MAAGA akong nagising at naligo na ako. Nang matapos na ako ay nagbihis na ako at blinower ang buhok ko. Naglagay rin ako ng light make up sa mukha ko.
Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na. Nakita ko si mama na naghahanda ng pagkain.
"Good morning 'ma." Bati ko sa kaniya.
"Good morning din 'nak." Bati din pabalik sa akin ni mama. "Tsaktong tsakto dahil tapos narin akong magluto ng ulam. Kumain kana. Teka, si Kuya mo?" Dugtong niya pa ng tanong.
"Baka nandoon po sa taas 'ma."
"Ah sige, kumain kana. Mukhang puyat nanaman ang Kuya mo." Napailing naman si mama.
"Palagi lang naman po 'ma. Hahaha." Sabi ko na may halong tawa.
***
"Alis na'po ako 'ma" paalam ko kay mama. Hinalikan ko agad siya sa pisnge.
"Mag-iingat ka, anak." Tinangu-an ko nalang siya.
Sumakay na ako ng kotse, si Kuya ang laging humahatid-sundo sa akin dahil ito ang gusto niya. Kahit minsan busy siya sa trabaho, gagawa siya ng paraan para lang mahatid-sundo ako. Hays. Napakabait talaga ng Kuya ko.
"Puyat ka nanaman." Sabi ko habang siya ay nagmamaneho.
"As usual." Sabat niya.
"Hays. Kapag makapagtrabaho na ako at kapag may pera na, mabibili ko din ang lahat ng gusto ko. Tulad ng kotse, bagong bahay at syempre alagaan ko si mama. Siya ang nag-alaga sakin mula bata hanggang ngayon. Kaya ako naman ang mag-aalaga sakaniya." Saad ko.
"Don't stop dreaming, Bunso. Your Kuya is always at your back." Sabi ni kuya na may ngiti sa labi. At napangiti naman ako dun.
***
I'm here at the school. Well, my brother went to his friend. Yung friend niyang pumunta sa bahay. May kukunin lang daw siya dun and babalik narin siya agad sa work.
Pumasok na ako sa room namin at umupo sakto lang din at paparating narin si Prof. Sanchez. Nang pumasok siya ay binati agad namin siya.
"Good morning, Prof!" Sabay-sabay naming pagbati sa propesor.
"Good morning." At nag-umpisa na si Prof. na mag discuss.
***
"Ms. Gomez" tawag sakin ni Prof.
"Yes, Prof?"
"What is the difference between building and architecture?" Tanong niya. Hays. Di ko alam kung ano ang aking isasagot pero bahala na. Tumayo na ako at sinagot ang tanong ng propesor.
"Well uhm, for me... the difference between building and architecture is that BUILDING is the act or process of building while ARCHITECTURE design buildings and structures that not only look good but safe." Sagot ko na nakangiti.
"Very good. You can sit now, Ms. Gomez."
"Thank you, Prof." At sunod naman ay iba naman ang tinanong niya.
***
Nang matapos ang klase ay nauna ng umuwi si Krisha, ang best friend ko dahil pupunta pa ako ng opisina ni Dean dahil inutusan ako ni Prof. Sanchez na ibigay ang papeles na itong dala-dala ko.
And this is my first time na makikita ang Dean kasi bagong transfer lang kami ni Krisha dito. Pero si Krisha ay nakita niya na noon pa si Dean dahil nadadaanan niya ang bahay nito kapag pumupuntang school.Nang nasa tapat na ako ng pintuan ay agad akong kumatok.
"Come in." Sabi naman ni Dean. Agad ko naman itong binuksan.
Nang papasok na ako ay nagulat ako sa aking nakita...
My heart was beating so fast when our eyes met, na para bang andaming paro-paro sa aking t'yan na hindi mapakali....
Bakit siya nandito?
"Ano yun, Hija?" Tanong ni Dean, na nakapagbalik sa aking diwa.
"A-ah ipinapabigay ni P-Prof." Utal-utal kong saad sa kaniya. At agad ko itong binigay sa kaniya. Muli naman ako napatingin sa kasama ni Dean.
"Nice to meet you again, Thena."
"Hi, F-Frank..."
"Oh! magkakilala kayo, apo?" Tanong ni Dean. Mukhang naguguluhan.
"Yes, Lolo Dad. She is Arkin's little sister." Sagot naman ni Frank and WTF??? APO SIYA NI DEAN???
"Kapatid ka pala ni Kino?" Tanong naman ni Dean sa akin.
"O-opo.." Bat ba kasi ako nauutal?! Teka?? Kilala niya rin si Kuya. Well, hindi pala dapat akong magtaka kasi mag best friend pala si Kuya at Frank.
"Don't be nervous. Hindi naman kami nangangain eh." Sabat naman ng Frank.
"A-ah sige po. Mauuna na'po ako baka hinihintay na a-ako ni Kuya sa parking lot." Sabi ko.
"Ah sige, hija. Salamat sa pagdala nitong mga papeles sakin. It's nice meeting you, Hija." Tumango nalang ako at nginitian ko nalang siya saka ako lumabas.
***
Nandito ako ngayon sa parking lot. Pero hindi ko nakikita ang kotse ni Kuya. Tawagan ko kaya siya. Kinuha ko na ang phone ko sa aking bag tsaka tinawagan si Kuya.
Pero hindi niya ito sinasagot, nag ri-ring lang. Tinawagan ko siya ulit ngunit hindi niya parin talaga sinasagot. Ilang ulit ko siyang tinawagan. 5:30 na ng hapon pero wala paring Kuya ang dumating. Mag-iisang oras na ako dito kakahintsy sa kaniya. Hanggang sa may nakita akong lalaki na paparating sa direksyon kung saan ako nakatayo....
Parang wala siya sa tamang pag-iisip at may dala siyang....
Di kaya....
Oh no....
Lumakad ako ng lumakad hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan akong lugar... Ngunit nandoon parin ang lalaki, sinusundan niya parin ako.. Takot na takot ako, di ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil nanginginig ako kaba at takot...
Hanggang sa wala na akong mapupuntahan na lugar....
Na-trap ako sa isang lugar at ang alam ko lang ay hindi na ako makakawala pa...
Sa sobrang takot ko ay napaupo nalang ako at umiyak ng umiyak...
Unti-unti nang lumapit ang lalaki sa akin na may dalang kutsilyo...
Tinakpan ko ang aking mukha dahil sa takot, takot sa kung ano ang mangyari sa akin...
Hinintay ko nalang na may dadapong kutsilyo sa'kin hanggang sa...
to be continued...
YOU ARE READING
The Gap Between Us (On-Going)
Teen Fiction17 year-old girl named Athena has two goals in life: becoming an architect and of course, para masuklian niya ang mga naging sakripisyo ng kaniyang ina. Kahit wala ang kaniyang ama ay mayroon naman siyang Kuya Arkin na nagsisilbing ama sa kaniya. Sa...