RYLP 1

3.8K 52 1
                                    

Chapter 1

Agad akong napabangon tahip-tahip ang aking hininga. I touched my chest and felt my heart throbbed harder as my shoulders were moving up and down. My lips parted because of loss of breath.

Naiyukom ko ang kamao sa kumot, mariin akong pumukit at ipinasada ang kamay sa buhok. Sinubukan kong habulin ang aking hininga at kumalma.

Another nightmare.

Hindi ko na mabilang kung ilang bangungot na ba ang dinanas ko ngayong taon. Iba pa ang sa mga nakalipas na taon, nag-igting ang aking panga.

Simula umuwi ako ng Pilipinas para magtrabaho, tuloy-tuloy na ito. Hindi ko tuloy alam kung ganito rin ba ako noong bata ako? O, pagkatapos lang ng aksidente ko.

Kinuha ko ang cellphone sa side table para tignan kung anong oras na. 5:00 am, masyado pang maaga.

Pero kahit madilim pa sa labas, tumayo na ako at umalis na ng kama. Nawala na ang antok ko, isinuot ko ang roba at ipinatong sa ibabaw ng aking night gown.

Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin, hindi naman nakabukas ang mga pinto ko. At enclosed naman ang condo, sadyang masyado pang maaga at mukhang malamig lang rin ang panahon.

Pumunta ako ng counter para uminom ng tubig, inubos ko iyon hanggang huling patak. Ganito ako lagi, kapag nagigising ako sa hindi magandang panaginip, uhaw na uhaw ako.

Pagkatapos kong uminom ay bumalik na ako ng kwarto para magpalit ng damit. Maaga pa, pero pupunta na ako ng gym dahil kailangan kong klaruhin ang isip ko.

I changed into my sports bra and cycling shorts, I covered myself with a black wind breaker and tied my hair into a ponytail.

Dapat 6:30 am ang workout ko. Pero ngayong araw, madilim pa at malamig. I grabbed my insulated tumbler and went outside. Nasa 39th floor ang gym, kaya doon ako pupunta. My unit is in 38th, kaya malapit lang.

Pagdating ko doon, ay halos walang tao. May dalawa lang siguro na nagbubuhat ng weights, but that's it. Nababalot tuloy ng katahimikan ang gym.

I did some stretching before I went to the threadmill and start my workout, cardio ako today. I pressed some buttons and started running, sa harap ko ay ang mga ulap na unti-unting sumisilay ang araw.

I worked out for almost an hour, I usually do my routines in just thirty minutes. But today was an exception. I want to clear my mind and also make myself busy, before I even go to work.

Pinunasan ko ang tagaktak na pawis sa aking mukha, I finished my last lift. Uminom ako sa aking tumbler at nang makabawi na ay niligpit ko na ang gamit ko para bumalik na sa unit.

I just cooked my breakfast and ate, then I took a shower to freshen up. My duty is 8:00 am, when I checked the time it's only seven in the morning.

I wore my usual polo sleeves, slacks, and stiletto. When I am already satisfied with my look, kinuha ko na ang sling bag at naglakad na muli para lumabas ng unit.

Pinaharurot ko ang bmw hanggang makaabot ako ng ospital. They said that I got into a car accident. But I think, I didn't developed any trauma from it. I can drive well.

Nang makarating ako ng ospital ay nagpalit na ako agad sa puting uniform, I tied my hair in a ponytail to look clean.

Ngumuso ako, at tinitigan ang sarili sa salamin. Pumapayat ba ako? O, lalong tumatangkad? I am already tall enough, at imposible lalaki pa ako sa edad ko. Maybe I am just losing weight because of stress here in the hospital.

Lumabas ng ako ng changing room para pumunta sa lab.

"Ma'am Lyra! Good morning, aga niyo ngayon!" bati ni Arin sa akin na naka-duty na  ngayon sa nurse station.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now