RYLP 7

1.2K 23 0
                                    

Chapter 7

"G-Ganoon ba?"

'Yon lang ang nasabi ko. Sa dami ng katanungan sa isip ko, at gusto kong sabihin sa kanya wala ibang lumabas sa bibig ko. Kundi ang dalawa salita lamang na iyon.

Pinanuod ko lang siyang magpatuloy sa pagkain niya, na para wala siyang sinabi. Na parang wala lang ang sinabi niya.

Bakit aalis na siya? Hindi na siya babalik? Ayaw niya na? Nagbago na isip niya?

Tinapos ko na lang rin ang pagkain ko, at sa buong ilang minuto kaming kumain ay wala ng ibang nagsalita pa sa amin. Hanggang sa matapos kaming kumain, ihinatid ko pa siya hanggang sa parking. Tumangi siya pero huli naman na iyon kaya pinilit ko na.

Kahit kanina sa elevator, hindi ko alam nakailang lunok ako sa pagbabakasakali na matanong siya. Pero wala talaga lumalabas sa bibig ko, walang salita ang narinig muli galing sa akin. Parang natuod ang dila ko, at naubos lahat ng daldal ko kanina.

Naglabas ako ng hininga sa hangin, habang pinapanuod ang sasakyan nitong palabas ng gusali.

Tumalikod na ako at naglakad pabalik ng elevator. Nang sumara ang pinto, at mag-isa ko nalang, doon ako hinampas ng reyalidad na baka iyon na rin ang huli naming pagkikita ni Cian.

Nanlaki ang mata ko sa napagtantong imposibleng makausap ko pa siya ulit. Ni wala akong contact, o socials niya. Hindi ko na siya mare-reach out, maliban na lang kung babalik ulit siya ng ospital at puntahan ako. Pero imposible na nga iyon, dahil hindi na raw siya babalik.

Bakit kasi hindi pa ako nagtanong kanina?!

Teka!

Bakit ba ganito ang reaksyon ko? Ano naman kung hindi ko na siya makita? Kaibigan ko ba siya o malapit sa akin?

Bakit para akong nanghihinayang? At bakit parang ang bigat ng loob ko?

Baka pagod na ako at dala ng stress sa trabaho?

Pero bakit na taon kung kailan umalis na si Cian?

I shook my head, maybe there's something wrong with me again. Maybe I need to see my doctor again, baka may kailangan ng ibalik na gamot sa akin. Dahil napapadalas ang bangungot ko, bigat ng dibdib, at sakit ng ulo. Baka dala na rin ito lahat ng pagod.

Bumukas na ang elevator, at wala buhay akong naglakad palabas para makabalik sa lab. Sakto 7:00 pm, out ko na. Magbibihis lang ako, kukunin ang gamit at uuwi na rin ako. Pagpasok ko ay naabutan ko pa si Manzi.

"O? Saan ka galing?" taka niyang tanong.

"Sa labas lang... 'Di ka pa uuwi? Uuwi na 'ko." matamlay kong sagot at kinuha na ang mga gamit, pupunta na ako ng changing room.

"Pauwi na rin, may hinabol pang test kaya ginawa ko na." aniya,

"Hala, sorry. Tinawagan mo sana ako." para tuloy akong naguilty, tapos naman na ang trabaho ko kaso ay may nadagdag. Sana ay tinawag niya nalang ako.

Umiling-iling ito. "Ayos lang, ang tagal rin naman ng vacant ko kanina." pagkukumbinsi niya.

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Salamat Manz, sige... alis na ako." paalam ko.

Tumango lamang ito, alam kong hindi siya kumbinsido sa itsura ko ngayon pero hindi nalang siya nagtanong. Baka alam niyang, kung gusto kong malaman niya ay sasabihin ko rin sa kanya. Nasaulo niya na ang ugali ko sa nagdaang taon.

Lumabas na ako at dumiretso sa changing room.


Nakahiga na ako sa kama at handa nang matulog. Ngunit ang isip ko ay hindi pa rin ako pinapahinga. Hindi pa rin ito natatahimik dahil sa nangyari kanina. Bakit bigla na lang?

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now