Prologue

135 75 0
                                    

"Hoy?! Babaeta?! Gising na! Male-late na tayo sa school!" Bulyaw sa'kin ng nag-iisa 'kong pinsan.

Hayst, ito talagang babaeng ito,oo napaka-aga pa pero yung bibig n'ya sumasabog na naman.

"Wait lang, five minutes!". Saad ko pabalik.

Napabalikwas naman ako nang buhusan n'ya ako ng malamig na tubig, "Bwesit na tikbalang! Bakit mo'ko binuhusan ng tubig?!" Sigaw na tanong ko sa kanya at matalim na tiningnan ngunit inirapan lang ako nito.

" Maligo ka na nga d'yan! Dali ayaw 'kong malate!" Naiinis niyang ani kaya naman ay nairap na lang ako.

"Tsk! Ang aga-aga pa eh!" Pag mamaktol ko.

"May maaga bang alas s'yete na?" Sigaw n'ya sa akin na may halong inis sa boses nito.

"Oo na! Ito na oh bumabangon na!" Saad ko na may halong inis.

Kasi naman ang aga aga pa tapos manggigising na nga lang bubuhusan ka pa ng tubig. Kaya naman ay tumayo na ako at dumiritso sa banyo para maligo.

Minutes Pass...

Tapos na akong maligo kaya nagbihis na ako ng school uniform ko.

"Oh, Hali kana, kumain na tayo!"

Umupo naman ako, "Inang? Kumain ka na po!"Saad ko sa aking inang ngunit umiling-iling lamang ito.

Alam 'kong hindi na naman s'ya kakain, mas gusto pa n'ya kasi na mas busog kami ni Nariya kaysa sa kanya.

Napabuntong hininga na lamang ako. "Inang! Kaya ka nagkakasakit eh!" Nag aalala 'kong tugon.

"Anak, busog pa naman ako at hindi rin ako gutom." Pagmamaktol n'ya.

"Pero inang-" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.

"Walang pero-pero Jasmine! 'Wag n'yo na akong aalahanin, ang aalahanin ninyo ay iyang sarili ninyo."saad nito.

"Pero inang hindi po magandang magpalipas po kayo ng gutom!" Sabat naman ni Nariya.

"Lalo na sa kalagayan mo. May sakit pa po kayo, makakasama po sa inyo kung mag-papalipas pa po kayo ng gutom." Mahabang pangaral niya kay inang.

"Tama po si Nariya, Inang. Hindi maganda sa kalusugan mo ang pagpapalipas ng gutom." Dugtong ko pa. Napabuntong hininga na lamang ito at tumayo mula sa pagkaka-upo nito.

" Opo, kakain na at talagang pinag-tutulungan n'yo pa talaga ako huh?" saad ni inang at napatawa naman kami ni Nariya.

Matapos naming kumain ay umalis na rin kami ni Nariya. Naglakad na lang din kami ni Nariya patungo sa school na namin upang makatipid kami. Nag-iipon din kasi kami ni Nariya para sa gamot na bibilhin namin para kay inang para sa susunod na buwan.

Nakarating na kami dito sa school pero yun nga lang late na naman kami pero okay lang kasi sanay na kami sa ganito at s'yaka alam na rin naman ng lahat
yung kalagayan namin.

"Good morning ma'am!" Sabay na bati namin ni Nariya habang humihingal pa. Tumakbo nalang kami dahil late na kami ng 10 minutes sa first subject namin kaya tumakbo nalang kami para mas mabilis kaming makarating lalo't na't nasa 4th floor pa ang classroom namin.

"Sorry po na late na naman po kami!" Paghingi namin ng pasensya. Tumango naman yung teacher namin at sininyasan na pumasok at umupo na sa upuan namin.

Agad rin naman kaming pumasok at umupo sa upu-an namin, magkatabi lang rin kami ni Nariya. Nagsimula na ulit ang guro namin na magturo at nakinig na lang din kami.

