Chapter 2

9 1 0
                                    

ALAS otso na ng gabi, matapos na kaming kumain. Nandito ngayon ako sa aking kwarto. Habang umiinom ako ng gatas bigla akong napaisip...

17 na ako ngayon. 1st Year Senior High na ako, kunting tiis nalang maaabot ko na ang mga pangarap ko.. na wala SIYA.

Dalawang taon na ang nakakalipas, lagi ako noong nagmumukmok sa kwarto habang umiiyak... Kinukwestiyon ang aking sarili kung bakit niya kami nagawang iwan... Hanggang ngayon, hindi ko parin magawang hindi magalit sakanya dahil sa ginawa niya...

Hindi ko namalayan na may tumulo na isang butil ng luha sa aking mga mata. Pinunasan ko na ito at inubos na ang aking iniinom.

Pagkaubos naman nito, lumabas na ako ng aking kwarto at bumaba para ilagay ito sa hugasan. Nang babalik na sana ako sa kwarto ko, nakita ako ang kwarto ni Mama na bukas ito ng maliit.

Sa sobra kong curious ay lumapit ako sa pinto ng kwarto niya at sinilip siya. Nakita ko siyang umiiyak habang.... hawak-hawak niya ang family picture namin noon...

Hindi ko na namalayan umiyak nadin pala ako. Hindi ko kaya na makita si Mama na nagkakaganito. Hindi ko na napigilan at dahan-dahan binuksan ang pinto ng kwarto ni Mama at pumasok. Hindi niya narinig at nakatakilid siya, sakto lang at hindi niya ako makita.

Agad-agad ko siyang niyakap ng mahigpit patalikod. Umiyak lang siya ng umiyak.

"S-sorry anak ha? H-hindi ko kayo nabigyan ng Kuya mo ng m-masaya at kompletong p-pamilya katulad ng i-iba...." Humihikbing saad ni Mama.

"Ma, o-okay lang po yun. Ang m-mahalaga ay magkakasama tayong t-tatlo, diba? Pamilya padin naman tayo! Basta 'ma ayoko ng makita kang umiiyak. Sige ka, papangit ka niyan pag lagi kang umiiyak. Hahaha." Pagbibiro ko.

"Ikaw talaga." Ngayon, ngumiti naman siya kahit may luha pa ang kaniyang mga mata. "Basta pagbubutihin mo ang pag-aaral mo, Anak. Kayo ng Kuya Arkin mo."

"Basta 'ma kapag makakapagtapos ako ng pag-aaral at may trabaho na'po ako, lagi kitang ipapasyal kahit saan mo gusto. Konting kembot nalang ma, magiging Architect na ang anak mo."

"Ang swerte ko talaga dahil may dalawa akong anak na pinakamabait! Isang Engineer at isang magiging Architect. Nako' anak, baka sa susunod nyan, kayo ng Kuya mo ay makakapagtrabaho ng sabay sa iisang project. Hahaha." Sabi ni Mama. Nakakatawa narin siya at yun ang gusto kong makita.

"Kami ang ma swerte dahil may ina kami na maalaga, maalalahanin, supportive at higit sa lahat mapagmahal." Kiniss ko agad siya sa pisnge. Napangiti naman siya.

"O' sige na po 'ma, mukhang okay kana. Matulog kana po, matutulog narin po ako."

"Oh siya sige anak. Good night, i love you."

"I love you, too 'ma." Binigyan ko siya ng kiss sa pisnge.

Lumabas na ako ng kwarto ni Mama at sinara ito. Tsaka ako pumunta sa aking kwarto at humiga na.

Hays, kung tatanungin niyo kung nasaan si Kuya. Well, nandon lang naman siya sa kaniyang kwarto. Mukhang tinatapos pa niya ang kaniyang trabaho. Hays, ganiyan talaga kapag Engineer ka! Hahaha.

to be continued...

The Gap Between Us (On-Going)Where stories live. Discover now