2 years later...
NANG matapos na ang klase ko ay umuwi na ako sa bahay.
"I'm home, 'ma!" Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisnge.
"Kamusta ang school, 'nak?" Tanong ni mama. Kaya agad ko namang sinagot.
"Okay lang naman po, ma." At nginitian siya ng matamis.
"Aba, mabuti naman." Sinuklian niya rin ako ng ngiti. "Oh siya, dalhin mo muna ito sa Kuya mo sa itaas." Binigay niya sakin ang isang bowl ng mga prutas.
"Sige po, 'ma." Umakyat ako sa itaas at nilagay muna ang aking bag sa kwarto tsaka ako pumunta sa kwarto ni Kuya. Binuksan ko na ang kwarto niya.
"Kuya, nandito na yung—" Napatigil ako ng may isang lalaki na umuupo sa kama ng kapatid ko. Sa pagkakaalam ko, hindi naman si Kuya nagsabi na magpapa-retoke siya? Tsaka hindi naman siya basta-basta nagpapapasok ng tao sa kwarto niya.
"Teka, ikaw bayan Kuya? Wala ka namang sinabi na magpaparetoke ka, pero infairness huh? Ang gwapo mo!" Natawa ako. Di ko maipagkakaila na ang gwapo niya.
Oh! Bat ang tahimik niya. Tapos tinitingnan niya lang ako. And why my heart beating so fast??
"Hoy, teka? Anong ginagawa mo, bunso?" Nakarinig ako ng boses. Parang boses ni Kuya! Teka??? Dali-dali akong lumingon. OMG.
"Kuya..." Napataas naman siya ng kilay. "Um, p-pinadala sakin ni m-mama yung prutas mo, b-bye!" Dali-dali akong lumabas ng kwarto niya at agad na pumunta sa kwarto ko.
Aysh! Nakakainis talaga! Bat kopa kasi sinabi yun? Dapat sana tinanong ko siya muna e! Nakakahiya!
"Bat moba kasi yun ginawa, Thena?! Nakakahiya tuloy!" Hinampas ko ang ulo ko ng unan sa sobrang inis.
Paano na ako lalabas nyan? Nakakahiya sa lalaking yun. Nako! Baka nga sinumbong niya kay Kuya ang sinabi ko. Lagot ako nito! Huhu.
Napatigil ako nang may kumatok sa pintuan.
"Bunso, pumunta ka muna sa kwarto ko." Kuya. Hala, what if papagalitan niya ako? Huhuhu nakakahiya.
Hays, kaya koto! "Sige, Kuya!" Kinakabahan akong tumayo at lumabas na siya kwarto ko. Nag-aalinlangan ako kung bubuksan ko ba o wag nalang? Aysh! Bahala na.
Binuksan kona ang pinto ng kwarto ni Kuya. Tsaka ko nakita silang dalawa na nakaupo sa kama.
"B-bakit mo ko tinawag, Kuya? May kaylangan kaba?" Tanong ko sa kaniya.
Medyo kinakabahan ako."Anong sinabi mo sa kaniya kanina? Anong retoke?" Paktay! Alam na niya.
"Ah.. eh.. k-kasi Kuya, akala ko s-siya ay ikaw k-kaya akala ko nagparetoke ka kasi parang u-umiba ang mukha mo. Tsaka hindi ka k-kasi nagpapapasok ng ibang tao sa k-kwarto mo kaya hindi ko t-talaga alam Kuya na h-hindi ikaw yun. Promise!" Naiiyak na yata ako ngayon. Oh lord, ikaw na ang bahala sakin.
"Hays, o'sige wag kanang umiyak. Mag-sorry ka muna sa kaniya." Sabi niya sakin at tinuro ang lalake. Lumapit naman ako sa lalaki at nag sorry.
"S-sorry pala kanina..." Napayuko ako.
"Okay lang, actually hindi naman ako galit sayo." Napatingin ako sa kaniya. Ang gwapo niyang ngumiti.
"Anong ngiti yan? Okay, that's enough." Sabi ni Kuya.
"Btw, I'm Frank Martinez. Your brother's friend." Nilahad niya sakin ang kamay niya. Nahihiya ko siyang tiningnan at tinanggap ang kamay niya.
"Thena, Athena Maureen Gomez." Sabi ko na may ngiti sa labi.
to be continued...
———————————————————
Ito ang pagsisimula ng pag-iibigan ng #FranThena HAHAHAHAHA
YOU ARE READING
The Gap Between Us (On-Going)
Teen Fiction17 year-old girl named Athena has two goals in life: becoming an architect and of course, para masuklian niya ang mga naging sakripisyo ng kaniyang ina. Kahit wala ang kaniyang ama ay mayroon naman siyang Kuya Arkin na nagsisilbing ama sa kaniya. Sa...