Ika-tatlong Kabanata

65 66 1
                                    

Kidnapped

Nariya's Point Of View

Hindi ko lubos akalain na magiging ganun ulit siya. Sanay naman na akong ganun siya eh pero yung mata niya kanina ay kagaya nung nakita ko noong may napatay kami. Lumalabas yung halimaw na tinatago niya sa sarili niya.

At ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko kapag naulit pa ito. Buti na nga lang kanina at nahigit siya ni Knight dahil kung hindi tiyak patay na ang mga babaeng yun. Natatakot ako para kay Jasmine. Natatakot ako kapag bumalik siya sa ganoon.

She can kill you brutally kapag lumabas yung demonyo sa kanya. Hindi siya naaawang pumaslang at manakit, mapabata man o matanda.

Matapos ang nangyari kanina ay parang nababalik na siya sa normal pero hindi ako pwedeng makampanti dahil pagnabalik iyon may possiblity na pati ako at si inang ay madamay. Oo, pwede din kaming madamay dahil kapag galit siya wala siyang sinasanto. Hindi noya nakikilala yung mga tao sa paligid niya. All she knows that it was her enemy.

"Nar?" Biglang tawag sa akin kaya napalingon naman ako sa gawi sa kung sino ang nagsasalita. "Oh, Jas. May kailangan ka ba?" Tanong ko dito. Nabigla naman ako nang bigla niya akong yakapin. Niyakap ko naman ito pabalik.

"I'm sorry, hindi na kasi napigilan ang sarili ko." Paghihingi niya ng despinsa. Alam na niya seguro na nag-aalala ako sa kanya. "Naiintindihan ko, wag kang mag-alala."

Kumuwala naman ito sa yakapan namin at tinitigan ako sa mata. "Hindi ka ba takot sa akin?" Tanong nito dahilan para magulat ako. Ayukong malaman niyang natatakot na ako sa kanya dahil tiyak na masasaktan lamang siya. Hindi niya dapat malaman na natatakot ako sa kanya dahil alam kong ako lang ang nakaka-alam at nakakakilala sa kanya, at ako lang din ang karamay niya.

"Silent means yes." Mapaklang aniya. Kita ko naman sa mata niya na dumaan ang sakit pero agad namang nawala yun at umaktong parang wala lang. Hindi ko rin kasi namalayan na masyado na pala napapalalim ang isip ko. "Jas, hindi naman sa ganun. May iniisip lang kasi ako." Pagpapaliwanag ko rito pero hindi naman ito nakinig sa akin at umalis.

'I think, I hurt her.' I mumbled. Alam kong nasasaktan talaga siya dahil ako na mismong pinsan niya at nakakaalam ng lahat ng meron at sekreto niya ay kinakatakutan na siya. Sa likod ng napakaganda at maamong mukha ni Jasmine ay may tinatago naman itong kadiliman na kahit na sino may hindi aakalaing siya.

Natatakot man ako sa kanya, ngunit wala rin naman akong magawa. Mahal ko ang pinsan ko, inaamin ko na may mga pagkakataon na gusto siyang ikulong sa mental dahil alam kong hindi na ito normal. Hindi na ito normal para pag-iisip niya.

Ngunit iniisip ko na lamang si inang. Kami na lang ng anak niya ang meron siya... May sakit rin si inang kaya, para makaiwas sa sakit at pandaramdam ay mas pinili kong itikum at kalabanin ang sarili ko para sa kasiyahan ni inang.

Batid kong mas magiging malungkot pa siya at magkakasakit kung iisipin niya pa ang kanyang anak na nababaliw. Ayaw ko iyong mangyari. Ayaw kong dagdagan ang sakit na meron s'ya, ayaw na ayaw ko s'yang masaktan at nasasaktan.

Mas gugustuhin ko pang hayaan na lamang ang aking pinsan kaysa makitang naghihirap at nagdurusa ang taong nagkupkop at nagpalaki sa akin simula nung ako'y naulila sa mga magulang.

Knight Aldous Maxwell's Point of view

"Until now, I can't really believe that she can really do that such a thing!" Manghang aniya ni Leon. "Yeah, me too. Akalain mo yun, lima laban sa isa?! Pero lahat tumba!" Manghanggatong din Xavor.

Owned By The Gangster's LeaderWhere stories live. Discover now