Chapter 4

9 1 0
                                    

TINAKPAN ko ang aking mukha dahil sa takot, takot sa kung ano ang mangyari sa akin...

Hinintay ko nalang na may dadapong kutsilyo sa'kin hanggang sa...

May narinig akong kalabog at parang may natumba. Dahil na curious ako ay unti-unti kong kinuha ang mga kamay ko sa aking mukha. At tama nga ang aking hinala...

Nakita ko ang lalaking sumusunod sa akin kanina ay nasa sahig, wala ng malay.

Di ko namalayan na may naglahad ng kamay para tulungan akong tumayo. Tiningnan ko siya. Si kuya!

"K-kuya..." Tumayo ako at niyakap ko siya habang umiyak ng umiyak sa balikat niya.

"Shhh, wag kanang mag-alala. Nandito na kami, ligtas kana..." Sabi niya habang pinapatahan ako. Pero wait, sinabi niyang KAMI? kumalas na ako sa pagkayakap sa kaniya.

"W-What do you mean na KAMI kuya? It means may kasama ka?" Tumango naman siya at tinuro ang lalaking gusto ko ding makita.

And for the 3rd time, everytime na makikita ko siya my heart was beating so fast ... Ano bato? May sakit ba ako? Kaylangan ko na yata mag pa doktor.

"Nakita kita kanina na parang nagmamadaling lumalakad. Akala ko hahanap ka lang ng taxi. Lalapitan na sana kita nang saktong dumating naman ang Kuya mo tsaka tinanong niya ako kung nakita ba kita. Kaya ayun, tinuro ko at pinuntahan ka namin. Buti nalang at naabutan pa namin itong lalaki dahil kung hindi? Baka sa hospital kana ngayon" Paliwanag ni Frank.

"K-kuya... I was calling you kanina... Pero bakit h-hindi mo sinagot? Takot na t-takot ako kanina habang sinusundan niya ako... At h-hanggang ngayon takot p-parin ako dahil paano k-kung maulit yun, Kuya? Paano kung maulit yun t-tapos.... t-tapos...." sabi ko habang humihikbi. Paano nalang talaga kapag hindi sila nakaabot kanina? Paano kung nasaksak ako ng lalaking yun?

"Sorry bunso, sorry... I was busy... Sorry.." paulit-ulit niyang paghingi ng tawad.

"You better keep an eyes on her, Bro. Mag-iingat karin Thena. Kasi kung hindi? Baka maulit lang ang nangyari kanina." Sabi naman ulit ni Frank. Tama nga siya, dapat na akong mag-ingat ngayon. Dahil hindi ko alam kung ano pa ang mangyayari. Pero sana wag namang maulit.

"Kino's right. Dapat kitang bantayan. Lalo na't ito ang nangyari ngayon. Ayoko nang maulit pa ito dahil kung mauulit pa'to... Hindi ko na talaga mapapatawad ang sarili ko dahil sa kapabayaan ko." —Kuya

"Tara na. Mukhang naghihintay si Mama sa atin dun." Sabi ni Kuya. Tumango naman ako at sumunod naman si Frank.

***

"Okay kalang ba, Anak?! May masakit ba sayo? Sabihin mo sa'kin kung saan? Gagong yun! Wala siyang karapatan para ganunin ang Anak ko." Nandito na kami ngayon sa bahay. Kinuwento ni Kuya ang lahat sa kaniya. Well, hindi naman talaga kami nagtatago ng sekreto kay Mama.

"Okay lang po ako, ma. Hindi niya naman po ako sinaktan." Sabi ko.

"Sigurado kaba?" Pagsisiguro ni Mama.

"Opo."

"O' sige, kukuha lang ako ng makakain niyo." Sabi ni Mama at pumunta na ng kusina. Pagbalik ni Mama ay may dala na  siya para sa aming hapunan at linapag niya ito sa mesa.

"Frank, dito kana maghapunan sa amin." Sabi ng aking ina kay Frank.

"Thanks nalang po tita, pero busog pa po ako tsaka uuwi narin ako baka hinahanap na ako nina Dad." Sagot naman niya.

"Ah ganon ba? O' sige, mag-ingat ka sa byahe."

"Ok po. Arkin, Thena alis na ako." Paalam niya.

"Mag-ingat ka, bro." Sabi ni Kuya. Kaya dinugtungan ko na rin.

"T-Thank you pala kanina, F-Frank. Mag-ingat ka." Utal na utal ko saad.

"I will. I have to go na mukhang hinahanap na talaga ako nina Mom." Tumango nalang si Mama. At agad namang umalis si Frank.

***

Nang matapos kaming kumain ay niligpit ko ang mga kinainan namin at huhugasan na sana kaso hindi ako pinayagan ni Mama. Gusto niya daw ako magpahinga. Kaya ayun, wala akong choice kundi sumunod sa sinabi niya.

Nandito na ako ngayon sa aking kwarto. Nakaupo sa aking kama habang iniisip ang nangyari kanina.

Paano pala kaya kapag hindi ako nakita ni Frank? Paano nalang kapag hindi sila dumating? Paano nalang kaya ako?

Hays. Tama na nga to. Ang importante, ligtas ako. Niligtas ako nina Kuya sa kapahamakan.

Inaantok na ako, pero syempre bago ako matulog gusto ko munang magpasalamat sa diyos, "dear god, thank you for this day na kahit na muntik na akong masaksak kanina... But still, magpapasalamat parin ako sa iyo dahil binigyan mo ako ng mga taong laging nandyan na nagmamahal sakin at para iligtas ako. Wag niyo po silang papabayaan Lord at sana ilayo niyo po sila sa kapahamakan... Amen." Pagkatapos kong mag-pray ay nahiga na ako at matulog.



to be continued...

The Gap Between Us (On-Going)Where stories live. Discover now