Ika-apat na kabanata

59 66 0
                                    

Tulong Aldous!

Labis ang pagpapasalamat ni Jasmine at Nariya dahil natulungan sila ng isang taong hindi nila lubos akalain na maasahan pala nila. Hindi inakala ni Jasmine na tutulungan siya ng mga bagong salta sa kanilang eskwelahan kahit kakakilala pa lamang nito.

Flashback...

"Jasmine!" Tawag ng pinsan nitong si Nariya. Napakunoy naman ang noo nito ng makita niya ang kanyang pinsan. "Nariya? Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong niya dito. "Sinundan ka." Ikling sagot nito. "Aba't napaka tigas rin ng ulo mo, ano? Diba sabi ko sayo, magstay ka lang sa bahay at magpahinga? Ano't narito ka?" Mahabang sermon niya dito. Napa-irap naman si Nariya ng dahil sa inasal ng kanyang pinsan.

Wala naman siyang ibang nais kundi mailigtas ang matandang babae na nagpalaki, at tumayong bilang ina sa kanya. Wala siyang ibang hangad kundi kagaya rin sa kung anong nais ni Jasmine para sa sariling ina nito. "Nandito ako para iligtas si inang Jasmine. Hayaan mo naman akong tulungan ka." Taimtim niyang ani.

"Pero-" di na niya natapos pa ang sasabihin ng singitan siya ni Nariya. " Wala ng pero-pero pa Jasmine. Sa aminin mo man o hindi-hindi mo kakayaning mag-isang makikipaglaban sa sandamakmak na tao!" Inis namang aniya ni Nariya sa kanyang pinsan. Nagsisimula na ring uminit ang ulo ng pinsan niyang si Jasmine dahil hindi nasusunod at sinasang-ayunan ng kanyang pinsan ang nais nito.

"Mas mahihirapan lang ako pag nandito ka! Naiisip mo ba yung kalagayan mo ngayon? Napuruhan ka kanina tapos makikisali ka ngayon? May utak ka pa ba Nariya?!" Inis na singhal nito ngunit mahina lamang. Ayaw kasi nila mahuli ng mga minamanmanan nila kaya pigil na pigil ang dalawa na magsigawan.

"Ano ba Jasmine! Hayaan mo na ako!" Inis na aniya nito. "Naalog ba yung ulo mo kaya nawalan ka na ng utak?" Pilisopa at sarkastikang tanong sa pinsan na mas lalong kinainisan ni Nariya. "Oo, seguro?" Pabalik namang pilosopang sagot nito.

"Huwag ka na kasing magreklamo! Ayos lang ako! Ikaw ba nagdadala ng sarili ko? Diba hindi? Kaya pag sinabi kong okay ako, okay lang ako!" Pagpupumilit pa rin nito. Wala ng nagawa si Jasmine kung hindi hayaan na lamang ang kanyang pinsan na samahan siya sa pagliligtas sa kanyang pinakamamahal na inang.

Napatigil naman ang dalawa ng may maramdaman itong presensya sa likod nila. "Hmm, I didn't know that you'll come here. I thought I needed to kidnap you two or send you a threat." Nakangising aniya naman ng lalaki na may hawak ng baril.

Napalunok naman ng sariling laway si Nariya. Hindi dahil sa takot dahil sa kalagayan nila, lalong lalo na ang kanyang itinururing na ina. "Ano ba ang kailangan mong gago ka? Bakit may pakidnap-kidnapped ka pang nalalaman?" Pagalit na tanong ni Jasmine sa binatang kaharap nila na isa rin sa nang kidnapped sa pinakamamahal na inang ni Jasmine.

"Ano ba Jasmine! Yang bunganga mo talaga! Baka si inang pag-initan niyan!" Mahinang singhal naman nito sa pinsan. "Subukan lang nila, matitikman nila ang init sa empyerno." Pagalit na boses nito ngunit walang makitang emosyon.

"Tayo!". Napa-talon naman sa gulat si Nariya sa sigaw ng lalaki. Labis ang inis na kanyang nadarama dahil sa unang pagkakataon ngayon lamang siya nagulat ng ganoon-na mapapatalon pa siya. Ayaw na ayaw niya kasi ng ganun dahil nagsisimbolo lamang ito ng takot, takot na siyang ikattutuwa naman ng kanilang kalaban.

"Leon... San na ba kayo?" Mahinang bulong ni Nariya. Na ngayon ay umaasa na dumating na ang tulong na inaasam at inaasahan niya. Sa pagkakataon na'to ay alam niyang kakailanganin nila ng tulong kahit sanay na sila na walang tumutulong kapag nakikipaglaban sila.

Owned By The Gangster's LeaderWhere stories live. Discover now