Chapter 16
-All paragraphs with two italic words at the start, indicates that the following scenes are in the past"Ikaw bata, ilapag mo ang bit-bit mo diyan sa kawayang upuan. Tapos ay hugasan mo itong mga prutas." nilampasan ako ng matandang lalaki. Karyo raw ang pangalan niya, at tatay na raw ang itawag ko sa kanya.
Sumunod ako at inilapag ang mabigat na supot ng mga damit sa mahabang upuan sa aking gilid. Inilibot ko ang paningin sa paligid ng bahay. Hindi ito kalakihan, katamtaman lang para sa aming tatlo. May dalawang pinto para sa dalawang kwarto, pawid na pader at bintana. Presko dahil napapaligiran ng puno ang bahay sa labas. Ang sahig naman ay may makinis na semento, pero walang kisame.
Puro kahoy rin ang makikitang kagamitan sa bahay, muna sa mga estante, upuan, mesa maliban sa pawid na ding-ding dahil pinturado ito ng kulay berde. Mukhang namang matibay ang bahay at matanda na.
Sunod na pumasok ang matandang babae sa pinto, dala nito ang mga gulay na ilalako raw namin bukas ng umaga. Ang gusto niyang tawag ko sa kanya ay Nanay Tere. Mag-asawa sila, at sila na ang pangalawang pamilya ko ngayong taon.
Bumuntong hininga ko at lumapit na sa mga supot ng prutas na binili namin kanina sa bayan, sinadya naming dumaan bumili pagkababa namin sa bus galing sa walong oras na byahe. Iba pa ang oras sa barko.
Galing kami ng Maynila, kung tutuusin ay doon ako galing at doon nila ako nakilala. Ito ang unang beses na tumapak ako sa Astalier. Ito raw ang probinsya nila at dito talaga sila lumaki at nakatira. Wala silang anak, at noong binalak na nga akong palayasin ng unang kumupkop sa akin ay minabuti ng mag asawa na kunin na lang ako at iuwi rito.
Pumunta na ako sa lababo, at nagsimulang hugasan ang mga mansanas. Hindi ko mapigilan ang mapaluha. Wala akong totoong pamilya, mayroon man hindi ko maalala kung sino sila. Dalawang taon na, nang mawala ako. Sa loob ng dalawang taon na iyon, tumira ako sa nakapulot saakin at tiniis ang masamang trato nila sa akin.
Kaibigan sila nila Tatay Karyo sa palengke roon, kung saan rin ako tumutulong sa pagtitinda. Ngunit nang magsawa sila sa akin, ay naawa ata sa akin ang mag asawa at inuwi na lang ako rito sa probinsya. Pitong taon lang ako, pero bigla naging matured ang pag iisip ko. Sa mabilis na buhay ko roon sa syudad, hindi ako makakasurvive kung paiiralin ko ang pagiging bata.
Ang alam ko lang, noong una ay hindi ako sanay sa ganoong buhay. At ang natatanging klaro sa isipan ko ay sakay-sakay ako lagi ng isang malaki at mamahaling itim na sasakyan. Palagi akong kasama ng isang malaking lalaki, na laging pormal ang suot, Hindi ko alam kung siya ang totoong tatay ko.
Wala akong maalala, siguro ay dahil masyado pa akong bata noon o dahil na rin sa trauma at takot na dinanas ko nang mawala ako. At nabura ang mga ilang ala-ala ko. Ang tanging natatandaan ko lang, ang pangalan ko ay Lyra. Palagi ko iyong naririnig dati at napapanaginipan ko ang lalaking naka pormal na iyon ang tawag sa akin.
Hanggang ngayon, iyong lang ang pagkatao ko. Lyra, pitong taong gulang.
Hinahanap kaya ako ng mga totoo kong magulang? Bakit ako nawala, at bakit ang tagal nila akong mahanap? Ngayon pa, na nasa malayong probinsya na ako, mas lalo akong napanghinaan ng loob na makikita pa nila ako, kung sakaling hinahanap nga ako.
Pinalis ko ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi. Kasabay ng mabigat na kalooban dahil nasa isa akong hindi pamilyar na lugar ay ang katotohanan ng kalagayan ko ngayon ay gumuguhit ng panibagong sugat sa aking puso.
"Ikaw, hija. Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong sa akin ni Nanay Tere, matanda na kaya makakalimutin na.
"Lyra po." sagot ko, at dinala na ang mga hugas na prutas sa mesa.
YOU ARE READING
Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)
General FictionLyra's supposed to be lavish life turned into a painful and traumatic one. As she tries to regain her life from the darkness of her past, the love she found in Cian gave her hope. But would the comfort she lives now, enough to fill the desolated par...