod kaya kakagatin kona hehe" Naka ngiti kong saad sa kanya niyakap naman nya ako at ngumiti

"Basta pag gusto mo nang umuwi, tawag kalang sa ate o sa kuya mo sila may selpon dyan... wag ka masyadong maging masipag don ah. wag din mag boboypren maganda kapa naman"

"Pa naman! trabaho po ang ipupunta ko dun hindi boyfriend haha"

"Sya sige matulog na at maaga kapa bukas" niyakap ko si papa at ngumiti lumabas na sya sa maliit kong kwarto huminga naman ako ng malalim dahil nang gigilid ang luha ko.

"Nu bayan? pano pa kaya pag andon nako eh di iiyak lang din ako hmp!" pinunasan ko ang mata ko at huminga ng malalim itinabi kona yung mga nakaimpake kong gamit at humiga na sa kama.

Nakatitig ako sa kisame iniisip ang bagong kabanata ng buhay ko ako nga pala si Jenmalyn Merced, 19 anak ni Raul Mando Merced at Joycelyn Merced 6 kaming mag kakapatid.

Sabi ni Aling Sonya yung mansyon daw na pupuntahan ko para mag trabaho e nasa Quezon City 20k kasi sweldo for 1 month na yun at ang day off ko twing bigayan ng sahod mas malaki pa kase sweldo dun kesa sa kung saan ako nag tratrabaho na maliit na hotel bilang recepsionist 5k lang isang bwan puro manyak pa dun tsk doble sweldo ko bilang katulong kaya pumayag kagad ako malaking tulong yun sa pamilya ko lalo na at nag iipon din ako para mag-aral ulit ng kursong HM.

~

Tumunog ang alarm ko sa cellphone 3am na kaya dali dali nakong lumabas ng kwarto at dumiretsyo sa banyo para maghilamos tulog pa sila mama at papa nasa kabilang bahay naman si kuya at ate nagsaing nako at naghugas ng pinggan nag blender din ako ng luya para mainom ni papa mamayang pag gising nya.

Pagtapos maluto ng kanin ay naghanda nako ng baon ni papa at kuya dahil may pasok sila sa trabaho after nun ay gumayak nako.

Pumasok ako sa kwarto nila papa at ginising na sya ihahatid daw kase nyako sa terminal ng bus gumising narin si mama at nagkape sila ni papa pagkatapos nilang gumayak ay nagpaalam na ko sa mga kapatid ko.

"Ate tawag ka lagi ah? intayin namin yan" sabi ng bunso naming kapatid nasi Ram ngumiti ako at tumango tulog pa yung isa kaya dina ko nakapag paalam.

~~

"Anak mag iingat ka don ah, tawag ka samin pag andon kana wag masyadong magpapagod" bilin sakin ni mama ngumiti ako at niyakap ko sila ni papa.

"Opo mama, papa lagi po ako tatawag pag walang ginagawa" naka ngiti kong sabi.

"Oo wag puro selpon baka mapagalitan ka ng amo mo nakuu!" naka ngiting paalala ni papa ngumuso naman ako kaya natawa sila ni mama addict kase sa wattpad.

"bili na aalis na ang bus mag iingat anak tumawag ka ahh!" habol ni papa kumaway naman ako sa kanila umandar na ang bus naka tanaw lang ako sa kanila hanggang sa mawala na sa paningin ko sila mama at papa.

Huminga ako ng malalim ito na sana naman makayanan ko fighting lang para sa pamilya!

Sana naman maging maayos ako dun, wala naman sigurong multo dun diba? sana din din masungit ung magiging boss ko hayst kung masungit wala akong magagawa bahala na si batman sight~


FB:BRYLE_DEMI WP

The Duscano Brother ObsessionWhere stories live. Discover now