Chapter VII : Study and Kisses

2.2K 52 5
                                    

Kinabukasan pagkatapos ng concert, masaya at kaba ang naglalaro sa puso ni Chloe habang nag-aabang sa kanilang silid-aralan. Nang dumating si Angelo at binati siya ng magandang umaga, tila ba may pagnanasa sa puso niyang sumabog. Hindi niya maipaliwanag kung bakit iba na ang pakiramdam niya sa presensya ni Angelo.


Sa loob ng klase, hindi maiwasang magkaroon ng munting landian sa pagitan nilang dalawa. Patuloy na binibiro ni Angelo si Chloe at tinatanong kung sila na ba. Ngunit si Chloe ay matigas ang puso, at sinabi sa kanya, "Hindi ba't kailangan mo muna akong ligawan?"


Nagulat si Angelo sa sagot ni Chloe, at muling tinanong, "Pwede ba kitang ligawan?"


Wala pang tugon si Chloe, ngunit sa mukha niya ay nakikitaan ni Angelo ng kakaibang kuryente na nagpapasabik sa kanya.


"Okay, game!" Bulong ni Angelo sa sarili, handa na siyang tuparin ang pangako na ligawan si Chloe.


"Chloe, Sige game na, sabi mo yan ha," pag-aalok ni Angelo.

Umiling si Angelo at sinabing, "Kasal na ba ang diretso  nito?"


Napatawa si Chloe sa sagot niya, "Hala! Hindi pa nga tayo, magpapakasal na agad? Basta, sabi ko nga, ligawan lang muna."

May kurot sa puso ni Chloe, hindi niya alam kung bakit nagkakaganito siya. Natatakot siyang masaktan, pero may bahagi ng kanyang puso na nagsasabi na baka ito na ang tamang tao.


Isang Sabado, pagkatapos ng klase, dumating si Angelo sa bahay ni Chloe. Nakangiti siya habang kumakatok sa pintuan. Ibinukas ito ni Kylie, at masayang sinabi na nandun si Chloe sa kwarto. Lumapit siya kay Chloe, at muling naramdaman ang kakaibang kaba sa pagtayo niya sa harap ng pintuan ng kwarto niya.


"Angelo, bakit ka nandito?" tanong ni Chloe, ngunit alam niyang hindi kailangan ng maraming salita. Gusto lang niyang makita si Angelo.


"Tara, mag-aral tayo sa sala, may ari ko di dala nag pagkaon" ani Angelo habang nakangiti. Tumango naman si Chloe at pumunta na sila sa sala para mag-aral.

(Translation: "Tara, mag-aral tayo sa sala, may dala akong pagkain")


Habang nag-aaral sila, tila ba may ibang kakaibang lakas na bumubuo sa pagitan nilang dalawa. Hindi nila maipaliwanag ang nararamdaman, ngunit masaya silang magkasama.


"Te? ready ka na magkwa exam?" tanong ni Angelo.

(Translation: ""Ano, ready ka na ba sa exam?")


"Medyo nahadlok lang man dyapon, pro kakayanonn naton 'ni ah, salamat gali sa ice coffe kag takoyaki nga dala mo" sagot ni Chloe.

(Translation: "Medyo kinakabahan pa rin ako, pero kakayanin natin 'to, salamat pala sa ice coffe at takoyaki na dala mo")


Tumingin si Angelo sa oras at napansin na mabilis na ang paglipas ng oras. "Hala, ang bilis ng oras. Mamaya na natin ituloy ang pag-aaral."


Nag-agree si Chloe, at sabi niya, "Kumain ka muna bago ka umalis."


Nag-prepare si Angelo ng pagkain at nakita niya ang mga larawan ng pamilya ni Chloe sa pader. Napatingin siya sa isang larawan kung saan magkasama sila ni Chloe, at napangiti sa alaala ng mga panahong masaya sila.

It's Raining In Iloilo | by Anthony BuenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon