RYLP 13

1.5K 34 4
                                    

Chapter 13

Nalimog ang mata ko sa kanya. Inilibot ko ang paningin sa paligid, may iilan nang nakatingin sa amin. Pumikit ako ng mariin, bago padabog na pumasok sa passenger's seat.

Nang makapasok ako ay sinamaan ko siya ng tingin. Sinabi nang wag niya na akong ihatid! Umiwas na nga ako at sa harap na lang mag-aabang ng taxi, sumunod pa rin!

"Sinabi ko nang wag mo na nga akong ihatid!" irita kong sabi.

Pinantayan niya lang ang tingin ko sa kanya, bago humarap muli sa daan at pinaandar na ang sasakyan.

"Put your seatbelt on." paalala niya sa mariin na pananalita.

Mabilis ko naman itong ikinabit. Binasa ko ang pang ibabang labi, gusto ko pang magsalita pero baka marindi na siya sa akin. Pinapalayo ko na nga kasi. Bakit ba ayaw niyang makinig?

"Is it important?" basag niya sa katahimikan.

Napabaling ako sa kanya, at kumunot ang noo. "Ang alin?" pagtataka ko.

"Their gossips."

Bumuntong hininga ako. "Ayoko lang na mag-isip sila ng hindi totoo." sagot ko at ibinalik ang mata sa labas.

Ang mga ilaw muli sa mga gusali at street lights ay nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. They seem to comfort a part of me, giving me a warm feeling but also anxiousness at the same time.

"We are not doing anything wrong. Hindi ba iyon ang mahalaga?" there's a hint of humor and sarcasm in his tone. Nagtataka ko siyang sinulyapan. Anong nakakatawa? "This is like a child's play..." bulong niya sa sarili, na parang hindi makapaniwala.

Pinanood ko siya habang mapaglarong naka ngiti. The veins in his hands became more evident as he tightened his grip on the steering wheel. His jaw clenched as his aura became more intimidating.

"What are you talking about?" naguguluhan kong tanong.

Kanina lang ay parang natatawa pa ito, ngayon naman ay parang napipikon. Hindi ko siya maintindihan. Ganito ba talaga siya?

"Nothing." he muttered coldly.

Naglabas ako ng malalim na hininga. Napa iling-iling na lang ako at humalukipkip. Paano ko hahayaan na madawit ang pangalan ko sa kanya, kung ni ayaw niyang buksan ang sarili niya sa akin?

Ni hindi ko siya naiintindihan, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya. Minsan ay nandito siya, tapos ay bigla na lang mawawala. Minsan ay gusto niya akong makausap at magsabi ng kung ano-ano, pero kapag tinanong ay ayaw naman sumagot.

Para siyang libro na kailan man hindi ko mabubuksan. O kahit na basahin ko, ay hindi ko pa rin maiintindihan. Kahit ulit-ulitin kong basahin.

"Fine." inis kong sagot at pinabayaan na siya.

Hininto niya na ang sasakyan sa harap ng tower. Mabilis kong tinanggal ang seatbelt at lumabas na ng sasakyan. Bumaling ako sa kanya bago isinara ang pinto.

"Salamat." malamig kong saad, tumango lang ito kaya isinara ko na ang pinto.

Padabog ko iyong ginawa, kaya medyo malakas ang tunog ng pinto. Bahala siya, pakialam ko kung mahal iyan.

Naglakad na ako papasok ng tower at hindi na siya nilingon ulit. Ngunit sa salamin ng building ay nakikita ko ang repleksyon ng sasakyan niya, hindi ito umalis hanggang sa tuluyan akong makapasok sa loob.

Hindi kita maintindihan Cian.

Minsan ay parang naaabot kita. Minsan naman ay parang sobrang layo ng distansya nating dalawa.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now