Habang sila'y naglalakad sa park, napagpasyahan nilang umupo sa ilalim ng isang malapit na puno upang magpahinga at mag-usap tungkol sa kanilang mga buhay. Ipinagkwento ni Chloe kay Angelo ang kanyang hometown sa Capiz at kung paano niya namiss ang mga kamag-anak at mga kaibigan doon. Ipinahayag niyang magkasamaan ng loob at saya ang naging takbo ng kanyang pag-aaral dito sa Iloilo. Sinuportahan naman ito ni Angelo at ipinaramdam sa kanya na nandito siya para sa kanya kahit pa malayo siya sa kanyang pamilya.
"Budlay gid mag-adjust di, lain ang siudad kag probinsya pro kayanon ah." Sabi ni Chloe na puno ng ngiti
(Translation: "Mahirap mag-adjust dito, iba kasi ang siudad saka probinsya pero kaya ah")
Biglang sagot ni Angelo "Ari man ko para simo Chloe, as always" at sabay hawak sa kanang kamay ni Chloe na para bang gusto na nito bumalik muli sa Capiz
(Translation: "Nandito naman ako para sayo Chloe, as always")
Nag-usap din sila tungkol sa estado ng kanilang relasyon at kung kailan marapat na ipakilala ni Chloe si Angelo sa kanyang mga magulang. Nais ni Angelo na magkaroon ng blessing mula sa mga magulang ni Chloe. Ibinahagi ni Chloe na balak niyang ipakilala si Angelo sa kanilang pamilya, ngunit naisip niyang hintayin muna ang tamang panahon para rito.
Sagot ni Chloe sa sinabi ni Angelo "Kaya mo bang maghintay, alam kong alam na ni mama pero wala kasi si papa eh" habang hawak niya ang dalawang kamay ni Angelo
Sabay ngiti ni Angelo kay Chloe nagpapakita ng kanyang pagkaintidi sa kanilang sitwasyon sabay sabing "Hihintayin ko yan".
Ang usapan ay nagpatuloy, at mas lalong naging malalim ang kanilang pag-uusap. Ipinaalam ni Angelo kay Chloe ang mga bagay na ginawa niya sa panahon ng kanilang bakasyon. Hindi lamang siya nag-praktis sa shooting range, kundi naglaro rin siya ng golf at bumisita sa iba't ibang lugar sa Iloilo. Samantala, ibinahagi naman ni Chloe ang kanyang mga karanasan sa Capiz, lalo na ang mga araw na ipinagdiwang niya sa beach kasama ang kanyang mga kaibigan at pamilya.
Matapos ang ilang minuto, biglang nagugutom na si Chloe at naisipan nilang kumain sa mga food stalls sa paligid. Naglibot sina Angelo at Chloe sa park habang naghahanap ng masarap na pagkain. Sa pag-order nila ng pagkain, biglang may nang-agaw ng bag ni Chloe. Agad na nag-aksyon si Angelo at tinakbuhan ang magnanakaw.
Nang abutan niya ito, hindi siya nag-pigilan na sapakin niya ito sa mukha ng magnanakaw at tumagal ito ng ilang minuto sa kalsada. Pero dumating na ang mga pulis at kanilang inaresto ang magnanakaw na kumuha ng bag ni Chloe.
Bulong ni Angelo "Tanduga liwat akon miga, kay hindi gid na mapuslan chura mo" bago pinosasan ang magnanakaw ng mga pulis
(Translation: "Galawin mo ulit girlfriend, hindi na talaga mapapakinabangan yang muka mo")
Pagabot nila sa presinto kung saan dinala ang magnanakaw hindi matanggal sa isip ni Chloe ang nangyari sa park at tinanong niya ito Angelo paglabas ng presinto kung bakit niya sinapak ang nagnakaw ng bag niya kanina, at sinagot ito ni Angelo na gagawin niya ang lahat para mapanatili siyang ligtas. At hindi makasalita si Chloe sa kilig niya kay Angelo
Ilang minuto natapos din ang inbestigasyon at bumalik sila muli sa park upang pumunta sa tabi ng dagat para hintayin nila ang paglubog ng araw mula sa pagitan ng Guimaras at Iloilo, nag-usap sila tungkol sa pagbabalik ng mga klase sa mga susunod na araw. Nilahad ni Chloe na malapit na rin ang U-Week at mayroong special art class na magaganap. Walang anu-ano, inimbitahan niya si Angelo na samahan siya sa nasabing event. Walang pag-aatubiling pumayag si Angelo, at agad niyang tinanggap ang imbitasyon.
Habang pinapanood ang paglubog ng araw, biglang niyakap ni Chloe si Angelo at hinalikan ito sa pisngi. "Salamat gid sa adlaw na ni hindi ko gid ni malipata, Angelo," bulong ni Chloe sa kanyang tenga.
(Translation: "Salamat sa araw na ito, hindi ko to makakalimutan Angelo")
Ngumiti si Angelo at humalik din sa pisngi ni Chloe. "Walang anuman, Chloe. Bisan ano man na, ari lang ko di para simo."
(Translation: "Walang anuman, Chloe. Kahit saan ka pa magpunta, nandito lang ako para sa'yo.")
Sabay nilang pinanood ang paglubog ng araw sa gitna ng dagat na puno ng mga ulap habang hawak ang kamay ng isa't isa na para bang ayaw na nilang bumitaw
Pagkatapos ng magandang sandaling iyon, nagpaalam na si Chloe at naglakad palabas ng park. "Bye Angelo, ayaw kasi ni mama gabi na'ko umuwi sa bahay o sa boarding house" dinagdagan pa to ng "Salamat liwat" ng lumisan na nakangiti kay Angelo.
(Translation: "Salamat ulit")
Naiwan si Angelo habang kumakaway at nakatitig sa paglisan ni Chloe sa park, ang kanyang mga mata ay naglalakip sa magandang alaala ng huling pagkikita nila.
Sa mga sumunod na araw, patuloy ang kanilang pag-uusap at pagtitiwala sa isa't isa. Habang lumilipas ang panahon, mas lalong napalalim ang kanilang pagmamahalan. Isinasaalang-alang nila ang bawat pangarap at plano na magkasama, at mas naging matatag ang kanilang pagsasama sa bawat pagsubok na kanilang haharapin.
Napagtanto nila na sa bawat kwento, halakhak, at mga sandaling magkasama, nagiging mas matibay ang kanilang pagmamahalan. Ang bawat hakbang nila ay nagbibigay liwanag sa kanilang paglalakbay tungo sa isang mas magandang kinabukasan.
Habang naghihintay sila sa mga susunod na yugto ng kanilang buhay, mas naging handa silang harapin ang mga pagbabago at pagkakataon. Ang pag-iibigan nina Angelo at Chloe ay patuloy na lumalago, nagbibigay inspirasyon sa isa't isa na maging mas mabuting tao, at patunay na ang tunay na pagmamahalan ay nagtatagal sa kabila ng lahat ng hamon.
To be continued.
BINABASA MO ANG
It's Raining In Iloilo | by Anthony Bueno
RomanceSi Chloe, isang dalagang taga-probinsya ng Capiz, ay handang magpatuloy sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa Iloilo City para sa mga susunod na taon. Dito niya makikilala si Angelo, isang lalaking spoiled at sadyang makulit na makakatagpo niya sa paa...