Donut!

889 22 16
                                    

Ilang araw na kong hindi umuuwi. Ayokong umuwi!

Ayokong makita ng mama ko na nagkakaganito ako.

Siguro uuwi nalang ako kapag okay na ko at hindi na ko nagkakaganito.

Sigurado akong maaapektuhan si mama sa makikita nyang iaasal ko sa bahay.


"Hi maderrr! Sorry kung hindi muna ako uuwi, alam mo naman pinagdadaanan ko ngayon huhu. Hope you understand, uuwi nalang ako kapag okay na ko ha? Iloveyousomuch mama. Thankyouuu mader!"


"Oo anak, naiintindihan kita. Nang galing na ko jan e,mahirap talaga ang part na yan. *letting go* Alam ko nararamdaman mo, hindi yan madali. Go anak, kaya mo yan. Gawin mo kung anong gusto mo at makakapag paluwag sa nararamdaman mo. Basta wag mo lang kakalimutang mag-ingat at lagi lang nandito si mama ha? Kung kailangan mo ko, kahit ano pang ginagawa ko ipagpapaliban ko. Para mapakinggan ka lang, mahal na mahal ka ni mama okay? Iloveyouu nak"


Isa na siguro sa pinakamagandang biyaya ni Lord sakin, ang bigyan ng isang nanay na maintindihin, hindi mahigpit, mapagmahal at susuportahan ako sa lahat.



Habang nasa kalagitnaan ng pagtambay.

Nagulat ako sa chat na hindi ko inaasahan?

"Bes, nasan ka?"

"Kila Ate Joselle lang bakit?"

"Ah. Wala, bisitahin sana kita mamaya? Okay lang ba?"


"Walang problema sige. Okay yan, pag usapan nating mabuti, kailangan na talaga nating maging malaya sa isa't-isa. Sige, aantayin kita."



Pag dating nya, napangiti ako bigla. HAHAHA!

May dala kasi syang Donut. Ngayon lang sya nagdala ng pagkain para sakin. Hindi kasi ako mahiligmagpabili sa kanya ng pagkain, gamit or kahit ano. Kumakain lang kami lagi pag magkasama lang kami. Nacute-tan lang ako dahilkamukha nya yung Donut na dala nya hahaha!


Sabay biglang ngiti, "HI BES"

Sa loob-loob ko? (tangina neto makapag "HI" saken akala mo walang nangyare. Haler! Ako pala yung sinaktan mo)

Pero sa pagkakataong yun, halos hindi ko maramdaman yung feeling na nasasaktan ako dahil iniwan nya ko.

Isa lang ang nararamdaman ko non.

Masaya ako! Kasi nakita ko sya, kasi nag uusap kame.

Kasi nag effort syang puntahan ako.

May kasama pang Donut. Ang cute lang!


Halos tinitignan ko lang yung mukha nya na parang inlove na inlove pa din ako sa kanya. (Sa totoo lang, inlove pa rin naman talaga)

Wala akong galit na nararamdaman ng mga oras na yon.

Pero bakit ganon? Parang nung isang araw lang halosisumpa ko sya sa bigat ng nararamdaman ko!

Hindi ko din maintindihan yung nararamdaman ko e.

Siguro sobrang gulo talaga.

Maaaring oo, naguguluhan ako.

Pero mas lamang pa din yung saya na naramdaman ko nung makita ko ulit yung mga ngiti nya sakin.

Napakagwapo nya sa paningin ko.


Pero nung uuwi na sya.

Nagchachat kame na parang wala lang.


Ang daya no? Sabe ko mag momoveon na ko!

Pero isang paramdam lang nya. Tanga nanaman ako.

Umasa ulit ako. Umaasang maibabalik namin yung dati.

Kaya ko kasi syang patawarin.

Kaya ko syang pagkatiwalaan kame.

Isusugal ko lahat masaktan man ako ulit.

Ang gusto ko lang sa buhay ko maging masaya.

Ipaglalaban ko ano mang makakapag pasaya sakin.

Ayoko kasi may pagsisihan ako.

Ayokong mamatay na may pinagsisisihan.

Mamatay man ako ngayon o kelan man.

At least walang dapat pagsisihan kase pinaglaban ko.


So ayun.. Umaasa nanaman ako ulit.

Donut pa! HAHAHAHAHA.





Update ako later! Kaantok e, lakas kase ng ulan. Ingat po tayong lahat! <3

-Kesh



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever (The KC Connection Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon