7

1.1K 20 0
                                    

Nandito na ako samin lumipas na ang isang araw pero parang film na paulit ulit na nag rereplay sa utak ko ang nangyari kahapon.

Hinatid nga ako ng tatlong magkakapatid pero hanggang McArthur Highway lang. Dahil may tumawag na may emergency daw sa buissness nila gusto pa nga nila akong ihatid hanggang samin pero nag pumilit talaga ako na ibaba na ako. Tutal naman ay isang sakayan nalang ng jeep ang kailangan.

Sa isang bwan ko sa mansyon ng Duscano feeling ko sobrang laki ng pagbabago sa buhay ko lalo na yung tatlong magkakapatid na may sayad. Hindi ko alam bakit sa dina rami-rami ng babaeng magaganda mas sexy sakin yung ka level nila pero bakit ako? bakit ako yung natipuhan nila na isang maid lang wala namang espesyal sakin.

Choosy kapa ba?

Kung sa bagay hindi naman natuturuan ang puso kung sino ang taong iibigin mo seryoso kaya sila sakin?

Kita naman sa mga mata nilang seryoso sila pero wala pa naman silang sinasabing liligawan ako ah?

Hayst Ganda problem

Andaming pinamili nung magkakapatid na yun. Buti nalang may nakita akong napadaan na taxi sa lugar na yun nung una nag aalangan pakong i-para dahil baka may byaheng pa'maynila. Pero buti nalang pumayag na ihatid ako. Diko kasi kayang bitbitin lahat itong pinamili nila andadami e parang galing ibang bansa.

Halos chocolates, Damit , accessories at kung ano anong bagay ang binili nung magkakapatid na yun.

yaman!

"Ate! kakain na daw!" sigaw ng kapatid kong si Ranney mae

Bumangon nako mula sa pagkakahiga sa kama at lumabas ng kwarto. Nakita ko naman na naka upo na silang lahat duon wala yung dalawang panganay dahil may mga trabaho sila.

"Kamusta naman ang pagtratrabaho duon?" tanong ni papa

"Ayos naman po" sagot ko

"Hindi ka naman ba nahihirapan? kung hindi mona kaya yung trabaho mo dun, uwi ka nalang dito anak." nginitian ko si papa at niyakap natawa naman si mama. Ganyan talaga si papa laging nag-aalala di kase sya sanay na nalalayo kami sa kanya. Pero kailangan naming maging indipendent para sanayin ang sarili sa bagong darating sa buhay namin. Balak ko pa namang mag tourism.

Ngumiti sya at niyakap din ako pabalik "Pa naman syempre kaya ko yun. Di naman po mahirap ang ginagawa ko dun" parang hindi na nga ako kasambahay kung itrato dun e daig kopa asawa hehe "Syaka may kasama po ako para matulungan sa paglilinis." Ngumiti ako at bumalik na sa upuan

"Ikaw talaga mahal. Hayaan mona yang anak mo ng masanay hindi habang buhay eh nandito satin yan. Darating ang araw na mag-aasawa at magkakapamilya yan at malalayo satin." Natatawang wika ni mama

"Asawa kagad?" Nakanguso kong tanong. Tumawa naman si mama "Malay koba baka mamaya eh. Ikasal na kayo ni kiel" Nang aasar na sabi ni mama

luhh kinalaman ni kiel dito?

"Mamaa! kaibigan lang po ang tingin ni kiel sakin okay?" Nagmamaktol kong sagot at sumandok na ng pagkain

"Sus! halata namang may gusto sa iyo ang binatang yon eh" Singit naman ni papa. Sumimangot nalang ako at hindi na sila sinagot.

Nang matapos na kaming kumain ay ako na ang nag prisintang magligpit at mag hugas ng plato. Nasa sala sila mama at ako lang mag isa sa kusina ng matapos ang paglilinis ay dumiretsyo ako sa kwarto ko at kumuha ng damit para maligo.

Wala kaming shower kaya buhos buhos lang ng tabo hehe. Hirap mag emote pag ganito tapos makikinig ka ng kanta sa spotify may ads.

Napahinto ako sa pagsasabon ng buhok ko ng tumunog ang cellphone ko.

The Duscano Brother ObsessionWhere stories live. Discover now