Chapter 2
"So, mayaman siya?" tanong ni Stacey habang kumukuha ng ulam niya.
Nagkibit-balikat lang aki habang sinusubo ang tonkatsu. Kumuha rin ako ng kanin gamit ang chopstick at sinubo rin iyon.
"Mayaman siguro. Halata naman." sagot ko nang malunok ang kinakain.
"Sabi ko sa inyo e, big time si Mr. Hot Stalker." si Manzi.
Kumunot ang noo ko sa kanya, Mr. Hot Stalker? Saan niya naman napulot ang tawag niya?
"Ba't yan tawag mo?" tanong ko.
"Ano ka ba! Syempre, ang hot nun. Kita mo ba katawan? Parang isang sapak lang sa akin tutumba na ako! Tsaka yung face card? Grabe! Pag talaga nagkaroon ako ng oras mag gym na rin ako!" he exclaimed.
Ngumiwi ako sa kanya, what he said was true but the way he said it was a little bit exaggerated.
"Oo nga! Miss Lyra, narinig mo na ba boses nun? Napadaan iyon sa station noong nakaraan, may tumawag sa cellphone niya, kaya narinig ko ang boses! Ang lalim at ang lamig!" kinikilig na kwento ni Arin, may payakap-yakap pa ito sa sarili.
Ganoon ba? Hindi lang pala ako ang nakapansin ng mga 'yon. Kaya nga noong mga nakaraang buwan hindi ko siya inisipan ng masama. Dahil ang layo sa itsura at galaw niya, sila lang naman ang nagsabi na stalker siya. Kaya 'yon na rin ang pumasok sa isip ko.
Tapos ngayon, gustong-gusto pala nilang nandito?
"Kausapin ko kaya? Pag bumalik! Baka sakaling siya na pala ang para sa akin!" singit naman ni Stacey.
Sinabi ko lang sa kanila ang napag-usapan namin sa balcony. Na balak nga niyang mag invest, potential investor kaya pabalik-balik sa ospital. Na hindi ito stalker o kidnapper, tapos ay mayaman pa.
Nagbago na agad ang isip nila, at ngayon excited pang bumalik ulit iyon.
"Naku! Stacey! Sabi nga ni Miss Lyra 'di ba? Mahirap kausap! Siya nga, halos hindi sagutin. Ikaw pa kaya?" ni Arin.
"Oo nga! Ang una pa naman nating ispekula, si Lyra ang laging pinupuntahan, dahil sa department natin lagi nakatambay. Tapos ay pag uuwi na si Lyra, uuwi na rin siya!" turan ni Stacey.
Natigil ako sa pagkain at napa-inom ng tubig. Totoo nga iyon sinasabihan na nila ako dati pa, na baka sundan pa ako pauwi. Pero wala naman? At hindi naman siya gumawa ng kahit na ano na ikakapahamak ko.
Baka nga hindi ako ang sadya, o hindi talaga ako. Nilinaw naman na niya, na andito siya para magmasid sa ospital.
"Ano ulit pangalan niya, Miss Lyra?" tanong ni Stacey.
"Cian... Cian daw." sagot ko at ibinaba na ang hawak na chopstick. Busog na ako.
"Hmmm, Cian. Siyan. Ang pogi pakinggan!" pag uulit ni Stacey.
"May girlfriend kaya 'yon?" pag iisip ni Arin, pumalumbaba pa ito sa mesa habang nag iisip. Grabe naman ang interes nila sa buhay ni Mr. Tonjuarez? Inungkat na ata nila lahat!
"Sa gwapong tinataglay noon? Imposibleng wala! O kung single man siya, baka may ka-fling!" sagot ni Stacey.
"E, bakit inistalk si Lyra?" bakas ang pagdududa sa tono ni Manzi.
"Oo nga? Pero hindi naman nga daw kasi inistalk!"
"Baka Siyanloloko?" komento pa ni Manzi, nanlaki ang mata ko sa kanya at pinalo siya.
Pang aakusa na iyon! At idadamay niya pa ako ha! At mukha namang hindi, mailap nga sa akin diba? Ibig sabihin hindi niya ako gusto o kaya may girlfriend nga.
YOU ARE READING
Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)
General FictionLyra's supposed to be lavish life turned into a painful and traumatic one. As she tries to regain her life from the darkness of her past, the love she found in Cian gave her hope. But would the comfort she lives now, enough to fill the desolated par...