Natapos na ang klase namin sa 1st and 2nd period namin kaya lumabas muna kami, hindi kami pumunta sa cafeteria dahil wala naman kaming sapat na pera para bumili ng snacks at isa pa nag-iipon nga kami.

Nandito kami sa basketball court at nire-review namin ang mga past lesson namin para makasagot kami agad kung kami ang tatanungin at isa pa malapit na rin ang exam kaya kailangan talaga nami'ng maghanda.

Tumunog na ang bell hudyat na kailangan na naming bumalik sa classroom namin dahil magka-klase na naman ulit kami. Pabalik na sana kami ng may isang grupo ng mga bully ang humarang sa amin.

Dahil ayaw namin ng gulo ni Nariya, umiiwas na lang kami pero bigla naman kaming pinalibutan ng mga ito, bwesit! Bakbakan na naman ito!

" Anong kailangan ninyo sa amin?" takhang tanong ni Nariya. "Hmm, kailangan namin ng sagot sa parating na exam sa susunod na araw." agad na saad ni Faith isa sa mga bully.

"At sino ka para sabihin sa'min 'yan?" Mataray na sagot ni Nariya. Hanep taray ng pinsan ko!

"Bakit?! Wala ba kayong balak magbigay ng mga answers sa amin sa exams?!" Sabat naman ni Danica, isa sa mga kaibigang clown ni Faith.

Kaya sila tinatawag na clowns ng dahil sa kapal ba naman ng make ups nila. " What if tama yang sinasabi mo?" May halong pang-iinis sa boses ni Nariya habang sinasabi ang mga katagang ito.

"Ika-" hindi na natuloy ang sasabihin niya nung sumabat ako. Bumuntong hininga naman ako bago nagsalita.

"Hmm, You know what? Dapat mag-aral na lang kayo ng mabuti kaysa naman mangupya kayo! Hindi ba kayo nahihiya? Mayayaman at magaganda't g-gwapo ninyo pero ang bo-bobo n'yo pala!" Pang-aasar ko sa kanila.

Kita ko naman ang matalim nilang mukha na 'di maipent. Ahahaha! Bagay naman sa kanila yung mga sinabi ko at isa pa totoo naman.

"Hayst, nagsasayang lang tayo ng oras dito Faith! Mukhang wala naman tayong mapapala sa dalawang 'to!" inis namang asik at reklamo ng isang lalaki.

Buti pa yung lalaki may utak! Eh, itong leader nilang clown parang walang utak eh! Hindi ba naman nakahalata na hindi namin sila bibigyan ng answers! Walang sense of humor ang mga puta!

Hayst, sayang lang ang ganda kung boba at bobo naman! Yan kasi hirap din ng mayayaman eh! Puro lang pag papaganda inaatupag!

Kaya kapag ako yumaman, hmmp! Tutulungan ko rin ang mga mahihirap! Gagawin ko ang lahat para rin mapagaling na sakit ni inang!

Nariya's point of view

Matapos nung magkasagutan kami sa mga clown or should I say mga bully ay agad naman kaming pumunta sa classroom naman.

Nakakainis lang dahil sa kanila late na kami, pag pasok namin nag labasan naman kasi lunch na. Nakakabwesit! Kaya isa lang ang ibig sabihin, absent kami sa isang subject. Patay kami nito!

Hayst! Baka sabihin pa nila na inaabuso namin ang kabaitan ng mga teachers at dean at kung sino man ang nangangalaga sa school na ito dahil hinahayaan lang nila kami na gawin ang mga kailangan naming gawin.

Dahil nga gutom na kami ni Jasmine wala kaming choice kundi lumabas ng campus para bumili ng tinapay.

Yun lang din naman yung afford namin. May pera kami pero gaya nga ng sinasabi namin iniipon namin ito para pang pagamot kay inang.

Owned By The Gangster's LeaderWhere stories live. Discover now