Ika-limang Kabanata

53 65 0
                                    

Akin ka lang Jasmine!


KINABUKASAN

"Hoy?! Babaeta?! Gising na! Male-late na tayo sa school!" Bulyaw sa'kin ng nag-iisa 'kong pinsan.

Hayst, ito talagang babaeng ito,oo napaka-aga pa pero yung bibig n'ya sumasabog na naman.

"Wait lang, five minutes!". Saad ko pabalik.

Napabalikwas naman ako nang buhusan n'ya ako ng malamig na tubig, "Bwesit na tikbalang! Bakit mo'ko binuhusan ng tubig?!" Sigaw na tanong ko sa kanya at matalim na tiningnan ngunit inirapan lang ako nito.

" Maligo ka na nga d'yan! Dali ayaw 'kong malate!" Naiinis niyang ani kaya naman ay nairap na lang ako.

"Tsk! Ang aga-aga pa eh!" Pag mamaktol ko.

"May maaga bang alas s'yete na?" Sigaw n'ya sa akin na may halong inis sa boses nito.

"Oo na! Ito na oh bumabangon na!" Saad ko na may halong inis.

Kasi naman ang aga aga pa tapos manggigising na nga lang bubuhusan ka pa ng tubig. Kaya naman ay tumayo na ako at dumiritso sa banyo para maligo.

Minutes Pass...

Tapos na akong maligo kaya nagbihis na ako ng school uniform ko.

"Oh, Hali kana, kumain na tayo!"

Umupo naman ako, "Inang? Kumain ka na po!"Saad ko sa aking inang ngunit umiling-iling lamang ito.

Alam 'kong hindi na naman s'ya kakain, mas gusto pa n'ya kasi na mas busog kami ni Nariya kaysa sa kanya.

Napabuntong hininga na lamang ako. "Inang! Kaya ka nagkakasakit eh!" Nag aalala 'kong tugon.

"Anak, busog pa naman ako at hindi rin ako gutom." Pagmamaktol n'ya.

"Pero inang-" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.

"Walang pero-pero Jasmine! 'Wag n'yo na akong aalahanin, ang aalahanin ninyo ay iyang sarili ninyo."saad nito.

"Pero inang hindi po magandang magpalipas po kayo ng gutom!" Sabat naman ni Nariya.

"Lalo na sa kalagayan mo. May sakit pa po kayo, makakasama po sa inyo kung mag-papalipas pa po kayo ng gutom." Mahabang pangaral niya kay inang.

"Tama po si Nariya, Inang. Hindi maganda sa kalusugan mo ang pagpapalipas ng gutom." Dugtong ko pa. Napabuntong hininga na lamang ito at tumayo mula sa pagkaka-upo nito.

" Opo, kakain na at talagang pinag-tutulungan n'yo pa talaga ako huh?" saad ni inang at napatawa naman kami ni Nariya.

Matapos naming kumain ay umalis na rin kami ni Nariya. Naglakad na lang din kami ni Nariya patungo sa school na namin upang makatipid kami. Nag-iipon din kasi kami ni Nariya para sa gamot na bibilhin namin para kay inang para sa susunod na buwan.

Owned By The Gangster's LeaderWhere stories live. Discover now